//upload.wikimedia.org/wikipedia/en/d/df/I_am_legend_teaser.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.Una na, ANONG KLASENG PAKSYET NA TITLE ANG “I AM LEGEND”?!!!

O siya, sige na, title kasi siya nung original na novel na pinagbasehan nung movie. So since malamang binayaran nila ang rights to the story and the title, sige gamitin na rin. Pero sa totoo lang…

ANONG KLASENG PAKSYET NA TITLE ANG “I AM LEGEND”?!!!

Hindi naman ito ang unang adaptation ng book to a movie. Kung anetch anech na rin naman ang binago nila sa movie. They could have though of another title tulad ng “The Omega Man”.

//farm1.static.flickr.com/195/514072200_2855bc1399.jpg?v=0” cannot be displayed, because it contains errors.Yan ang title nung 2nd adaptation ng novel na napanood ko ng ilang beses sa channel 9 starring Charlton Heston. Basta natatandaan ko laging madilim ang setting at ang window treatment ng balur ni Charlton, gawa sa heavy duty na bakal. Patay na patay ang colors!!!Apparently hindi pa uso ang Queer Eye for the Straight Guy noon.

Remember ko rin ang ang kaaway ni Charlton ay isang kuyog ng mga albino mutants na parang nagkaroon ng outbreak ng glutathione overdose at nagputian lahat ng utaw. Pati itim ng mata naging puti! Bongga!! At para mas bongga ang mga mumu na ito, have sila ng hooded na cape in heavy wool to contrast sa whiter shade of pale na skin tone… lagyan lang ng pearl necklace perfect na para sa evening wear competition na ginaganap nila habang hold sila ng sulo at super burn ng books sa harap ng balur ni Charlton! Ang charlton, ang ginagawa lang pag imbudo na siya, OPEN NG SPOTLIGHT!!! Tapos bigla ang bookburning at Search for Bb Mutant of the Night.

//images.rottentomatoes.com/images/movie/gallery/1183734/photo_14_hires.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.

Unang kaibahan ng version. Yung luma, ang last man on earth ay puti, sa 2008 itim na siya. Second na kaibahan, may dog na si last man on earth na si last-bantay-on-earth… na nilapa ng mga mumu’ng doggie version. Now, matigas ang loob ko sa death scene. Wag lang pumupulandit ang dugo at lamang loob, keri kong magwatch ng libolibo na nadi-deads sa movie at kadeadmahan lang ako ng taon… pero show me a doggie na umiika… pilay… gumagapang at magka-crying galore ako. So nung ga-kill na ni Will Smith si doggie dahil nagiging mumu-doggie na siya, AY!, ga-cry aku. Lecheng director yan, magaling pumindot ng emotional buttons.

May mga konting questions lang ako tulad ng…

  • Magkano ang ibinayad ng Apple para sa fabulosang exposure ng Macbook.
  • Ba’t may kuryente? Sige given may generator si Will. Walang sound?!!! Hindi nahihear ng mga mumu sa gabi?
  • 4×4 ang caru ng Will pero na overwhelm pa rin siya ng mga mumu. Paano siya na-save nung gurl at nung bagets? Hindi pinakita di ba, lumiwanag na lang nang wala lang.
  • May namumuong relasyon ba sa pagitan ni gurlie mumu na nahuli ni will at ni major mumu na super kaaway niya? Nagjudyugdyugan ba ang mga mumu’ng itu?
  • Nasa loob lang ng parang fireplace nakatago si gurl at bagets sa ending. Nasa tabi lang ito ni Will ng superexplosion niya ang sarili niya na ikinatigok niya at mga mumu. Super-tibay nung fireplace, hindi ito naapektuhan?

//images.rottentomatoes.com/images/movie/gallery/1183734/photo_18_hires.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.//www.schoebel-net.de/starsx/sigourney_weaver_x2.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.

KISS ME… parang looks family ang dalawang pix ‘nu?

Anyways, dedmahin na lag natin yun at pansinin na lang ang acting. Hindi ko mapupulaan dahil in total fairness to Will Smith super deliver siya dito. Nagsusumigaw sa emotions ang silent grieving niya nung nadeads na si dog. At yung psychological breakdown niya after that is so real, nakabagabag ito. Actor na actor si Will Smith siya sa movie na ito na… anu nga bang klase? Maemote ito dahil it deal with loneliness of being truly alone, pero hindi ito drama. May chase scene at sapakan pero hindi rin ito action/thriller.May mga zombie/vampire/mumu pero wishing ito horror movie. What IS frightening here is its proximity to reality. In this day and age, parang sobrang possibleng mangyari. Pwedeng any monument may super-virus na sumingaw at majubos ang utaw sa earth. Ka-afraid!!! Sa story parang 90% ng utaw sa mundo, natigok, sa 10% wishing natigok, eh 9% dun naging monsters, tapos yung 1% na natitira nilalapa nung 9% na mumu. So ang natitirang options ko sa life ay, matigok, maging mumu, o maging combo meal ng mumu. Pwede bang none of the above???


Advertisements