Andaming hanash!

ETO YUNG TINATAWAG NA WARNING: SPOILER ALERT. IN TAGALOG, BABALA: PWEDENG MABULOK.

So eto na nga… Hindi naman sa sinasabi kong pangit pero, eto na talaga ‘yun? Angdaldal ng pelikulang ito. Lahat talaga ng emosyon kailangang iverbalize? Hindi pwedeng ipakita na lang?

Apologies sa mga fans ng One More Chance, pero yun na yon?

Full disclosure, hindi ko napanood yung original movie maski na nasa constant rotation siya ng Cinema One ore something. Wala akong cable.

Pinanood ko ang pelikulang ito without any prior notion what to expect. Achulee akala ko nga 3rd or 4th in a series of movies na ito dahil kung mai-name drop ng ibang tao yung Popoy at Basha tandem, uma-iconic na ang level. First sequel pa lang pala ito at naganap after so many years. Sana hindi na lang sila nag-abala.

Naapreciate ko naman na sa mga eksenang may party, nadamitan nang maayos yung crowd at mukhang galing lahat sa iisang social strata ang bida at yung mga ekstra. Klapey ako sa attention to details.

Pati na rin yung itsura ni Basha nung panahong haggard siya. Mukhang haggard talaga si Bea. Maputla, dumudugyot yung t-shirt. Keribels.

Pero eto yata ang RomCom na uhaw na uhaw sa Com element.

Ang natatandaan ko lang na truly comedic scene ay yung effort ni Bea to seduce si JLC na inuwing naman palang lasing. At by that time, nabigatan na ako sa pelikula at parang sitcomish na ang dating so out of place na sa takbo ng movie.Emote kasi nang emote. Kuda nang kuda. Nasabi ko na bang angdaldal ng movie na ito?

Mukhang enjoy na enjoy si JLC in real life sa paglaplap at pagsmack kay Bea.

Eto napansin ng jowa ko. Nung after ng warla nina Basha at Popoy, damage control mode agad ang barkada. Si Popoy kasama ang mga lulurki, umiinom sa grocery. Si Basha naman nasa resto kasama ang mga merlat…. at yung character ni Aaron Villena. May pailalim bang revelation na ipinahihiwatig dito? Nagtatanong lang.

Tanong lang, nagmethod acting kaya si JLC sa mga eksenang depressed siya at kailangan niyang umarteng lasing?

Nasa movie rin pala si Arci Munoz. Hindi ko nakilala agad. In fairness to me, maski si San Pedro hindi siya makikilala kaagad, baka makatikim pa siya ng “who you” sa pearly gates. Charot.

In fairness whether kay direk or kay Arci,may effort to veer away sa characterization ng humohopiang 3rd party. Imbes na stereotypical na mataray na sopistikadang maldita, ang emote ni Arci ay dude na may pekpek. Yung babaeng bro na rin ang turing ng mga lalaki sa barkada maski sa totoo lang water-water at gusto na niyang matikman si kuya.

In short, klosetang bakla ang tunay na pinagmulan ng character ni Arci. Charot.

Honestly, mas maapreciate ko pa kung nagkahiwalay lang sina Basha at Popoy at at least open ended yung ending. Kasi, anu ba? Nalugi yung kumpanya niyo ng milyon milyon at itinago sa iyo. Hindi siya marunong mag-manage ng business. Wala siyang people skills kaya nawalan kayo kliyente. Nagdadivert siya ng pera ng kompanya para pondohan yung pipedream niya maski nagkakandalugilugi na kayo.

Tapos nung mabukelya siya, mag-eemote siyang walang tiwala sa kanya. Nung pinakita mong  mas magaling ka sa pagmamanage, emote niya naeemascualte mo siya. Ang tawag dun asshole, at dahil hinayaan mo siya, ang tawag sa iyo ay enabler. Naku magsama nga kayo.

 

 

 

 

 

 

Advertisements