Promise walang spoiler ng ending sa post na ito.

 Eto na nga, so nang may nag-invite sa akin to watch Sabel, ang unang kong sagot was “Anu yun?Sabeeeel this must be looooove?”
Sorry naman very 80s ang peg.

Anyways, so nalaman ko 2nd run na pala ito meaning success ang first run. Baka maganda nga! At musical pala ito, na ballet, based sa Sabel ng artist na si BenCab. Aba kaltiyur upon kaltiyur upon kaltiyur, gusto ko yan, pwedeng magsocial climb!
Pero hungmahal ng ticket huh. 1.5 kyuk peysoses na gilidgilid pa rin ang upuan namin! But sige na nga sa ngalan ng kaltiyur. 

Pag akyat namin ng music museum, aba oo nga the besobeso crowd was there! I feel so cultured olreydi! Mas culture pa sa pearls at bacteria sa petri dish combined! Bongganess of all, BenCab himself was present. The height na ito ng social climbing career ko for the night!

So eto na nga. Opening number! Angganda ng stage, bongga ang light effects! Enter ang mga songers. Uyyy may Aicelle Santos rin? Kabogera! Isniingit in between her Rak of aegis performances. May malaking pangangailangan ba si Aicelle? 
Then pasok Iza Calzado. Shala! Angganda! Umispluk ng narration. Inglis-inglisan. May rhyme! Art ito!

To be honest nagworry ako kay Iza dahil parang may nerbiyos ang hand gestures at bilis ng delivery niya. But then she quickly hit her correct stride at naiaarte niya ang narration.

So nagnanarrate ni Iza ng kwento tapos may kakanta sa gilid habang may nag-iinterpret sa gitna na na ballet-ballet. Then pasok si Iza ulit to narrate, pasok singer, tapos sayaw-sayaw. Narrate ulit Iza, song ulit, sayaw ulit. Ay ano ito ulit-ulit? And the next number of our program in rhyming narration form?

Eto kasi, hindi naman sa nagmamarunong ako ha pero dapat di ba sa isang musical, bawat song either nagpupush ng kwento o nagbibigay ng ibang lalim sa pagkatao ng characters? Sa Sabel, ikukuwento ni Iza na ipinanganak si Sabel at gandang ganda ang fudang niya. Segue to song with dance na ang lyrics is basically saying “angganda ng anak ko, look o angganda, ganda-ganda, look o angganda ng anak ko”. BUONG KANTA yun lang ang sinabi. At ang choreography isinayaw-sayaw lang yung manikang baby, ibinababa, pinick-up, isinayaw, ibinaba, pinick-up isininayaw. Naubusan yata ng steps ang choreographer hmpf.

  

Ang timeline nagsimula peace-time pre-WWII at may effort to represent the era in the song style and choreography pero hanggang doon na lang. Nung tumawid na sa Occupation at Liberation aba bara-bara na. Ang choreo sumishades ng Aldeguer sisters bigla. May song bigla ume-Evenescence emo. Anggulo.

Naging cabaret performer si Sabel. Twirling-twirling ang napagdesisyunan niyang dancestep. Nagtwirl ang lead dancer sa isang buong song.
It gets worse.

Tapos nafall in love si Sabel. TATLONG BUONG KANTA walang sinabi kundi in love sila. Sobra. So in love. Lovelovelove. Lovinglovinglove. NaglalagLove. 
Halos 15 minutes, walang sinabi kundi in love sila. Matagal pa ba ito?

Tapos iniwan siya ni lulurki, eh niya buntis pala siya, tapos mabukels sa work niya so pinalayas siya. Need I say na ang kwentong buhay na ito ay fictonalized as in storytelling me a lie. Original na original di ba? Never pa nagawa sa tv o pelikula. 
Ever. 

Tapos naloka siya.

Isang buong kanta lukaluka dancing lang si lead. As in walang pretension na maging artistic ang choreo, ginulo ang hair, tadyak-tadyak, tumakbo parotparito, baliwbaliwan dancing nga.

Tapos hindi ko na alam.

Kasi umalis na kami.

Magpapatali ba kami sa show na ito dahil magaling si iza. Magpapatali ba kami dahil kay Aicelle? Magpapatali ba kami dahil sa ibinayad namin?
Witchelles! Walk away kung walk away. Walang narration o interpretative dancing na kailangan. Kebs na nandun si BenCab, sorry.

Not sorry. Mas nag-enjoy pa akong kumain ng banana crumble flurry sa mcdo P50 lang. Sayang yung P1.5k namin. Hmpf

Sabi sa inyo walang spoiler sa ending ang post na ito eh.

Advertisements