Eto nga…

So nakakuha kami ng ticket sa pinakamabentang set sa Virgin Labfest this year dahil maraming angkukumahog mapanood yung yung play tungkol sa pagkikita ng junakis at mudrakels niyang dating NPA.

Charot! the height ng pagpapanggap di ba? Syempre mabenta yung Macho Dancer dahil sa oppurtunity makanood ng artistry in writing and excellence in crafting characters.

Charot ulit. Alam niyo naman na talaga kung bakit.

macho MACHO DANCER:

Salamat sa traffic sa Quirino Ave, photo finish ang pagdating namin sa CCP at pagpasok namin, nagsisimula yung unang play. Macho Dancer the Musical. Muntik pa pala naming na-miss, lech. At wow, maganda pa pala ang katawan ni Lou Veloso, keri pang maghubad onstage. Ay, ano? Hindi si Lou Veloso yun? Sorry naman. Witchikels ko na lang i-reveal kung sino.

Masaya naman yung play, okey ang camaraderie ng cast. Juicy talaga yung jogets na gumanap ng bilang Juicy. Truliling kolbyoic si Bert, kapanipaniwalang daks si Daks, at parang eraser ng mongol pencil ang utong ni Paul, maginaw siguro sa stage. Para lang hindi makatotohanang pang-macho dancer yung suot nilang boots… not that know what they look like first hand huh. Parang  lang. Hindi ako sure. Never pa akong nakakita ng actual boots ng macho dancer

As the play progressed i started to get a niggling feeling na nanonood ako ng episode ng Palibhasa Lalaki na nilipat ang milleau sa gay bar. Kwentuhan, laglagan, tapos mag-aaway-habulan tapos magkakabati at balik sa kwnetuhan. Tapos maglalaglagan-mag-aaway-maghabulan-bati ulit.

Unli kuya? Kailangan paulit-ulit?

Given the subject matter at given my range of interest, i was surprised na may bagot moments ako sa play. From the  basic premise na magsasara ang gay bar at nagpatulong ang mga macho dancers sa kuya nilang akala nila naka-angat na sa buhay pero secretly eh nasipa pala sa legit dance company’ng nasalihan… hindi na umusad from there. Akala ko nung napunta ang usapan tungkol sa art, lalalim na ang diskusyon pero, sadly umurong ang play, parang betlog sa maginaw na gabi, at umalik lang sila sa simpleng kwento at hand.

The whole presentation felt stilted and condensed. May kwneto, may kanta, may may prod number, may flashback. Lahat inilagay na. Nafeel ko tuloy na pitch presentation lang ang staging na ito, at it was trying to show prospective producers what the play could be when developed into a full-fledged musical play.

INTERMISSION: Naglabas ng cellphone ang katabi ko at may kinausap.

Ate: Oo,oo. Nasa tiyater ako. Oo, oo. sige na. Nasa Tiyater nga ako eh.

Echusera ka ate, magkatabi lang tayo eh, kanina pa walang signal dito sa loob ng tiyater. Itago mo na yang android phone sa loob ng Class B handbag mo

huling huliHULING-HULI

Sa dulo ng Huling-huli, nagflash sa screen na sa maraming African countries raw kalat-kalat sa mahihirap na communities ang protitution in exchange for fish na siyang dahilan raw ng paglaganap ng HIV infection doon.

Lumayo pa talaga? Di na kailangang umabot ng Kenya. Dun lang sa may amin sa Malabon, matagal nang meron ganyang kalakaran kaya yung mga aleng nagbabahay-bahay sa naglalako ng isda, pakonti-konti lang ng bawat uri ng isda depende sa huli ng mga suki niyang mangingisda. Wala nga lang anggulo ng HIV so sige na nga.

Ang premise ng play ay, sa isang fishing community, may isang lola na kilalang mama-san pokpok in exchange for fish. Habang may may sakit ang isa niyang pokpok, nagre-recruit na siya ng ibang dalagita to be pokpok-in-training.

Sa komunidad na ito ang mga mangingisda ay may katawang mas nababagay sa naunang play na Macho Dancer. Abs kung abs. At hello mangingisdang Orlando Sol, kebs na sa huli mo, kainin mo ang tilapia ko. Charot.

For me, this was the best of the set I saw. Antapang ng direktor. Wala siyang takot. May moment sa gitna ng play na walang tao sa stage at wala ka ring naririnig.  Ang it spoke volumes! Ilaw lang at pagiisip ng manonood. Tanginah! Klapey!

Over-achiever ang stage ubo ni Angelina Kanapi to the point ayaw ko nang ipatapos sa kanya ang play. Mukha talaga siyang may sakit in real life.

Ang star talaga nung show was lola pokpok Peewee O Hara. She was so earthy and unpologetic. Gusto ko rin yung writing na walang paawa, pavictim. Kwento lang ng mga tao, their actions, and the repercussion. Pak.

INTERMISSION: Umalis si Ate’ng katabi mo at ang companion niya. Hindi na sila bumalik. Bakit kaya?

Ang-nanay-kong-Ex-NPAANG NANAY KONG EX-NPA

Kaya pala hindi na bumalik. Sana sumabay na kami.

Buryong. Buryong. Buryong.

Sino sa real world ng Pilipinas ang mag-ooffer agad ng wine sa bisita?  Except siguro kung bootie call ito at balak mo lasingin ang bisita mo. Pag nanay mo ang bisita, tubig, coke o juice lang unless alam mong alcoholic si inang.

Si mother, habang nagkukwento ng emosyonal na nakaraan, sinasabi pa ang complete date. Kulang na lang ng sign-off line na “eto si mudrakels, nag-uulat. Back to you Mel.”

Waley talaga, waley.

Advertisements