Huli man at magaling, huli pa rin so when i got the chance, nagkukumahog na akong bumili ng ticket to watch Rak of Aegis in it’s whatever pang-ilang run which means ito ang bagong cash-cow ng PETA. Move over Zsazsa Zaturnnah, you are sooo 9 years ago. Oo, winikipedia ko siya, 9 years ago at naka 91 performances raw ito. 91!!!

Nag-showbuyer ang friend ko so sa kanya ako bumili ng ticket. Mahal! 1.2 kyuk peysoses! Sold out na raw kasi ang miu-miu tickets nila. Ok fine, orchestra seats naman raw.

Pagdating namin dun, 1.2 kyuks bought us pala monobloc seats sa gilid-gilid lang at sahig level. Eh three rows of monobloc yun at may reserved marker na yung nasa harap so either magpapaka-giraffe ako as in haba leeg or batok ng nasa harap ko ang mapapanood ko.

To be fair, anlaki naman ng stage kasi, sakop yung regular orchestra section dapat, so kailangang mabawi yung nawalang seats. But i have to say hungganda ng pagkakagawa ng set designed to look like a binahang iskwalalumpoor settlement complete with recycled wood pilapil at gondola floating sa tubig kanal. Third world chic. Pinag-isipan ko kung lalagyan ko ng Spoiler Alert ang post na ito eh huli na nga ako sa panonood di ba so kanino panonood pa ang mai-spoil ko? Saka theater is always a unique experience di ba, you will never see the same performance twice. Naks. For the show that I saw, Aicelle Santos played the Aileen lead with Jerald Napoles as her love interest Tolits. Kalila Aguilos was Kapita Mary Jane while OJ Mariano was the havey na pudang na may shulbonika jones na bumbunan. Hungsarap ng fudra huh. Anyways, heto na nga…

1. Kasisimula pa lang ng show may show-stopper nang pag-ulan na ganap sa gitna ng stage kunsaan may actual na, quote-unqoute, baha. As in during the number basang-basa nga sa ulan yung cast. I realized tuloy na bukod sa nawalang seat, part ng kita at pambili ng bio-flu, neozep at canesten for the cast na binabasa at pinalulusong sa tubig every performance.

2. Hindi ko alam kung dahil sa pwesto ko lang o sobrang busy sa set, hindi ko malaman kung saan titingin. Merong kumakanta dito, may nagmomonent doon, pati yung business ng mga extra sa gilid-gilid umaagaw ng eksena.

3. Hungsarap ni fudra 4. While sa story ay may nakaraan pala si Fudra Kiel at Kapitana Mary Jane wala akong naramdaman na sexual tension between them. Mag-ex na walang sexual tension?!!! Unbelievable! Buti pa between fudra at si Kakai Bautista may tender chemistry na maniniwala kang mahal talaga ni fudra si mudra maski hindi ito kagandahan, losyang, may ngiping pwedeng mag-bukas ng delata at totally hindi sila nararapat sa isa’t-isa!!!! May poot?

5. Namention ko na bang havey si fudra?

6. Bata pa pala si Kalila Aguilos pero as Kapitana parang chinachannel niya ang itsu ni Shamaine Buencamino. Full Disclosure: Hindi ako fan ng Aegis at tatlong kanta lang nila ako familiar: Halik, Luha at Basang-Basang sa Ulan. Mga tigtatatlong linya lang per song ang alam ko so naku-lost ako when they use other songs to move the story forward.

7. Speaking of moving the story forward, salsalin nating ang Act 1, why not? May moments na kinda buryong. Act 2 was much better at nagustuhan ko na maski opposing ang pananaw nina Fudra at Kapitana, both are shades of grey. Walang good at walang evil, pareho lang gumagalaw base sa pinaniniwalaan nilang mas makakatulong sa komunidad nila, which brings me to…

8. The designated villain character Fernan. Parang may effort pang bigyan siya ng angst during the end of Act 1. Bakeeeet?! Nagmoment ka eh hindi naman na-explore ang background mo to merit it or make us believe it. sorry, fail. Maski ok naman yung featured number mo, bleh pa rin ang reaction ko. Doray the Reporter fared much better for me dahil maski satirical at cartoonish, defined ang characterization niya. Pakpakpakpakpak.

9. Huwat, another beklang best friend character?! Sorry walang bago. Unang tingin ko parang impersonator lang siya ni Vincent De Jesus na nakakabirit ng Aegis in soprano and baritone na sabay. Yun lang.

10. Similar ang fashionshow cum curtain call ng Rak sa ending fashion show ng Kinky Boots sa Broadway. Ang difference lang sa Kinky Boots, the cast were all in thigh-high stilleto boots. Sana kinareer rin ng production gawan ng couture na plastic na bota ang buong cast sa ending ng Rak.

11. Effortless ang pagka-scenestealer ni Jerald Napoles. With a look, or a flinch, nakakanakaw siya ng eksena. Lalo na pag moment na niya. Hala! Feeeling ko nga minsan consciously nagda-dial down siya sa acting niya in some scenes as not to detract sa moment ng kaeksena niya.

12. Angwinner ng romantic duet nina Jerald at Aicelle. Akala ko situated lang sa millieu ng mga labandera, biglang naging magical bubble machine. Pakak!

13. And finally Aicelle herself. Sa show, maraming actors who can sing, si Aicelle yung singer who can act. In fairness, habang ligid siya ng mga taga-teatro who use brashness and theater tricks and tics to elicit reactions from the audience, Aicelle, for the most part, played it straight and still hindi siya nasasapawan dahil may honesty sa performance niya.

And when she sings… #tanginathis talaga! yung rendition niya ng Basang-Basa sa Ulan was Eve.Ry.Thing!!!! Performance na “Sorry Aegis, akin na ang kanta niyo!”Hugot pa more!!!  Maniniwala kang posibleng maging viral ang video at pwede ngang tawagan siya ni Ellen in the end.

Ayyy spoiler!

Advertisements