Madilim nga siya…

… at bakit hindi kinanta yung “Winner Take It All”?

Ay, hindi ba itu yung may kanta ng ABBA?

//im.rediff.com/movies/2008/apr/29look4.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.

Hmmm… kaya pala hindi ko makilala si Meryll Streep sa poster… sa ka hinanap ko uli si Cate Blanchett. Baka siya achulee ang tumapos ng movie na itu dahil natigok nga si Heath de ba? Bungga talaga si Cate! Wehehehe.

Slightly seriously, in fairview, i went inside the cinema ready to make chaka this movie to pieces. Bungga-bungga naman kasi ang hype de ba? Pero matatawag bang hype ang hype pag totoo pala itu?

//www.camerasystems.com/uploaded_images/dark_knight_onesheet-795949.jpg” cannot be displayed, because it contains errors.Naging center ng promo ng latest batman na itu syempre ang performance at ang subsequent na pagkatigok ni Heath Ledger. Talk about dying for your art de ba?

Remind me never to buy Ever Bilena ha? Hindi ko gusto ang finished product, paki sabi kay Mother Ricky.

But i must say… Mamang! Tama ang hula!

http://politicsoffthegrid.files.wordpress.com/2008/03/dark_knight_joker.jpgHeath’s performance truly deserves the accolades it has been getting. At wishing niya kailangang madeds para lang mapansin dito huh. I can only sum up his work here in two word… NAKAKABOKOT SIYA!!!

WHY SO SEEERIOUS?! Pohtahng ina, i will never read that line the same way ever again.

His Joker is funny and heartbreaking and SCARY!Twice nga sa movie, i had to look away dahil hindi ko na siya kinekeri! And one of those scenes pa, yung handheld homemade video scene, boses lang ni Heath ang nasa eksena! Ganun siya ka-effecive! At bakit andami nang exclamation point sa paragraph na itu?!!!

In fairview uli, the whole movie deserves maraming exclamation points talaga. Christian Bale’s Batman is less brooding at angst-filled here. Siguro napansin niyang kung sa angst-angst lang ang labanan, lalamunin siya nang husto ni Joker. Napansin ko lang, ang boses ni Christian pag Batman siya… feel ko siyang bigyan ng expectorant… o kaya sumigaw ng “Idahak mo na yan!!!”

Alin ang mas nagustuhan niyong performance as love interest ni Batman? yung kay Maggie o yung kay Katie?…. Yung kay Maggie? Sige spell niyo nga ang Gyllenhaal!!!…. Hmmm Katie Holmes na lang ano? Wehehehe.

Another thing na napansin ko ay ang quiet dignity that the old time actors lent to the movie. Si Michael Caine butler ni Bruce Wayne sito, so butler acting nga siya dito na parang nagsasabing, “anuburr, butler aku dito, hindi ako makikipagagawan ng moment nu!”

Same with Morgan Freeman and Gary Oldman. They just ARE in the movie. Walang eating the scenery. Walang histrionics. Hello, anuburr, supporting role ito sa isang superhero movie.

Which brings us to… as a superhero movie, this batman did not play like a superhero movie at all. The premise of the movie goes well beyond the basic Good versus Evil. Ang heavy niya. Ang lungkot niya. Ang dark niya.

Maski na obviously sa dulo, Good triumphs over Evil, hindi siya feel good movie. Hindi siya pambata. Hindi siya light weight entertainment. Hindi siya masaya.

Kasama ko si Julius at ang jowa niya nung pinanood ko ito. The night prior pala, naholdap ang jowa niya so nilibre na lang ng sine. After watching the movie, sabi ko kay Julius… “Pare tawagan mo jowa mo pagdating sa bahay ha… siguraduhin mong lumayo muna siya sa lubid, blade, kutsilyo at anu mang matalas na bagya for a while…”

Either that o basahin na lang namin sa tabloid ang ginawa ng jowa niya. Charos!!! Why so serious? Hehehe.

Advertisements