https://i2.wp.com/www.scifimoviepage.com/upcoming/photos/prince_caspian-poster2.jpgExcited si Gbo na mapanood ang “Prince Caspian”. Ayaw lang niya ipahalata kaya nung magkita kami last saturday, bitbit niya yung librong pinagbasehan ng movie. Very subtle.

Bungga naman ang exsenang gyera-gyera sa bandang dulo pero by that time, iritado na ako sa movie so medyo chaka na ang impression.

Kasi naman simula pa lang may kasyongahan factor na de ba? Ano ‘ka niyong kasyongahan? Ganito…

Kasi nanganak ng lulurki ang jowa ng uncle ni Caspian. Para maging in line to the throne ang jogets kailangang matigoksina ang Caspian so nag-utos ang uncle na kill da Caspian.

Syempre para may movie, run ang nagpapaka-Dumbledore na tutor ni Caspian para wake him up before you go-go at umescape sa isang hidden passage. Normally pag may ga-kill sa iyo, de ba super run for your life ka na? Ang Caspian wa-i. Super silip siya sa nakaawang na pinto ng cabinet habang pinapana ang bed niya. At saka pa lang siya run down the steps. Kairita de ba?

Di pa yun. So alam niyag may humahabol siya kanya. Nakagetlak siya ng kabayo at ride away na. anu ang ginawa niya pagkalabas ng castle? Umistop, lookback at NAGMOMENT!!!

POHTAHNG INA! ALAM MUNG MAY HUMAHABOL SA IYO PARA TIGUKIN KA, MAGMOMENT KA PA SA HARAP NG KASTILYO HABANG PINANONOOD ANG FIREWORK DISPLAY?!!!

Di man lang tumabi at nagkubli para magmoment ha… eh di syempre nakalapit yung mga humahabol… at obvious na ginawa ng direktor para gawing mas exciting ang chase scene sa gubat. Hindi baleng magmukhang tanga ang bida. After that hindi ko na masuspend ang disbelief ko.

Sayang dahil meron namang magagandang factor ang movie like:

– Shampoo ni Caspian. Angganda ng bagsak ng hair maski na sa gitna ng warla

– Yung eksena na namamangka ang apat na bagets. Bungga ang location. Tulili kaya yung waterloo na superblue pero superclear of CGI?

– Ang cute nung batang centaur.

– Very realistic yung bossing na centaur, pati yung kulay at dungis. Halos ma-smell mong amoy na maantot na kabayo siya… at maimagine ang size ng gakabayong pututuy niya… waherherher

– ang galing ni Cate Blanchett. Hindi niyo napansin? Siya ang gumanap na Aslan the Lion! I swear!

Looking forward ako sa Kungfu Panda. Heyhey!

Advertisements