I confess, I am a FF virgin. 

Oo, ito and una kong Fast and Furious. Nakapito na pala. Nagustuhan ko naman siya pero don’t expect me na mag-remedial viewing ng FF1-6 because of it.

In fairness to me, may awareness naman ako sa franchise. alam kong bida si Vin Diesel. Nabalitaan ko yung paghuhopia ni Andrea del Rosario during their promo blast here a few years ago. alam kong namatay si Michelle Rodriguez in an installment pero miraculous came back to life in another. And alam kong nadeads si Paul Walker before he could finish the movie.

Hunggwapo pala ni Paul Walker. *sniff

Sayang namatay siya na hindi niya ako natitikman. Kawawa naman. *charot

Opening scene pa lang, claro nang nasa ibang universe ang FF7. Umeemote si villain sa kwarto ng syupatid niyang comatose.  Warn pa siya na “take care of my brother !” ekyems samatalang giniba-giba naman pala niya yung buong ospital… at at tinigok ang mga bantay na pulis… nang MAG-ISA!

Next eksena, appear the The Rock Dwayne, na except sa isang girlilet na coworker eh ang-iisa sa police station. As in NAG-IISA! Waley, ibang bossing, waley, underlings, waley janitor. NAG-IISA. So nung umappear si villain at nagsapakan sila, walang ibang taong umawat o tumulong, except sa aforementioned na girlilet. Tapos fall si The Rock from the building, plakda ang likod sa durog na kotse. Cut to hospital. May plaster cast ang BRASO ni The Rock.

Next major scene, sa harap ng balur. Isinasakay ni Paul ang anakis niya sa kotse habang chumichika si Vin Diesel sa syupatid niya na wifey ni Paul. Biglang boomkablam! Jump away ang Vin and sis. Explode ang balur. Hampas ang fezlak ni Paul sa bintana ng kotse at nagcrack ang salamin. Cut to next scene: Gwapo pa rin si Paul, wala ni isang poknat sa fez.

Pero kebs na sa improbability ng mga scenes dahil hihg-octane ang mga eksena. Angat -pwet ako sa mga chase ang sapakan scene. Mga kotse, nagpaparachute mula sa eroplano! Achulee, hinihintay ko na yung kikukkikuk sound effects para maging transformers yung mga nag-skydiving na mga kotse. Asan si Optimus Prime?

Tapos nagcarchase sa winding mountainside road. Sapakan galore sa moving bus. Tumaob ang moving bus at dumadausdos papunta sa bangin at trapped si Paul sa loob. Nakabitin ang bus. Nakalabas is Paul pero sa nakabiting side. Nahulog ang bus sa bingit habang run for your life si Paul sa ibabaw. Isa bang elf si Paul galing sa the Hobbit? Apo ba siya ni Legolas na kayang umakyat ng hagdan na meanwhile ay nalalaglag from the sky? Tapos jump si Paul from the falling bus! Reaching for the  pwet ng kotse ni Michelle Rodriguez na eksakto lang ang usli sa bangin para hindi mahulog pero maabot ni Paul! Whew! Safe! Pahingi ng popcorn! Painom ng drinks! Punyeta andaming exclamation points ng review na ito!

Next scene nasa Abu Dhabi raw sila. Abu Dhabi na lahat ng girlilet walking galore nang nakabikini lang! Sa kalye! May hinahanap silang computer chip na coincidentally ay nakatago sa loob gn isang luxury sports car at syempre matatagpuan itong nakadisplay sa penthouse level ng pinakamataas na building around kunsaan may exclusive party ang richy-rich na may-ari. 

Cut to: Naka-tux sina Vin at Paul and company habang long-gown competition ang drama ni Michelle plus the another girl. May baon sila. Ready sila mag-carchase at malaglag sa bundok then umattend ng awards night after.

So nakapasok sila sa party, na-bypass ang security. Naabot ang mahiwagang luxury car. Eto na. Habang sina Vin at Paul tulong para magkalikot ng ilalim ng kotse, si Michelle mag-isang nakikipagsapakan sa mga security details ng owner ending sa mano-a-mano versus a female mixed martial artists na bortang-borta, hita ko, braso lang niya…. at hindi maliit ang hita ko. Yung isang lalaki sa crew nila create ng diversion sa party, busy pa rin si Michelle sa sapakan. Another guy sa team nila, super tipa-sa keyboard, habang nakikipag-gulungan pa rin si Michelle sa halimaw. Finally na short-circuit or something nina Vin at Paul ang kotse. Teka wait, si Michelle busy pa rin. YUng girl talaga ang pumafight scene versus the villain habang busy kayo sa kung kutkot ng kose at computer?!!! Unyeta. 

May i remind you, nag-enjoy ako sa movie ha. Moving on.

Eh di bukelya na nga sila. The only way na nakikikita nila to escape ay crash the glass wall at paliparin ang mamahaling kotse across to the next glass tower, CRASH! Safe Landing! Kaso, WALANG BRAKE! Crash ulit! Fly! Crash ito next tower kunsaan naghihintay ang isang halerang Shi Huang Ti terra cotta warrior para basagin nila. Crash! Safe!

Pagod na ako.

Pero may ekyems na barilan pa para may moment si Kurt Russel sa Middle East bago sila bumalik sa LA for the climactic major habulan at pasabugan. Boom! Crash. Nakakapagod ikwento. Basta sa dulo, apprear ulit si The Rock. Pinunit ang plaster cast niya. Nagnakaw ng ambulansiya. Nakapagpasabog ng drone. Napulot ng high-powered artillery na hindi nauubusan ng bala until sabihin ng director. Binabaril siya from above ng armed helicopter pero ni isang bala witchells siya nagalusan man lang. May gumuhong building, namatay si Vin. Umemote si Michelle Nabuhay ulit si Vin syempre.

Durog ang LA. Itsura ng New York matapos gawing playground ng Avengers. Paramihan sila ng sinira.

Tapos puso-pusoan. Beach. Paul (na hindi na si Paul dahil alam nating deads na siya in real life di ba) enjoying family life at nileletgo na siya nina Vin. Kanya-kanyang moment dahil maski buhay man si kyeme-Paul sa movie, deads na nga siya in real life di ba.

Walk away si Vin para may solo emo moment siya ng pagpapaalam sa hindi-patay-pero-in real-life-deads-na na Paul. With emotional VO na to the max sa mushy emotions bordering in bromance. Isang kembot na lang eh bumu-brokeback mountain na ang dating. Get a room already. Pero alam nga nating deads na si Paul di ba so patawarin na.

Hunggwapo ni Paul. Namention ko bang nag-enjoy naman ako?


Advertisements