Napansin niyo ang title? The Knee-Jerk Critic FILM Review. Hindi MOVIE Review, FIIIIIIILM Review., dahil witchikels movie lang ang #HeneralLuna. It’s a FIIIIIIILM. IP-AY-IL-EM. FIIIIIIILM!

Achulee wala sana akong balak i-knee-jerk critic ang pelikulang ito dahil habang pinananonood ko siya napa-putang-ina mahilya naman ako sa balat ko na balahurain ang maayos na pelikulang ito. Oo, dahil aminin na natin maski nagustuhan ko ang pelikula, pag nireview ko na, inadvertently nababalajurs ko siya nang very light but in a veryvery nice way.

Eh kaso, narinig ko, ipupull out na raw agad ang Heneral Luna sa cinemas to make way for more commercial movies. Aba teka, kailangang mapanood muna ito na more pa more people bago mapull out noh?! And i felt that it was my moral obligation to do my part to let the people i can reach na karapatdapat mag-make time to watch this film.

Ohhhh di ba? Bigla meron akong nalalamang moral obligations di ba? In fact, bigla ako may nalalamang morals di ba?! Bwaahah.

tumblr_m4k81m4yNR1r1t3y2How important is it na mapanood niyo ang Heneral Luna? Kung nagmimilk tea kayo, ilaan niyo na ang pang-Hokkaido with extra pearls niyo pambili ng ticket ng Heneral Luna. Kung nagga-Grindr kayo wag niyo munang chikahing mahook up yang bortang katawan na walang upo. Paasa lang yan. Manood na lang kayo ng Heneral Luna. Kung naghihingalo na sa bahay ang lolo niyo… uhm… well, dalhin niyo muna sa hospital, yung malapit sa sine, para makapanood kayo ng Heneral Luna. Ganung level!

What i like first in the moive ay wala itong ere ng THIS IS AN IMPORTANT EPIC FIIIIIIILM. Important film siya, yes. Epic siya. Yes. Pero kayo ang magsasabi importante pala siya, epic filmmaking pala siya. Ang stand ng movie, heto ang kwento ko, heto ang visuals ko, heto ang message ko, bahala kayo.

Hindi niya iniluklok sa pedestal ang pelikula dahil lang historical ito. In fact na nakasayad sa lupa ang pananaw ng kwento. Literally. Ang anggulo ng mga shots kalebel ng trenches ng army ng nga Pinoy. Walang engrandeng aerial shot ng mga naglalabang mga pwersa. Ang makikita mo, lupa, ugat, marusing na mga tao, dugo, putik.

10

Heneral Luna humanized the war as well as the historical figures who involved in it.

At may ibang saltik rin ang casting ng pelikula. Imagine si Mon Confiado primary antagonist ng bida rin. Kung commercial film ito, goons lang si Mon. Sa movie, alam mong si Mon Confiado ang tinitiggnan mo, pero nakikita mo rin si Emilio Aguinaldo. Same case with Epy Quizon. alam mong si Epy siya pero nakikita mo si Apolinario Mabini, maski i-double check niyo pa sa picture niya sa pera niyo ngayon. Teka nasa anogn denomination na ba si Mabini?

b95c3d0c0

AAAAnyways balik kay Epy. Kamusta naman ang art of stillness performance ni Epy? Wala talagang ganap na galaw dahil sublime paralytic nga di ba? Mata-mata at boses lang ang acting. Ate Guy istatchoo under Epy Quizon make up? Charot. Pero talaga you have to watch his face, lalo na yung latter scene sa libing ni Luna.

Hoy wag niyo akong hanapan ng spoiler alert dahil alam niyo naman patay na si Antonio Luna noh. Oo. Matagal nang patay. Check your textbooks.

Another plus is Archie Alemania na maski wala naman yatang totoong personage na pagkukunan ay nakagawa ng three dimensional character. Si Perla Bautista na isang linya lang yata ang sinabi pero nakapagdulot na ng ngitngit sa akin. Si Joem Bascon na… well delicious siya. Saka dependable rin naman na suporta.

11910320_711267205684107_1933137701_nWhich reminds me na DILF na pala si Alvin Anson! Pwede! Move over Jaime Fabregas sa roles.  Saka si Art Acuna! Yumyum!

tumblr_nc1drbxIMv1qkow7co3_1280

Saka si Paolo Avelino na padelight ang litaw sa movie na parang in preparation for his own stand alone, Pinoy Hero film? Very Marvel movie universe ang peg!

Saka may tanong pala ako. Kung ang isang starlet ba lumitaw sa movie na dinaanan lang ng camera, masasabi bang cameo role yun? Nakita ko si Janvier Daily na dinaanan lang ng kamera bilang one of those na sundalo sa kampo eh. Whatchuthink?

See how kusang pumupunta sa balajurs ang train of thought ko? Balik kay Heneral Luna

heneral-luna-movie-poster

At hindi ever-ever matatawaran ang performance ni John Arcilla na masasabi kong tour de force kung alam ko lang ang exact meaning nito. Binigyan niya ng flesh and blood and warts si Antonio Luna dahil hindi siya nangimi na ipakita ang kabaliwan at baltik ni Antonio alongside his heroism. Taong-tao si Luna parang pwede mo siyang makasalubong later pasakay ng bus. And the way he dropped his lines!!! Dahil diretchong tagalog, may seem too forced and too lyrical sa ibang bibig pero pagbinitiwan ni John they sound conversational on the street level.

Pero ang bida talaga dito ay ang kamay ng direktor na si Jerrold Tarog. Putangina, kaya naman pa rin naman  palang gumawa ng kalidad na pelikula and by kalidad i dont mean yung based sa pinababang expectations ng commercial movies natin ngayon. Anglinis ng mga shots pero mukhang organic ang composition. May touches of humor that breaks the seriousness of war. At merong paandar na tuhog scene na parang isang dance sequence sa pagka-fluid.

This is the first movie na nagparamdam sa akin nung phrase na “it blew my mind”. Sumabog talaga utak ko, pero hindi literal syempre dahil otherwise syempre wala ang review na ito, at naglalaba na with bleach ang nanay ko dahil dahil mahirap raw magtanggal ng mantsa ng sumabog an utak sa puting t-shirt.

I was impressed by the film, but more importantly, i enjoyed it. Kayo rin dapat ma-expereince niyo.

It is so good i’m almost convinced to get a copy of the team’s Bonifacio with Robin Padilla. Almost lang. But i will keep you posted.

Advertisements