Chris-Pratt-e1422428534712Hari ng BO.
Box Office, charot! Imagine kumita ng 500 million dollarses in just one weekend!!! Chris Pratt,   ikaw na!
Ewan ko sa inyo, pero ako si Chris ang pinanood ko. 
 
 
 
Supporting roles lang talaga ang mga dinosaurs at ang harsh bangs ng china chop ni ate Bryce Dallas Howard Ekyem Chuvaness (haba ng name!)
 
 
 
 
Eto na ang premise, finally natuloy na  pala ang dinosaur theme park na pangarap lang sa Jurassic Park 1 kunsaan kaya na nang technology na mag-deextinct iba-t-ibang uri ng dinosaurs pero choopy pa rin ang signal ng cellphone. Globe siguro ang server nila.
Anyways, in existense na ang park for more than a couple of years dahil ang sabi sa kwento, madaling nabuburyong ang mga utaw sa exhibits kaya every several year or so naglalabas sila ng bagong specie ng dinosaur na bigger, badder and more fierce pa kay Rupaul pag nag-strike-a-pose. 
At finally umabot sila sa point na kailangan na nilang mag-imbento ng bagong dinosaur na mas nakakatakot at mas mapanira… enter Juan Ponce Enrile. 
 
Charot!
 

Naglagay sina ate Bryce ng kung-anu-anong DNA sa blender, pulse for 30 seconds, add milk and ice at ayun, presenting… Indominus Rex na padelight sa umpisa, pasilip-silip lang behind the foliage, nagbi-beautiful eyes. Drama!!!

Kaso, dahil monster movie ito, syempre naka-sashay away si Indominus Rex sa kulungan niya para maghasik ng lagim.
 
Enter Chris Pratt, ang David Milan ng dinosaur world, the Velociraptor Whisperer. At may names pa ang alaga niya, si Echo, Delta, Charlie, Blue at Vicki. Vicki Velociraptor. Charot.
Tulad ng Jurassic Park, meron ring dalawang bagets character sa Jurassic World. Pero unlike the JP kids na have ako ng care kung ano ang mangyayari, yung dalawang bogets sa JW kebs ko lang maski maging Alpo for Dinos maski bigyan pa ng back story na magdi-divorce ang parientes. Kasi naman, umpisa pa lang tinatakasan nila yung kawawang assistant na bantay nila, tapos nung pinababalik na sila sa Visitor Center for safety, ano ang ginawa nila? Eh di sumuway sa utos and instead pumasok pa sa sirang fence ng mga dangerous dinosaurs. Eh pohtahngina deserve niyong maging Purina at Whiskas ni Indominus Rex, mga lech.
Pero syempre hindi di ba? American boys sila, bida. Brash, head-strong, survivors who will save the day. Meanwhile, ang ganid sa pera na park owner ay of Indian descent, ang unscrupulous scientist ay Asian at ang kawawang assistant na inilipad ng pternadons, inilublob sa tubig, inilipad, inilublob, inilipad, nilunok ng mosasaurus ay Brit. Just saying.
The rest of the movie ay habulan, siraan, ngasaban, patayan. something for the whole family. May konting moment din naman para magdownload ng message about the evils of corporations and big businesses, the ethics of pushing the boundaries of science, the militaristic exploitation, at syempre the importance of familyfamilyfamily. 
 
At may effort rin to rehabilitate the image ng mga dinosaurs. Hindi sila bad, misunderstood lang. Misunderstood na may matatalas na ngipin, matalim na kuko at keri lang lumapang ng tao. Asan na ang grenade launcher ko?
Kawawa raw si Indominus dahil pinalaki na nakakulong mag-isa, walang social skills. Saka pangit ang skin niya. May pimples siya bukod sa scales. Yaak, sabi nung ibang mean girl dinosaurs. You can’t sit with us, duh. 
Kaya naman pala naglalash out si Indominus
 
 
In contrast, yung mga raptor, very social at nagamit ng mga bida to locate Indominus. Yun nga lang, bumaligtad rin sila at nilafang yung mga sundalo nung nag-face to face na sila ni Indominus. Except nung si Chris na ang delikado kay Indominus dahil deep inside  solid Team Chris Pratt pala ang mga raptors, i’m sure dahil kumikiwal at water-water ang female raptor parts nila pag hinihimas sila ni Chris. Nyarwl!!!
But what can the small raptors do versus the big Indominus? So inibas ni ate Bryce ang Tyronosaurus Rex habang nagpapahabol siya ng nakaheels.
Bida na si Tyronasauris Rex. She is now fighting for the human side! 
Bugbugan galore ang dalawang monsters habang nakapose sa gilid-gilid si ate Bryce. Anu ba ate, umalis ka kaya diyan at hubarin mo yang heels mo?! Kanina ka pa ha!
Kaso maski tag team na si Tyro at Blue the Raptor, wititit nila matalo si Indominus. Hampas! Kagat! Bundol! Ngasab! Forever fight scene!!!
Tapos biglang umapir si Mosang the Mosasaurus, from the water at nilunok si Indominus.
Ayyy teka san nanggaling yun?
 
Yun na yun?
Basta ganun. Wag nang umapela. Tapos ang laban.
The end.
Advertisements