Kung naghahanap kayo ng film na na magbabago sa landscape ng local film industry habang dinadalirot sa kabulukan ng sistema sinasalamin ang nakakasulakasok na kalagayan ng lipunan natin ngayon, hindi ito iyon. maghintay pa kayo ng falling star, at magwish kayo. baka sakaling dumating.

#lumayokangasaakin ay yung tipong pelikula na kung may sobrang oras kayo sa mall, maaari niyong pasukin at hindi naman kayo lalabas na nagmumura ng “pohtahng ina isoli niyo ang P250 at ang dalawang oras ko!”. In short, pwede na. Kung hindi kayo masyadong busy.

Hindi naman kasi nagpromise ng artfilm yung trailer di ba? So kung nag-expect pa rin kayo, lapit kayo nang konti, may ibubulogn ako sa inyo.

tanga.

Anyways so trilogy of parodies ito na binebembang ang mga nakakalokang stereotypes na everpresent sa genre ng action, horror, at soap opera. Based sa libro ni Bob Ong obviously comedy ang tirada ng lahat. And another thing na tumatahi sa tatlong kwento ay lahat sila ay self-aware na they are doing a parody which sometimes it works, sometimes it doesn’t.

Maswerte yung unang installment na action parody ni Mark Meilly dahil medyo novel pa yung gimik na pag-break ng fourth wall to elicit laughter pero sa dalas gamitin yung device, sumesemplang na this early pa lang in the movie.

Infair kay Benjie Paras dahil committed siya to actually create a character rather than relying on being Benie Paras in an action parody. Very different dun sa TV comedy na ginagawa niya na kaswalan lang, laglagan lang, kebs sa script. Candy P was Candy P so dependable siya. Hindi ko nakilala agad si John Regala sa cameo niya. Pumayat siya huh! Hunggwapo!!! Keribels rin si Rez Cortez na lahat ng linya parang may exclamayion mark sa script. Actually hot rin yung dalawang bigotilyong minions especially nung naka-two piece sila, hawt!

Ok fine, may thing ako for contrabidas kay hot rin sa akin si Pen Medina at si nasirang Rey Ventura. It that is a sin, then sinned have I. Charot.

Nag-enjoy naman ako dito though i think the problem here is, though may mga nagwuwork na mga sketches, the episode feels so…episodic. Parang series of sample action movie situationers lang siya rather than an film parody.

The third episode na soap opera directed by Chris Matinez fared much better para sa akin. Very judicious yung pili kung kailangan lang most effectly babasagin yung 4th wall. Also, may semblance rin ng storyline so naghihintay talaga ako what happens next. Andami ring visual gags saka mga jokes na hindi pinipiga, ibinabato lang sa hangin, kung hindi niyo nasalo, sorry na lang kayo. Isnabera ang humor niya. I like it.

Jackie Lou Blanco and Antoinette Taus we deliciously evil as the contravidas at scene stealer si Joey Paras as the suffering mother ng bida. Joey’s breakdown scene is to die for. But all that good support would have been wasted if Cristine Reyes as Marie didnt deliver. Thankfully she did. Hindi siya nagpalamon kay Antoinette and projected such innocence na maski na ampokpok na ng pinaggagagawa ng character niya, hindi pa rin bastusin at malandi ang dating. Slightly kiri lang.

Which brings me to the middle episode, ang horror parody ni Andoy Ranay.

Hay Lord.

Should i expound pa? Sige.

Ampangit niya. One third na nga lang siya nung movie, nainip pa rin ako nang bongga. angulo-gulo ng kwento, yung dialogue nagpapatong-patong, wala akong naintindihan. Kung anu-anung walang kapararakan ang nangyayari o dinadagdag sa eksena na obvious maski sa direktor at inexplain na alng na “dahil parody lang ito”. Wag naman ganun. Respeto naman sa manonood kuya.

May unexplainable Bollywood moment unexcusable rin kasi hugnpanget. Yung recorded singing voice ni Ryan Eigenmann parang sa cassette tape lang nirecord.

(mga bagets, iresearch niyo na lang kung ano ang cassette tape ok?)

Kung babangungutin si Rya bilang actor, ang mga pinagawa sa kanya dito ang magpiplayback sa nightmare sequence niya.

In fair dun sa girl na napossess, nandun ang commitment niya sa ginagawa niya. Sad to say hindi kayang itawid ng commitmment lang, kailangan rin ng talent.

Akala ko dati, basta Muhlach, gwapo. Mali pala ako. Nasabi ko lang.

Si Maricel Soriano naman, napanood ko na yung kiti-kiti acting niya dati, at sa mga totoong movies niya pa huh, so pinaparody niya yung sarili niyang acting?

Hu—welllllllll kamtutingkopit….

Anyways, ang nakita kong problema naman dito kasi, yung pinaparody nilang horror film genre ay in itself, parody na. So saan ka na pupunta kundi sa awfully absurd na. Ang pinagbasihan nila sanang horror movie ay yung originally tunay na kahindikhindik muna (mamili kayo sa kahit anong movie na may acting ni Kris Aquino. Charot) Tapos dun sila angsimulang maglaro. Baka sakali gumanda yung treatment.

Oo humanap ako ng maayos na treatment.

Oo tanga rin.

Advertisements