The fact is, either pangit yung audio sa cinema or bingi lang talaga ako, so wala akong naintindihang dialogue sa buong movie so whatever i picked up are mostly from visual cues. In fainess, bonggacious ang visual so keribels lang.

1. Baliw si Mad Max. Ayyy nasa title na pala. Anyways, maraming na-deds na hindi niya na-save. Survivor’s Guilt.

2. Ang gamot sa panghihina ay… Blood transfusion kaya ginawang tetrapack si Mad Max… ahhhh refreshing!

3. Hindi pa sila nasiyahan, ginawa pang hood ornament si Mad Max. In fair, i’d like one as well please.

4. Angganda ni pa rin ni Charlise Theron maski kalbo. Ganun talaga pag tunay na beautious, maski witchikels hair eh kabugera hanggang post-apocalyptic times. Kaya siguro pinag-brasong putol siya para wag naman perfect.

5. Furiousa ang name ni Charlise. Mad Max naman si Tom Hardy. Mad Max: Fury Road ang title. Sino ang nagiisip ngayon na may nagdemand na  dapat nasa title rin ang character ni Charlise.

6. Ang pamantayan ng magiging warrior ay have ng abs. Pag have ka ng abs, super warrior ka. Pag payat patetot ka, manula laborer galore. Pag majubis, bossing. Pag emaciated na madungis, pang-crowd scene sa ibaba.

7. Apparently sa post-apocalyptic earth, bukod sa langis at tubig, pinakamahalagang commodity ang ang mga…SUPERMODELS. Yun yung dahilan ng chase scene that is the whole movie di ba? Powerful people using power to get supermodel wives para ma-improve naman ang genetic pool nila. Ayyy parang real life lang!

8. Daenerys Targaryen ang peg ng supermodel wives. Blonde Daenerys, Brunette Daenerys, Redhead Daenerys. etc… So where are my dragons?

9. Kaya ba kinalbo si Charlise kasi kung long flowing hair rin siya, baka inasawa rin lang siya ni kuyang bungo.

10. Sa mundong ito, na-achieve na ang gender equality which only mean, lalaki ka? Ummm! Tadyak -sapak! Babae ka? Tadyak-sapak pa rin. Matandang babae ka na ilang taon nang hindi nakakapag-apply ng sonbloc with SPF? Tadyak-sapak na rin lang to be fair to everyone concerned.

11. First half ng movie, car chase cum fight scene sila palayo para tumakas. Nakatakas sila, hindi nakahabol ang bad guys. Tapos dahil disyerto rin ang pinuntahan nila, nabore sila at say nila. “Tara balikan natin yung humahabol sa atin para may happening.

12. Sa final scene, to signify their victory, pinakawalan nila ang water of life. As in tapon. Pag naubos yan, paano na kayo? Kaya siguro bago pa magclosing lumayas na si Mad Max malamang saying, nakipagduelo kayo for water tapos itatapon niyo lang? Mga tanga! Dyan na nga kayo” . I gues Max is not as crazy mad as they thought.

Advertisements