Ilang “putangina” meron sa pelikulang ito? Yung”putangina” marami. Yung PUTANGINA na meron hugot at angst and pamFamas na hsitrionics, zero. 


Takot ko lang na chakahin ang movie at baka kuyugin ako ng mga hugot fans. Pero….


Malaking achievement for the movie na walang ganap, spluck lang ng spluck and yet managed to keep us engaged. Hindi ako anghihintay sa susunod na mangyayari dahil inienjoy ko yung nangyayari on the screen at present. Bongga yun! Pero…


Tatlo lang ang masasabing cast ng istorya, at yung ikatlo, sa last two minutes lang nasilayan ni camera. Buong movie sila sina Angelica Panganiban at JM de Guzman lang at hindi na nila kailangan ng supporting actors.


Hats off ako kay Angelica dito. She kept it real. Halos maamoy mo na siya.  hindi siya nag-effort magpatawa, and instead trusted the script and the situation to bring in the laughter.


JM did well rin. When he turns on the charm, hello!  Isang smile lang at… paabot nga ng panty shield ko…


In fact i felt JM worked best without lines and letting his face do the talking. For some reason kasi hindi ako naniniwala sa sinasabi niya when he starts spouting his dialogue. Parang nawawala yung truth. 


Sign of a chickflick 1. JM sounds like what a woman thinks or would like a man to sound like. 


Pero eto na. Maybe sunod-sunod lang ang lumabas ng movies ni Antoinette pero napansin ko na mayroon siyang ilang favorite devices. 1. Using animation and graphics to narrate and move the story along. 2. Mental conversation with self. 3. Videoke. Not that there is anything wrong with their usage in any of the movies, pero in several movies? Well….


Eto pa. The characters Mace and Anthony may be cute,spontaneous and romantic…pero they are also selfish and self-centerered may sarili silang mundo. Hello. Dumating sila sa Pinas, tumambay buong maghapon sa Japanese resto, bumiyahe to Baguio, umabot sa Sagada… and neither one bothered to let family or friends know na “hoy putangina niyo nasa pinas na ako pero detour lang ako sa baguio sandali bago umuwi ha?”


Eto pa. Nag-ikot sila sa Baguio bitbit ang overweight maleta nila. Hello. Ok, sige baka symbolism yun na habang nasa Baguio, bitbit pa rin nila ang emotional baggage nila pero in terms of common sense di ba dapat kumuha sila ng murang inn para paglagakan ng gamit habang tumatravelogue sila?


Eto pa. Ang pagsama ni Anthony kay Mace sa Baguio is essentially a booty call…. na may mileage. Sa regular male POV sa videoke session pa lang nilasing na ni Anthony si Mace at sa Sogo lang sila napunta, hindi na umabot sa Baguio. But since chickflick nga ito… huwelllllll.


Eto pa. Sa Sagada, kung ganung giniginaw ka pag hapon, you will not survive sleeping out in the open overnight. Matitegi ka sa hypothermia. At naka-open toe sandals pa si Mace huh. Sa totoong buhay, if Mace actually survived the night, it would be less a few toes.


But all in all i liked the movie. Oo i liked the movie pa ng lagay na iyan. The storyline was relatively clean, the lines were crisp, the shots were nice, and the performances were on point. Cinema of the 70’s and 80’s had the realism and social consciousness of Ricky Lee the machinegun wit of Danny Zialcita. Antoinette Jadaone could be the cinema voice of this generation.

 


Advertisements