Pleasant surprise sa akin ang “Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay”. 


Of course narinig ko na ang bonggang word of mouth about the movie pero that didn’t stop me from making baba my expectations about the quality of production, given na indie film nga, mock-cumentary pa ang pa-effect which is a red flag usually na nagpapa-artisitic effect si direk, tapos the obscure na character actress pa ang subject. Uy pa-artistic na, padeep pa!
And for that, i would like to apologize to the filmmaker Antoinette Jadaone…. as if she would care de ba? whahaha
I would like to apologize pa rin…. for being prejudice.  At sa pagiging mapagmaganda na feeling ko kailangan kong ibaba ang standard ko para ma-aapreciate ko ang movie. How dare i?!!! In total fairness nahiya ako sa sarili.
Buhkit? Because the movie can stand on its own merits. De kelidad siya by any standard.
Simple lang ang premise ng mock-cumentary.  Supposedly nanominate for an acting award for the first time si Aling Lilia at sinundan ang buhay niya in the few days leading to the awards night. Yun lang. 
And though as a comedy, the director played up the absurdity ng buhay ng ating Pambansang Aswang, it has a lot of heart.
Watching the movie nararamdaman ko na labor of love ito, wititit pang-pride and glory lang ni direk tungo sa filmfests abroad. Mahal niya yung proseso ng film-making, may tiwala siya sa medium niya so di nya kailangang isaksak sa baga nating “may message akoh! socially relevant akoh”, at may respeto siya sa subject niya. 
The movie is funny, the situations were played for laughs, but she never let us laugh at Aling Lilia or treated her as a punchline. If anything, kinasapakat niya si Aling Lilia na lukahin tayo nang bonging-bongga.
Althroughout the movie i was kept out of balance. “Pelikula lang nga ba ito o docu talaga?”
Ay ewan, basta nag-eenjoy ako, i was bewitchED, bothered and bewildered ni Aling Lilia. BeWITCHed, get it? Hehehehe? Hmp. Anyways…

A major factor for the success of the storytelling in no-small part is Lilia Cuntapay herself.  ang galing ng bruha! Siyang-siya ang pangganap niya bilang siya! Aminin, di nation kayang i-acting ang sarili natin in front of the camera. Eugene Domingo, eto ang no-acting acting! 
Yung mga kaeksena niya, magaling naman’g umarte. Pero yun nga, may pag-arte’ng involved kang nararamdaman. Si Aling Lilia, the Art of BEING! Hello Method Acting! Hello Actors’ Studio!  
Channeling Beki Goddess RuPaul, she was serving 3rd World realness!
 lilia-11.jpg

Walang suklay, walang ngipin. Yun nah!
Fan mo ako Aling Lilia… wag mo lang akong sasalubungin sa madilim na kalye ha? 
  

Advertisements