Last sunday, dahil sa harass the work i decided to ask a friend na dumayo sa glorietta to go watch “Stranger than Fiction”. Hindi dahil nagmamaganda but dahil dun lang palabas ang unyetang movie. Buti na lang may nag-effort na dalhin dito maski sa isang cinema lang ipapalabas.

I was expecting an intelligent movie, what with emma thompson in the cast, and it delivered. I was expecting a loud-out-loud romp, and it delivered as well.

it’s about this guy who started hearing a voice in his head, british accent pa ha… syempre akala niya nalulukring na siya di ba. But instead na kinakausap siya ng voice like any normal baliw, yung voice in his head annotates what he is doing, thinking and feeling.. just like a book.

Medyo na sasanayan na rin niya yung mental annotation ng buhay niya kaso tumbling siya dahil narinig niyang sinabi ng narrator na in a few days pala matitigok siya. Naafraid ang lolo niyo.

To cut thing short. truly pala, na may writer who is writing a book at ang main character carries the name of the guy… is the guy. di alam ng writer na ang sinusulat niya is about a real life person and not fiction. And she is trying to find a perfect way to kill the character/guy off. So syempre the guy has to stop the writer from killing him di ba…

bakit parang di funny nung kinuwento ko no? Pangit ako sumulat hhahaha

Ang funny thing was bandang gitna, habang nagtatawan ang mga nasa paligid ko, ako umiiyak. Di naman hagulgol noh dahil nadideds na dogs lang ang nagpapahagulgol sa akin, but crying nonetheless. In funny situations, the dialogues seems talking to me so much that it elicited tears.

Pagkatapos ng movie, as the others stand up and animatedly discussing their favorite parts, ako nagpupunas ng mata at trying to recover . Di tuloy malaman ng date ko kung paano magreact dahil baka akalain ng tao pinaiyak niya ako.

akong tanga na di makatayoafter being emotionally drained ng movie… bigla ko naisip,umiiyak ako sa comedy film, am i having a nervous breakdown due to my hectic work schedule at kawalan ng jowa (kailangang isingit para sa makakabasang single- im available1 habol tayo sa valentines day!!!)

Where was i?

Ah. Was i having a nervous breakdown?

Na-excite ako, kasi di pa ako nagkakaganun. Saka ilang famous writers na ba ang nagkanervous breakdown? i can be in their illustrious if medyo schitzo… um chizopre… iskitzopreni… um basta nababaliw sila. Tapos nagiging sikat ang sulat nila at nagakakaroon ng deeper meaning. Imagine ang blog ko magkakaroon ng deeper meaning!!! Pwede!!!

powered by performancing firefox

Advertisements