Wasak ako after this movie. Not Inside Out wasak, pero wasak nonetheless. Tangna you Dan Villegas, hindi ako prepared.
Mag-SPOILER ALERT na rin ako pero sa dulo pa nitong entry so magwawarn na lang ako ulit later.
Bale ang movie’ng ito ang Christmas gift sa akin ng parents ko when they said na they’d rather watch this than Pabebe Love. Last year kasi i had to sit-thru Big Bossing for them juskelerd.
Anyways hunggwapo ni Jericho Rosales dito! He has a job to do here and that was make the audience fall in love with him. Naachieve naman niya nang milya-milya.
This being a romcom, i was expecting Jennylyn Mercado to deliver a similar off-the-cuff larger-than-life performance here that work so well for her sa English Only Please. Pero hindi. Tao lang siya dito. which threw me off for a bit pero eventually naapreciate ko.
Namention ko bang hunggwapo ni Echo? Especially sa mga eksenang bagong gupit siya na neo-pompadour. Haaaaaaaay. Kaya gusto kong tampalin si Jennylyn kung bakit nagpapadelight pa, pero she won me over eventually.
At may cameo galore rin dito which only shows there are no small roles, only small actors. *i’m looking at you mga dawho’ng young wannabe starlilets*
Ukininaman si Sid Lucero umakting. Hugot na hugot. Ramdam ko siya sa less than a minute yatang screen time in a role na totally walang relevance sa bigger kwento ng movie. Umapir lang siya at nilamon ang eksena niya.
Medyo nasayangan ako kay LT dito dahil medyo wala lang ang role niya. Si Gerald Napoles naman, turning out to be a one-trick pony yata, ang mga napapanood ko sa kanya mostly are just variations of the quick-quipping ad-libbing feeling-hunky guy roles na plakadong plakado niya na.
Eto na yung SPOILER.
Sa bandang dulo bigla na lang lumiko ang kwento at nareveal na may terminal something or the Echo at malamang machugi siya. At bonggang terminal na something or the other dahil inexplain talaga sa dialogue na walang physical manifestation so hindi siya mahahaggard or mamumutla dahil sayang naman kasi HUNGWAPO NGA NI ECHO DI BA?!!!
Sabi ko sa sarili ko, wow, biglang may taning ang buhay ng bida, ambago huh hmpf. Tapos malalaman nila Jen, magkakabalikan sila tapos malalaman ni Echo na misdiagnosed siya and they lived happily ever after.
KASO POHTANG-INA HINDI!!!
Infair to Echo sa eksenang inamin niyang machuchugi na siya nang trulili, homaygad, iabot na kay Echo ang MMFF best actor trophy now na, tingnan na lang natin later kung babawiin ko pag napanood ko ang Honor Thy Father. Pero meanwhile, ikaw na Echo ikaw na!
Hanggang dulo umaasa ako biglang may gamot sa lagay ni Echo and at that point ko narealize na i was rooting for Jen and Echo na pala. May pasimple pa akong wipe ng tears para wag mapansin ni mudra na crying galore ako, Jacklyn Jose level nga lang, underacting.
EH WALA. SHINUTAY TALAGA SI ECHO!
Gusto kong tilian ang screen. Hoooy! Romcom ang benta niyo dito!!! Asan na yung Com?!! Shinutay niyo yung bida, paano na yung required na happily ever after an ending ng mga romcom mg apohtah! Sige nga paano niyo babawiin para maging feel good?! Sige nga? Sige nga?!
But in the end, ibinigay ni Dan yung ending na tama para sa viewers ngayon. Hindi nila binawi. Shutay talaga si Echo. Biyuda talaga si Jen. Grow up. Deal with it.

Advertisements