Medyo slightly porno ang posing ni Sweeney todd ditech no?

Watched Sweeney Todd with Gbo a couple of nights ago. I’m already familiar about Sweeney years ago pa but seeing the agos-pulandit-sirit ng blood of Tim Burton’s vivid imagination made me realize i was only familiar with the soundtrack of Sweeney Todd, not the visuals of it.

Short summary: Sweeney Todd ay comebacking na barbero with one thing in mind: REVENGE!!! BWAHAHAHA!

Excuse na-carried away aku…

Anyways, have siya ng specially fitted barber chair na, after niyang gilitan ng lalamunan ang victim niya, isang apak lang ay bubukas ang trapdoor sa floor at fall to death si victim sa basement where waiting si Mrs. Lovett para gawin silang ingredients ng kanyang meat pies.. think shepherd’s pie with real shepherds inside, chinese cuisine made from real chinese at girl scout cookies made from real girlscouts. Yum!

Tapos ititinda nila sa general public! Winner!

Napansin ko lang, OA sa sirit ng dugo ang mga tinetegi ni Sweeney na, i swear, killer na linisin ang sahig ng barberya niya ha! Hindi niya ba kayang maging masinop ng konti? The least he could do ay saluhan ng platong may bigas yung lalamunan bago niya ito gilitan. Tatapiktapikin niya pa ng konti. At least may pansahog siya na siyang blood cake sa lugaw at tinola. Fab!

//www.celebrific.com/wp-content/uploads/2007/03/johnny-depp-sweeney-todd-3-29-07.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.//www.canmag.com/images/front/xmen/charposter-rogue.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.
Si Sweeney Todd ba ang Tatay ni Rogue ng XMen o before and after picture itu ng pagpaparebond?

Sweeney Todd is almost a sung-thru musicale, meaning halos lahat ng dialogue kinakanta and it contains wickedly funny songs na, as trademark ni stephen sondheim, impossible to hum from memory paglabas mo ng sine. Promise hindi ka magkakaroon ng LSS dito as in Last-Song Syndrome…. with the possible exception ng song na “Not While I’m Around”.

It’s surprising achulee to find such a tender song sa isang musicale about mirthful murder, mutilation and marketing meat pies. Hello alliteration! Hehehe.

Achulee uli, it was Aling Barang, known to all and sundry as Barbra Streisand, who turned me to Sweeney Todd. She sang “Not While I’m Around” sa isang concert niya and turned it to a motherly anthem when she dedicated it to her veklush son Jason Gould. Awwww. How swerte a veklush can you be na maging mudra mo ang diyosa ng mga veklush at habang meron kang, at least at that time, jowang calvin klein underwear model? Ahetchu veklush jason!!!

Sorry wala akong masight sa youtube na clip ni Barang singing that song pero merong clip of Neil Patrick Harris formerly known as Doogie Hauser who is a vekla icon in his own right…

Eto pa ang mga napansin ko sa movie… bakit maypredeliction si tim Burton sa maputlang bida? I swear, lahat yata ng bida sa movies niya, whether live action o animation, lighter shade of pale ang kulay. Napapauso ba siya ng anemic-chic?

Unlike sa stage na bravura performance lahat ng songs, sa movie pop-ish ang performance ng mga kanta which i guess made it more masa-friendly. At nakakakanta pala sina Helena Bonham Carter at Johnny Depp?! Who knew!!!

At finally pwede bang sa next oscars, i-linya na lang sa best foreign language film ang mga british movie? I swear uli, knows kong english ang sini-say nila pero need ko pa rin ng subtitle promise!

Advertisements