Masamang tao ka Sarah, pinaiyak mo si Papa P ko!

Honestly, never namang naging major attraction si Piolo Pascual for me to watch a show or catch any of his films, pero dito, haaaay! Papa P!!!!!!

Last Saturday, walang pangingimi kong niyaya si jowa to catch The Break Up Playlist dahil aba, it’s another Dan Villegas-Antoinette Jadaone colab. Kebs nang wititit ko alam kung ang premise ng kwento, kebs nang ito pala yung Sarah G- Piolo P movie na ang main selling angle ay kung may magaganap bang kissing scene dahil conservative raw masyado… si Piolo.

So eto na nga, umpisa pa lang may emotional highlight agad. Pak! Break up scene agad. Pak. Magtatanong pa ba kayo kung bakit may break up sa title? if so, tanga ka. Pak! Meanwhile nag-flashback na. Pak.

Pohtahng inang Maria Sophia Love yan huh, pati review ko nai-infect. Lech.

Pak.

piolo_pascual-intense-eyesAt oo, hunggwapo ni Piolo!

Nagwagi ang effort ng team na pababatin ang look ng lolo niyo para humabol sa idad ni Sarah. Nagwagi rin ng slight ang team na pagandahin si Sarah para humabol sa kagapuhan ni Papa P. Choz.

Sa pamamagitan ng youthful haircut, character appropriate wardrobe at majika ng bb cream at concealer nagmukhang totoong bagets si Papa P, with the possible exception nung night scene sa beach kung saan nagpi-flirt siya kay Sarah habang humihiwalay ang kulay ng mukha niya sa katawan. Tan na tan ang budash niya pero ang fezlak, hamputi. Fail mga ate’ng make-up artists, wag nang mauiit ha?

After that, may malaking section ng movie na patweetums, pakilig at kung anix-anix na devices… none of which worked. Meron mang mang physics, biology, geometry at algebra sina Piolo at Sarah, wala naman silang Chemistry.

Oo na, kurneh na, sorry naman.

Waley talaga eh, para kasing the two stars were too old be be in the throes of early love. In short, nagsusumixteen ’teh?

May mga padelight na eksena sina Sarah at Piolo while they were supposed to be falling in love ekyem but didn’t work. Maski yung eksena na gumamit pa sila ng cd covers sa record bar to facilitate their ligawan, aba dapat minamalaria na ako sa kilig, pero waley baka kasi kulang sa sense of irony and self awareness yung portrayal nung dalawa. Masyadong earnest allthroughout when they could have played some scenes for laughs naman.

Antagal talaga bago ako nahook sa movie, tinyaga ko lang. Hinahanap ko yung baltik ng writing ni antoinette where used to pepper her movies, dito it was few and far between. Hindi siya nagsusumigaw na Antoinette script. It felt incomplete. Siguro dahil… ***SPOILER ALERT **** walang buwis buhay hugot damdaming videoke singalong sequence sa buong movie. OMG! Charot.

This is not to say na crapola ang movie huh. It is still better than most local commercial fare. Pero yun na nga ang undeniable, commercial. Napatanong tuloy ako, nagpatayo ba ng bagong bahay sina Antoinette o meron silang malaking bayarin?

Naengaged na lang ako when the movie moved towards the present, nung more mature aspect of the relationship na ang tinackle ng movie, yung stuff about commitment, gender dynamics, forgiveness, holding on, moving on, on and on and on… dahil angverbose ng movie huh, show na tell pa. As in kung kung hindi niyo pa naintindihan ang emotional state ni character through acting, iveverbalise ko siya… twice! Just in case you missed it the first time.

But natuwa naman ako na iba ang atake ni Sarah sa character niya, more mature…dahil her perky ingenue acting has already overstayed its welcome dun pa lang sa last movie niya ni John Lloyd Cruz. At yung eksena na finally ibinulalas na niya ang feelings sa mudrakels about being trapped to fulfill a dream na hindi naman kanya…. aaayyyy may pinaghuhugutan si ate!!!

At si Papa P? Leeeeeeeerd! Ewan ko kung paano nakaya ni Sarah magmatigas ng damdamin kay PIolo pero kung yung  binigyan ni Papa P ng puppy dog eyes, haay naku, eto na ang titulo sa condo at atm card ng payroll ko, may kailangan ka pa? Every time lumalafang siya ng humble pie just to get Sarah back, biling-bili ko at leeerd, gusto kong inuntog si Sarah at sigawan ng “Anu ba?! Anu bah?!!!”

20150701-thebreakupplaylist-011_58FE33886A3242CE9E30AC892DF802DA

At kung ibang artista kailangan ng extreme close up para mkita ng audience na umiiyak sila, ibahin si Papa P.  Over-achiever ang tearducks! Long-shot ang eksena, partida pa nakatalikod pa si Papa P, then he cried. Ayun ang luha o! Splash! Splash!

Wasak ako, as in.

All in all, ok naman. Better than most. Hindi sayang ang ibinayad. Kung fan ka ni Sarah at Papa P, pak na pak. Kung fan ka ni Dan at Antoinette, babaan ng slight ang expectation, pak na rin.

Advertisements