Parang tanga lang yung title di ba?

Sino ba itong si Uncle at bakit siya magpapadala siya ng lulurki? Jowa niya ba ito? May bridal shower ba? Mamasan ba siya ng mga shulbam at si Magic Mike ang ipapadala niya?

SO MANY EARTH-SHAKING QUESTIONS!!!

Charot lang.

So apparently 60’s british tv series pala itong Man from UNCLE na hindi rin naman nakatulong na gustuhin kong panoorin ang pelikula. ang nakatulong were Armie Hammer and Henry Cavill at Elizabeth Debicki na deserving ng lastnamen niya dahil bicking-bicki ang pagliyad-liyad niyang very pak-mowdeling-ganown. Sana anaka improve rin sa ekonomiya, though i highly doubt it.

The movie was directed by Ex-Mr. Ciccone Guy Ritchie, and dahilan kung bakit biglang tinubuan ng British accent si Aling Madonna. Whatever the movie lack in substance, it more than make up for in style, sa aking humble opinion lang naman.

Ang kwento kasi… ummm wala naman masyado. Basta may habulan, kailangang i-save ang mundo. Success. Ganun. Nag-enjoy naman ako.

298DABCF00000578-0-image-m-48_1434077579086Gwapo si Armie Hammer pero sorry hindi siya nag-i-stick sa utak ko ang itsura niya. Maski mameet ko siya, baka daan ko lang siya nang hindi ko nakikilala, unless siguro kung after mag-sex kami. Maybe then i might remember him na. Might. Maybe.

Oo hiyang-hiya naman kayo sa akin hahaha.

44

In contrast, nilamon siya sa kagwapuhan ni Henry Cavill, pak! Walang takot sa extreme close up! anlamin ng cleft chin, parang may cleavage na ang baba niya. And maybe it adds na debonaire man of the world ang role niya so gwapu-gwapuhan ang projection lagi, bawal magulo ang hair o magusot ang suot. At wala rin yung busangot acting niya sa Superman. Chill lang, fun lang.

Hugh5

Medyo na sad naman ako na kuma-character roles na si Hugh Grant dito. Para siyang tito nina Armie at Henry. Siya yata si Uncle.Na-sad ako for Hugh dahil i remember the time when he would have gotten one of the lead roles. Na-sad rin ako for me dahil nga inabutan ko yung time when Hugh would have gotten one of the lead roles. Unyeta.

the-man-from-u-n-c-l-e09

Meanwhile, tungkol sa movie, kung humohopia kayo ng something na makabuluhan sa movie’ng ito, wag na oy. Claro naman sa unang chase scene, where nagtu-twist and turn ang kotse sa mga eskinita pero hindi man lang natitigatig si Henry Cavill, na gaguhan ito. Pulido lang ang pagkakagawa at mataas ang fashion IQ pero gaguhan ito.

Bet ko yung eksenang meeting sa al fresco restaurant. Parang tanga na ireveal sa dalawang bida ang top secret mission nila sa gitna ng maraming tao. Ang twist, pagkatapos ng meeting, pack up sila, … plus lahat ng tao sa resto. Yun pala yun.

Bet ko rin yung speedboat chase scene where najoglag si Henry sa tubig but managed to swim away and climb up a truck na may free lunch. Tapos lumafang muna siya habang watch niya si Armie na habul-habolin. Gagu!

Hindi ko rin kinakaya yung eksena sa fashion house na nagtalo sina Henry at Armie kung bagay ang Paco Rabanne belt sa Jean Patou na damit. Angbekibeki ng peg! But then it’s Mr. Madonna directing so tama lang that her Madgesty must have rubbed off a bit of gay on Guy de ba?

the-man-from-uncle-1-credit-daniel-smith

At yung magkaangkas sina Henry at Armie sa scooter? How homoerotic was that?!!! Hungsarap.

Tapos yung sinave ni Henry si Armie from a watery grave. Tapos yung si Armie naman sinave si Henry from the Nazi sadist. Tapos yung sinoli ni Henry kay Armie yung watch ng pudang niya. Bromance! Unyeta, get a room na!!! Tapos give me a key or at least CCTV access para makita ko kung ano gagawin niyo!!!

man-from-uncle-trailer-2

Go na! Ilabas na ang tunay na nararamdaman!

Man-1

But the  beckiest moment for me was delivered, approriately by Debicki, the sexy villainess. Pinainom kasi ni Debicki si Henry ng pampatulog, at dahil nalaman ito ni Henry, inayos niya ang sofa para witchels masakit sa ulo pag nawalan na siya ng malay. At nung nawalan na siya ng malay, ano ang ginawa ni Debicki? Aba’y strike a pose!!! Pak ganun!

The movie is a wonderful romp na chinakachaka ng critic abroad malamang dahil inggit that the director got up close and personal with Madonna and they didn’t. they should get a life, and some style while they’re at it.

Advertisements