Horror ba ang Ouija? Hindi halata sa poster ha? At napakabago ng concept: ihalera ng mga fez ng bida, tapos utusan sila to look sufficiently nabobokot, click-click-click, ayan ang horror movie poster mo!

Image:Ouijaposter.jpg

Athough parang may feel din ito na poster ng Eskinol di ba, madilim ng lang. At base sa facial expresion nila parang mababasa mo ang thought balloon ng apat.

Jolina: Wala pa ang mumu… ano kaya ang itura… ayan na! Syet mga dati kong outfits! Minumulto ako ng ghosts of fashion crimes and bad taste of the past!!!

Iza: Takot? Let a Hollywood-bound actress do it… syet, angganda ko pa rin.

Rhian: Iba ang itsura ng natatakot sa inaapi?!!! Kailan pa?

Juday: Wag silang loloko-lokong mga mumu… hampasin ko sila ng pisngi ko.. ayan, hindi nga nagkasya sa poster kaya na-crop.

The movie was entitled Ouija dahil nasa Maynila ang tatlo sa bida, tapos natigok ang lola sa probinsya so ouija sa province. Kurne!!! Uwi-uwi-uwi!!!

The image “https://i1.wp.com/blogs.ya.com/tresdetreboles/files/ouija.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.

I just found out na hindi pala exotic age-old indian name ang “ouija” na ginamit ng super-ninuno ever-ever. Ang trulili trademark lang siya ng isang “talking board” na mass-produced ng Parker Brothers. Tatak siya ng boardgame! May goodbye pa talaga. Kulang na lang ng “Game over” o kaya “Thanks for playing”. Paksyet napeke akuh!

Maganda ang review at word of mouth tungkol sa movie so nagkainterest akong panoorin. Keber maski na ang second most common comment after “ang ganda ng movie!” ay “bakit ganun ang mukha ni jolina? Parang may manas.”

Ang sagot ko:Kailangan kasi may konting facial resemblance sina juday at jolina dahil magkapatid sa ama ang labas nila. Ang pinagkaiba lang, yung kay juday bolabola, yung kay jolens asado. Di ko alam kung prosthetics ang ginawa sa pisngi double chin ni jolina o body acting ba itu na pang-Oscars tulad ng ginawa ni Robert de Nero sa Raging Bull at Renee’ Zellweger sa Bridget Jones’s Diary. Tarush!

Its a very educational film achulee. Marami akong natutunan tulad ng…

  • From Anita Linda at Perla Bautista – walang katulad ang mga old guards even in the smallest of roles. At sa galing nila rito, may chismis na i-rerelaunch daw ang career nila as bold stars pantapat kina Katrina Halili at Ehra Madrigal…. (i am soooo going to hell for this wihihihi)
  • From Ruby Rodriguez – Dahil pang-hamon ang laki ng pata, dapat hamon din ang acting?
  • JC de Vera – Cute siya. Yan ang puno’t dulo ng career niya. Unless sasabak din siya sa bold dahil nakita ko dati sa isang shoot of bodash niya… buong-buo bawat noodles mother! It was a very Bantaybata 163 moment for me. Weheheh
  • Desiree del Valle – Pwedeng maging OA ang bangkay. Effective siya in fairness until nung natigok siya. Ang eyes niya kasi, parang nagulat na tarsier eh deads na siya nun!
  • Angel Locsin – wala siya sa movie
  • From Rhian Ramos -uuummm… may kinabukasan ang career niya… kung nasa call-cen’ner siya.
  • From Iza Calzado – Pwedeng sumigaw at umappear na super nabobokot nang hindi chumachaka. Angganda ni pohtah sa bawat eksena… akala ko nananalamin aku! Charos!
  • From Jolina Magdangal – Lighter Shade of Pale acting. To prepare for her role, hindi siya nag-stresstab for two months.
  • From Judy Ann Santos – When your a high-power career woman na may angst, dapat nagyuyosi ka… di naman dapat ubusin ang yosi, ang point is, dapat sindi ka lang nang sindi ng yosi.
  • Saka kung makikipagharap ka sa mumu na iniisa-isa kayung tigukin’g pamilya, at ang setting ay isang sleepy coastal town sa probinsya, ang best outfit ay off-the-shoulder na blouse at may hoop earring. Ito ang tama.

I’m so sure i’m nitpicking naman dahil Graded A daw ang movie’ng ito. Baka na-over lang ang expectation ko, sensya na. Expect ko kasi mabobokot ako at di makaka-uwi kaagad tulad nang nangyari sa akin when i watch “The Maid” with Alessandra de Rossi.

Yun kasi na-bothered talaga aku.As in! Itong Ouija hindi ako na-bothered… achulee sana nga hindi na ako nag-bother eh, ching!

Ang Ouija ay parang spirit of the glass lang. The last time i played the spirit of the glass, was with my barkada. Dim ang light para mas ma-emote. Nakaligid kami sa sala, may nakatayo, may naakupo. Sinimulan namin. Tanong namin spirit of the glass, are you there? Medyo humangin. Nilipad ng konti yung asin… umalog ng konti yung slices of lemon.

Tanong uli namin: Sino kah?

Silence… tapos…

Ang sagot:

JOSE CUERVO

Gold!!! Tagay na! Lick Shoot and Suck pa!

Powered by ScribeFire.

Advertisements