Nagpapagawa ba ng bahay si Antoinette Jadaone o may binabayarang SUV? Itong mga nakaraang movies niya kasi may tinge of pukipuki-moneytrip feel ang pagkakagawa.  Magcompromise tayo!!!

Hay naku,Antoinette, umayos ka dyan ha. Kayo lang ni Dan Villegas ang writer/director na pinanonood ko ang pelikula on the strenght of your own name, kebs sa title ng movie at kebs rin sa mga artista involved.

Jeskelerd,  imagine consciously nagbayad ako ng pera at pumasok sa sine starring Kris Aquino!!!!! Dahil sa iyo!!! Dahil sa iyo Antoinette!  Ganung level!

Ok, in fair, hindi basura ang  #AllYouNeedIsPagibig”. Pero napaka-uneven ng story at storytelling ng limang kwento na parang iba’t ibang tao ang sumulat at gumawa ng mga kwento tapos tinahi lang sa editing. At looking at the credits, tatlong tao ang credited sa story.

Isang malaking HMMMM.

Sa mga nagdududa na Antonette Jadaone movie, ito ang checklist. Meron bang animation? Check! Meron bang literary component? Check! Meron bang hugot na sing-slong moment? Check na check na check!!! It’s an Antoinette Jadaone movie nga! Meron bang narrative text that push the story along? Uyyyy wala. Baka sabihin kasi

To be honest, hindi ko hate yung movie. Asthemadderinpaks, love ko yung tatlong sa limang kwento and how it was treated and acted in. Sana lang may mga elementong binawasan ng screentime (hoy xian, hoy kim) or tinanggal na lang altogether (dat you kris). Mas bongga pa siguro yung movie kung angconcentrate na lang dun sa tatlong malakas ng kwento. Sayang kasi neengage na sana ako sa movie tapos biglang magpapalit ng kwento,bumibitiw ako kasi chaka. Oo, ganun. Chaka.

Like ko yung boss-employee kiligfest nina Ian Veneracion and Jodi Sta Maria. Bilib ako, anggaling magpakilig ng pohtah Jodi…even in her bad Angelea Ong wig. Feeling Miss Earth tayo o may commitment sa wig sponsor?

Pero whatever, even  if mother role na si Jodi, keribelbumbum pa rin ang kilig. Halos walang ganap yung kwento nila, walang major exposition, pero ang kileeeeg… mga 10,000 kw!!! imiigtad-igtad pa ako. Awww.

At bakit ba ngayon lang naging romantic lead si Ian Veneracion? It’s a crime against humanity!!! Hunggwapo ng lolo nyo na DILF na DILF! At even though Ian and Jodi are of that age na, wititit awkward ang kilig moments, maski yung sing-along moment nila ni Jodi na could have been cringe-worthy, na-pull off dahil sa commitment to the singing kebs sa sintunadong boses na hindi matabunan ng plus one na scoring.

And may i say na dun sa full shot ni Papa Ian onstage in a suit, banaag at sikat na puno ang basket ni Papa ng baon niyang santol. Aiiiieeeeee!

Effok rin yun emotang senior citizen nina Mr.Ronaldo Valdes at Ms. Nova Villa, oo deserve nila ang honorary na ganyan. They showed kung bakit sila veteran of the industry na ramdam na ramdam. Lalo na si Miss Nova. Yung balanse ng comedic touch saka yung subtlety to keep the scenes believable. Meron eksena dito na similar an similar sa padelight sa hagdan scene ni Bea Alonzo sa Second Chance pero mas napull off ni Miss Nova to hysterical response ng audience na parang nagsasabing “This is how it’s done, bitch!”. Charot.

Maski yung tita teacher kwento ni Pokwang. In fair, hindi komedyante ang tirada ni Powks dito, serious ang atake, yung situation ang nakakatawa. At sa lonely moments niya, ramdam ko ang despir niya without needing to shed a tear. Ramdam ko. dito o!

Which brings me to the two weakest stories.

Yung kwento nina Xian at Kim andaming ganap, location shot pa sa Coron, pero suma tutal, maski i-cut mo nang buo, hindi kabawasan, whether sa kilig o sa anuman. Kim, hindi porke tumili ka  nang matinis at naghihimatay-himatayan eh kilig acting na. Mag-workshop ka kay Jodi. At Xian, wag mag-rely sa cheekbones at pelvic bones, hindi yan makakaarte for you, buto lang sila. At sorry, maski halos paghello-win mo na si junjun sa baba ng boardshorts mo, effortlessly Team Papa Ian ako.

And then there’s Kris Aquino.

Nag-backout na dati si Tetay sa movie na ito, sana pinangatawanan na lang niya. For life.

Kris was basically already playing herself, and she still did it badly pa rin. At nasabi talaga niya with a stright face na mas maganda ito kesa sa pinagkopyahang “Love, Actually”. Hello, saang banda? At saang planeta?

The movie had to add Derek Ramsey sa eksena at paghubuin nang walang saysay para lang sa mga eksena ni Kris eh wag magtune out ang audience at maglaro ng candy crush o farm hero sa loob ng sine. Imagine, ambabaw ko na na lalaking hubo, at derek Ramsey na hubo pa ito ha, pero hindi ko pa rin naapreciate.

Boner-killer ka Kris.

 

 

Advertisements