Ayon sa Da Buzz, ang PELIKULANG INAABANGAN NG BUONG MUNDO!!!

* Sa Myanmar inihinto ang pamimigay ng relief aids sa nasalanta, ok na raw na ticket sa premier night na lang ang ididtribute

* Sa China, itinigil ang search and rescue dahil sa pag-abang kay mega.

* Sa US Hillary Clinton natalong democratic presidential candidate dahil inireveal ni Obama na Sharonian siya.

* Sa France, Rafael Nadal tinambakan si Federer ng 6-1, 6-3, 6-0 dahil nagmamadali itong tapusin ang laro at manonood pa siya ng Caregiver.

*Pati sa outer space, astronauts sinira ang toilet nila in hopes na ideclare na failure ang mission nila, pabalikin sila sa earth at makahabol sila sa showing ng Caregiver.

Hindi ako mahilig sa OA na pagbibenta. Hindi ko ito pinanood. Kesehodang angggaling galing ni Cate Blanchett dito. Oo nasa Caregiver si Cate. Siya ang gu umanap bilang Sharon Cuneta sa pelikulang ito! Truly. Promise. Ganun siya kagaling!!! Mas Sharon pa kesa kay Sharon!!!

Hmm…OK naman ako… bakit niyo naitanong?

Advertisements