[walang_kawala.jpg]
Seryoso yata ang mga indie filmmakers na gawing gayfilm capital of the work ang Pinas. There was a time that pinoy gayfilms were as rare as truthful pronouncements from Gloring.

Not anymore.

Linggolinggo yata may nagbubukas na pelikulang veklaan ngayon. and Walang Kawala is one of them

In fuhrness may effort naman ang movie to inject  timely issues sa pelikula pero parang na-imagine ko na ang usapan sa storyconference.

Produ 1:
Tara bakla gawa tayo ng movie. Yung Baklaan.

Produ 2:
Tungkol sa beaucon? Been there, been that na. Hindi kumita.

Produ1:
Gagah! Syempre hindi. Dapat mga mga lulurking nagrarayrayan. To death!!!

Produ2:
Ano kwento?

Produ1:
Kebs! Basta nga may mg lulurking nagrayrayan!

Produ2:
Keribels. Tara shoot na tayo.

Produ1:
Paano ang script?

Produ2:
Kebs. Unahin muna natin ang mga lulurking nagrarayrayan.

Lulurki:
Basta may bonggang moment ako ha.

Produ2:
Sino itechi.

Produ1:
Gaga yan si Produ 3. Magddatung rin.

Produ2:
Go ang mga lulurking nagrarayrayan with acting moment. Take 1!!!!

Charos lang syempre…. Pero Parang.

Cards on the table. Pinanood namin ang Walang Kawala para sa binuyangyang na pututuy ni Marco Morales. Yun naman kasi ang ibinebenta ng mga tabloids eh. Yun saka yung laplapan nina Joseph Bitangcol at Polo Ravales.

[walang_kawala2.jpg]

At hindi siya nagdisappoint. Trulili nga ang pina-hello na pututuy with umalog na jugeyla ng bilay on the side. I just wonder kung gaano kalakas si Manny Valera at napalusot ang mga eksenang ito considering sobrang gratuitious nung eksena. Pambenta lang talaga ng pelikula at walang itinulong sa pagsulong ng kwento.

Sobrang baba nga yata ng expectation ko sa movie na ito na since hindi siya todo-todong basura eh parang keribels na rin lumalabas. May attempt pa sila sa icorrelate ang buhay ng mga aquarium fishes sa buhay ng mga bida kaso dinaan sa dialogue. Ay!  Tele-aralan ng Kakayahan Aquarium Fish Raising Edition pala itu.

Regarding performance naman well si Althea Vega, nagpakita ng jugeyla saka nagmura. Si Marco Morales, even less, nagpakita lang ng pututuy. Si Joseph, bukod sa rayrayan with Polo, nagmacho dancing nang may poot. Naks!

In furhness to Polo may moments naman siya. Wag lang masasabay kina Emilio o Jean Garcia dahil nanglalamon ang dalawa. Jean did the suffering wife schtick effortlessly…. which is good AND bad. Emilio, for me, fared better dahil he managed to avoid the Bwahahaha Kontrabida School of Acting. He’s actually a good actor… saka teammate ko siya sa badminton eh hihihihi.

Bottomline question, is it worth the ticket price? Maybe not but as support sa film industry natin, sige na rin…

… tapos get ka sa quiapo ng DVD copy para marewind at freeze frame yung important parts at your convenience.

Advertisements