https://i1.wp.com/www.movieposterdb.com/posters/08_11/2008/1210341/s_1210341_e45d863e.jpg
Opening day ng “One True Love”…

….pero hindi yun ang pinanood namin nuh! So hindi ito review nun.

https://i0.wp.com/upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/a/ae/Burn_After_Reading.jpg/215px-Burn_After_Reading.jpgAti and i made a date to watch “The Women” that night. Kaso wala na pala sa Gateway, and ayaw na naming lumipat so we jut settled for “Burn After Reading” na lang.

Yes, two vekveks, second choice lang sina Brad Pitt at George Clooney. Hehehe.

Looking at the cast sa poster ,na mas malaki pa ang font ng name ng artista kesa sa title, i surmised na ensemble movie itu and i was right.

Wala pa akong napapanood na Coen Brothers movie pero kinda trippy ang reputation nila for me. This movie proved that much to me. Kakalurki siya. Sa buong movie, iisang character lang yata ang sympathetic, supporting pa.

John Malcovich plays an low-ranking aging pathetic lasenggo CIA agent. Tilda,
his a cold bitch of a wife. Si George naman, a sexual predator and a sorry cad na friend ni John pero kakangkangan si Tilda. Si Frances, a selfishly misguided lovelorn woman na kakangkangan rin si George at gustong iblackmail si John. Friend ni Frances si Brad, a gymrat na wala lang, bonggang-bonggang tanga lang.

All the main characters are deliciously flawed and seemingly deliberately written, directed and acted to be dislikable and unsavory. The challenge was to make the audience still take to the characters given these personality defects.

 I must say successful ang mga filmmakers dahil nakakainis nga ang mga bida, pero hindi sila nakakairita. You know what i mean? Yung nakakainis sila dahil nakakainis talaga ang ugali ng ng characters nila. Pero hindi sila nakakairita dahil you understand na kahit anu yung ginagawa nilang kaeng-engan, their personalities dictates it at hindi dahil sabi ng director para lang magkaroon ng twist. Basta. Yun.

For a comedy, ambigat niyang dalhin. May bodycount pa. Unlike other movies na may pagpapa-feel good ekyems na kung anu man ang nangyari, it changes the lives of the people around, sa movie’ng ito iba.

 Dito nagkandaleche-leche na ang buhay nila, yung iba natigok pa tapos… wala lang. Ang reaction lang ng pinaka-bossing after being given the masalimuot ng
mga pangyayari…”What a clusterfuck…”. Yun lang. Ni walang
exclamation point. Minor irritation lang na may nagkapatayan.Walang redemption. Walang realization. Wala lang. Sa dami ng nangyari, it was slice of worthless live lang pala.

Nice wake-up call sa mga feeling important dyan sa paligid. In the scheme of things sa buong mundo, you never know… tae lang pala kayo. Eto inyo…

https://i2.wp.com/www1.istockphoto.com/file_thumbview_approve/2293132/2/istockphoto_2293132-toilet-paper-and-bad-puns.jpg

Advertisements