So pinanood ko ang bagong Star Wars last night in —-**gasp!** 2D!!! Had to choose between kasi friendship and my techie desires and friendship won… this time bwahahah.
Try ko lang na walang spoilers pero just in case SPOILER ALERT!!!

The movie ran 2 hours 16 minutes long pero in fair hindi ko naramdaman ang haba, in fact i’m willing to sit thru it again pero dapat 4D na or at least 3D IMAX. Para ngang maigsi yung kwento eh… and then i tried to make kwento the storyline at… ay maigsi nga!
Intentional or not, very derivative ang kwento nito sa original Star Wars movie may mga easter eggs pa both visual and sa dialogue pertaining to the orig movie na medyo nakakabother in retrospect kasi i found myself actively looking for them na.
Isa dun sa mga storm troopers nga bida role na, si Finn.Tanong ko lang, bakit biglang ghetto magsalita si Finn eh kaka-AWOL pa lang niya after spending his whole life sa storm trooper army?

Bida ka na!
Dati basic, anonymous pambala lang sa kanyon ang mga storm troopers. Dito, finally nagkaroon ng personality ang mga storm troopers maski naka-uniform at mask sila. Laftir ako dun sa dalawang storm troopers na umurong habang nagte-temper tantrums si Kylo Ren.
Sa kwento merong naunang jedi na pangalan ay Kylo, idol siya ng kontrabida so nung lumaki siya, he named himself Kylo, Ren. Charot. Etchos lang. Wititit true. Pero ano kaya ang shampoo ni kuya? Maski kasi naka-full helmet mask siya, pag tanggal, windswept ang hair. Meron bang blower sa loob ng helmet niya?

Wind-swept hair maski galing sa helmet. Ano secreto mo Kylo?

Unang appear ni Rey sa eksena, akala ko may cross-promo ng teenaged mutant ninja turtles

Raphael, Leonardo, Michaelangelo, Donatello o Amorsolo?
In fair sa casting, believable na kaya ni Rey makipaghambalusan ng light saber versus Kylo. Malapad ang likod ni ate. Parang nagkakargador sa pier bago nag-artista.

Question lang, ilang taong nagtrain si Kylo sa pagiging jedi bago pa nag turn sa dark side, si Rey kakagising lang ang pagka-jedi pero magkalevel na agad sila sa galing?!!! Kylo, hingi ka ng refund sa teacher mo, hindi siya magaling.
Tumanda sina Princess Leia (General Leia if you’re nasty) at si Han Solo, bakit si Chewbacca wala pa rin puting buhok anywhere?

At finally, wag mong idedeny JJ Abrams, fan ka ni Ishmael Bernal at tribute ang ending mo.

 

Advertisements