Honestly, the best thing about #everythingabouther was the trailer. Saka sino ba talaga yung “her” sa title na malalaman natin “everything about”? Si Ate Vi ba ito na pasulpot-sulpot lang ang dragon lady persona hanggang totally malimutan na altogether? Si Angel ba ito na breadwinner ng isang lower middleclass family pero bale walang na hinihingan ng 50k ng sisteret pamBoracay? Si uhmmm ba ito na…. wag na lang.

Achulee, medyo bago ko sulatin ito nagsisikand-tot ako na baka heartless bitch lang ako kasi may ilang friends na akong nakanood rin who said it was a several-hankie movie.

Meh! Asan?

Isang eksena lang ako naiyak. Pero sandali lang yun, at hindi kailangan ng hankie. Manggas lang ng jowa, ok na. Hindi totally heartless, thank you.

I guess alam ni Bb Joyce Bernal ang audience niya dahil reactive naman yung mga kasabay naming nanood sa mga eksena, laftir sa mga scenes meant to be funny at singhot naman sa mga eksena meant na pang-emote. Unfortunately mukhang hindi kami ni jowa ang audience niya dahil mas madalas na cringe ang reaction namin. (uyyyy xian lim, we meet again! sana di na maulit. Paano ka ba nagkakamovie ha?)

Regarding sa performance, hindi matawaran ang commitment ni Angel Locsin. Pinagtrabahuhan niya ito. Yung eksena niya na may mga namumutawi ng medical jargon that could have been a disaster, napull off naman niya without much damage. She also worked hard sa mga pacute na scenes niya with Vilma Santos and at pakilig scenes with Xian.

In fair yung eksena ni Angel after ng presscon ni Ate Vi sa employees niya about the cancer. Walang warning naiyak ako. Una at huli for the movie.

Pero medyo napagod ako for Angel kasi parang binubuhat niya yung buong movie. Work hard siya pag si Ate Vi ang kaeksena kasi Ate Vi is Ate Vi at pwede siyang lamunin without trying. Double work hard siya with Xian rin kasi Xian Lim is, leeeeerd, Xian Lim. Waley chemistry!!! Maski yung maramdaman mo lang na nalibugan siya kay Angel, waley! At wag nang umasa pa sa emo moments niya when he’s suppose to deal with his mom’s cancer. Xian has the emotional depth ng karton ng sapatos…. yung pambata.

May eksena na nasa hospital bed si Ate Vi at hinihikayat niya ang umeemote na Xian Lim na iverbalize ang nararamdaman niya as a son. Naisip ko, oo, iverbalize mo na lang junjun dahil wala kaming aasahan sa facial expression mo. Yung iyak mo puro audio, subsub ka ng subsob sa kumot, pag-angat naman ng mukha walang luha.

Sadly walang eksena’ng hubad si Xian dito na pambawi, so he cannot really on his abs to do his acting for him kaya siguro nagpapayat siya nang bongga para sa jawline siya umasa. In fair sa jawline, deserve ng sariling linya sa credits.

At ano pa hahanapin ko from Ate Vi? Naperfect na niya ang matetegi-sa-cancer-but-still-fighting acting years ago and in a better movie. Nothing new was really asked of her. Yung Devil Wears Prada mixed with Pahiram ng Isang Umaga conceit ng movie? Hindi naman nila napangatawanan eh. Yung mga bitchesa scene parang dinagdag lang nila para magamit na come-on para sa trailer.

Ang best scene sa akin sa movie was yung inaatake ng sakit si Ate Vi saka niya nalamang inispluk na pala ni Angel kay Xian ang tungkol sa cancer niya. Sinasabunutan niya si Angel sa pagka-imbey habang namimilipit siya sa sa sakit. Yun yun o! Layers ng characterization.

Sa umpisa pa nga lang kasi kinontra na sa kwento yung base characterization ni Ate Vi. Yung speech ng lola niyoi na may P.I. at bitch, panggulat lang at ninegate agad nila kasi wala pang two minutes may gamitin-natin-ang-street-children-paawa scene to show agad na may puso ang lola niyo. And as the movie went along totally binitawan na nga yung Ate-Vi-as-Bitchesa’ng kapukihan dahil hindi nga siya intergral sa characterization, add-on lang siya na pampa-anghang sa trailer.

ang nakikita kong puno’t dulo ng problema ng pelikulang ito eh yung kwento at writing mismo. Bakit ba dragona si Ate Vi? Dragona siya pero tiklop sa bratinela niyang anak? Si Xian na anak, galit na galit pero umuwi, sa kanya tumira, emote emote. Ambabaw at walang bayag. Si Angel naman binigyan ng OCW-mother issues na parang hiniram lang ang emote sa Anak na movie rin ni Ate Vi, taposambilis lang naresolve via a Facetime cameo ni Shamaine Buencamino.(BTW nung una kong kita kay Noni B dito, akala ko kasali sa movie si Jose Manalo, just saying) Basta. Lahat ng twist and turns ng kwento ay cut and dried and trite. Nagawa na, nagasgas na, at walang bagong insight na ibinigay. Aba teka, high school project ba ito?

At pag tingin ko sa closing credits, aba bukod sa story at scriptwriters, may credits rin several names long na script consultants tapos pati si Bb Joyce may credits for additional scenes, dialogues and other chenelars. Hmmm may parang may major doctoring kailangang gawin sa original script. Script chemotherapy kaya? Parang terminal na eh

Advertisements