Good luck na lang sa kalahating litrong Nathaniel’s buko pandan dahil hindi ka na makakabalik ng ref. Kailangan kong makarecover sa lecheng Inside Out na yan.

IMG_2686

At hindi ko naman masabing hindi ako emotionally prepared dahil marami na akong friends na nakanood sayang na sa umpisa pa lang wasak na sila. Sorry pero hindi ako masyado namove nung “Lava” short film. Heartless bitch mode. At siguro may kinalaman yung bagets sa kaliwa ko na sipsip nang sipsip ng baon niyang drinks at yung merlat sa kanan na sobrang pasosyal ang pagkakaupo sa kanyang short shorts accentuating her legs na kuntawagin sa Binondo ay pang-patatim.

Ang kwento, may otokong bulkan na humuhopia magkajowa kaya sing aloud siya sa universe for ages. Kaso, sorry bulkan, walang ganap hanggang lamunin na siya ng sea. Hindi niya alam, may merlat palang bulkan underwater na waiting lang mag-world premiere to meet him. Kaso pag-appear ni merlat bulkan to the tune of Im Coming Out ni Diana Ross, hindi niya makita si otoko bulkan dahil nakatalikod siya at apparently walang leeg ang mga bulkan. Si otoko bulkan naman lubog na sa tubig so hindi na siya makaspluk hanggang tuluyan siyang lamunin ng dagat. Sa sadness ni merlat bulkan, siya naman ang sing a song and the earth moved at voila, umahot mula sa depth si otoko bulkan in a mighty explosion.

Ang moral of the lesson? so Obvious.Para makuha mo ang love mo, kailangan kayang mong putukan… twice!!! O di ba anggandang leksyon sa pambatang pelikula?

Tapos eto na nga yung main movie.

Hindi siya pambata huh. Hungtaas ng peg ng punchlines, pati yung konsepto ng emotions, thinking, at memory. Maintindihan ba ng bagets yan? Ako nga hindi ko masyadong na-grasp eh.

So sa kwento may five core emotions na nag-aagawan ng control ng bidang si Riley. Si Joy na may pagka-OC, ang ekseheradang si Fear, si Sadness na emotera at negastar, si Anger na rumu-RobinPadilla acting, at si Disgust a.k.a. Inarte a.k.a. Kris Aquino.

MAsaya ang buhay hanggang biglang lumipat sila ng balur to San Francisco. In control naman si Joy sa emotions ni riley pero itong si Sadness, touch nang touch ng everything, kakairita, halos gusto kong tampalin. Anyways, sa pagkapakialamera ni Sadness at sa Pagka-OC ni Joy, ayun nasipsip sila outside the control center, leaving Anger, Fear and Disgust in control. At syempre pag anger, fear at disgust ang nagru-rule, nagkakandaleche-leche ang buhay di ba?

Sabi sa inyo antaas ng konsepto ng cartoons na ito eh.

Anyways,  syempre kailangang makabalik si Joy sa buhay ni Riley otherwise lalaki itong juvenile delinquent or at least porn star. Bitbit si sadness na bonggang pabigat, nameet nila sa labas si Bingbong, the imaginary friend na naitsa pwera na sa buhay ni Riley sa kanyang paglaki na nag-offer na tulungan silang makabalik sa control center sakay ng… get this…. TRAIN OF THOUGHTS ! Literal na tren, puno ng thoughts!!! ANTAAS. NAKAKALOKA!

Tapos dumaan sila sa shortcut ng ABSTRACT THOUGHTS! At naging abstractions nga sila ala Picasso… tapos naging two dimentional sila…. tapos na-reduce sila into a single line. Hindi ko maintindihan! Basta parang may psychobabble meaning ito na hindi ko maarok. Itanong niyo na lang kay  Carl Jung, Sigmund Freud at Bong Ong kung ano ang mas malalim na kahulugan.

Tapos merong ibang ganap-ganap, nahulog sina Bingbong at Joy sa abyss ng pagkalimot chenes and the only way out was sakay ng imaginary rocket powered by the strength of childhood belief and unbridled wonder kaso it could only….

kaya si…

tapos….

tapos…

tapos…

… tapos pohtahngina mo Inside Out may hagulgol na muntik bumukwak sa lalamunan ko kaso mag-isa ako saka nakita ko yung pata nung katabi kong maarte. Hindi ako iiyak sa harap niya noh. So nilunok ko na lang.

(Tapos nagcommercial muna sa pagsusulat kasi may crying jag ako… sadali lang,.. )

Tapos wala na akong masyadong matandaan dahil wasak na wasak ako at hindi ko naiiyak. Bumili ako ng magazine, tsunami spin mop, baterya, gamot, lighter, saka pantanggal ng scratch ng kotse, masikip pa rin dibdib ko.

Panoorin niyo na lang, basta maganda. Ganun.

Advertisements