Kailangan pa bang mag-spoiler alert pag huli ka nang nanood? O siya whatever. SPOILER ALERT WARNING. Ok fine?

Achulee ayokong panoorin ang #HonorThyFather dahil sabi nung mga naunang nakanood maganda raw pero heyvi, eh ayoko naman ng heyviness sa buhay ko. Gusto ko bang mabigat ang pagtatapos ng old year or ang pagsisimula ng new year ko?

Pero finally I got around to watching the movie because I owe it to my constituents. Charot.

Totoo nga. Hindi nagbibiro ang mga friends, angheyvi nga ng pelikula. By the end of the movie parang naghahanap na ako ng blade para tapusin ang lahat ng paghihirap na itoh! In the end kumain na lang kami ng sundae mcdo bago umuwi.

Hindi pahirap sa pangit ang movie huh. Maganda siya. Well-made. Pero ambleak-bleak. Parang ambigat-bigat ng buhay. Sa buong movie walang nakakuha ng gusto nila whether bida o kontrabida. Ganun ba talaga ang buhay, isa mahabang stretch ng paghihirap tapos mamamatay ka? Pohtahng ina naman.

Iisang moment lang sa pelikula gumaan ang pakiramdam ko. Nung nagshower si Boom Labrusca sa loob ng minahan. Mahalaga ito. Medyo nakaramdam ako ng konting ligaya sa mundo, or at least sa katawang lupa ko. Sana hinabaan pa ang exposure, padukot na ako ng P50 bill. Charot. Not-Charot.

Asan na ba ako?

So anyways, ipinaglaban raw ni John Lloyd Cruz na gawin ang movie na ito, maybe to get away from the Popoyness of his career. Tama naman. This is the anti-Popoy movie. For all the weaknesses ng charater ng Egay ni JLC dito, he is a man of action, in other words may bayag siya dito na, dahil sa kakasuot niya sa minahan, malamang medyo malupa at mamasa-masa. Charot.

Fearless si JLC rito. Kebs na magsuot ng basahan, lumusong sa maduming ilog, sumuot sa imburnal o pumangit on screen o gumawa ng mali o magverbalize ng paniniwala na taliwas sa masasabing acceptable ng “polite” society. Pinupunit niya talaga yung nice guy na may pulbo pa sa singit image niya. He is humanizing his image.

Naprove rin dito ni JLC na hindi niya kailangan ng kilometric lines to express how he feels. Sa huling exsena niya, ang linya niya lang was : “Huy, gising huy”. Putang ina huy.” Yun lang, andami niyang nasabi at na-express na emotion. Yun lang ang sinabi niya pero anlakas maka-wasak. Solid!

Solid rin ang mga supporta ni JLC rito. Inspite of their good looks na pwede namang mag-gaybar bakit nagmimina pa, niyakap nina Boom at ni Khalil Ramos ang roles nila as Ilocano miners. Sige isali na nga rin si Dan Fernandez. At syempre pa ang matriarch na si Perla Baustista who managed to exude iron will and compassion sa kakarampot na minutes niya onscreen.

Nabother lang ako dun sa usapan nila sa loob ng dugyot nilang bahay na they could easily raise 2 million pesos of the 6M na kailangan ni Egay. Nabother ako kasi bakit ako kailangang mag-tumbling pirouette para maka-raise ng 100K.

Naiirita ako kay Tirso Cruz III pag nakikita ko siya onscreen which meant lumubog talaga siya sa role at efok na effok ang acting niya. Effok rin si Meryl Soriano bilang wife ni JLC na very smooth magbenta ng business nila sa umpisa turned weak and confused sa dulo. Feeling ko lang masyadong safe yung characterization niya to ensure na sympathetic ang reaction sa role niya maski na basically it was her character’s wrong choices that sent them on a tailspin. Kasalan mo itong lahat gaga kahng uto-uto kah kaya huwag ka ngang pa-victim diyan!

As for the movie itself, di makakailang well-made ito. Pinag-isipan at pinag-paguran. At ang attention to detail ni Erik Matti ay huwaw. Production design at cinematography? Hindi mukhang pang-indie ang budget. Solid ang acting across the board. At kung social relevance at timeliness, aba pasok sa banga. Pero for some reason nabigatan lang ako pero hindi ako nahila sa loob ng pelikula. Parang nanonood lang ako ng susunod na mangayayari sa buhay ni Egay. Ganun lang.

Posibleng dahil ito sa (1) sobrang effective ng unang eksena ni Tirso na nairita talaga ako sa kanya as a character, nag-shut down ako emotionally dahil irita talaga ako sa mga ipokritong clergy at mga ipokrito ring blind followers nila; (2) yung hinduporot na nagchi-check ng instagram two rows in front of me, not once but twice at quiet lang yung mga katabi kaya shinolakan ko ng slight but very loud kasi nga hindi ako maka-immerse sa movie (3) the movie was unmitigatedly morose na parang sa universe nina Egay bawal maging masaya o matuwa o tumawa man lang maski slight. Eh pohtang ina naman pala, tara mag mass suicide na lang tayo.

Yung emotional trend kasi parang, one-way lang na puro pababa lang nang pababa na medyo nakaka-numb na. Walang emotional rollercoaster to gie you a bit of a high so parang mas nakakawasak yung mga lows. Lows lang nang lows.

Tuloy nung the money-hungry bishop got his comeuppance at ma-twart yung engrandeng plano niya, hindi hindi man lang ako nakaramdam ng elation. Sadly hindi rin ako nawasak when, in the end, Egay lost everything he was fighting for. It was only thru the strength ng acting ni JLC na napasinghap lang ako nang slight. Hindi tumuloy ng luha.

Ngayon ang tanong, kung hindi nadisqualify, HTF na ba sana ang best picture sa MMFF?

Pwede naman. Pero it doesn’t make #WalangForever less deserving. Parang best actor award lang between JLC at Echo. It’s a question na lang which movie and which performance gave you the feels, at naibroadcast ko na kung ano ang feelings ko dyan.

Advertisements