It’s a hipster movie na may drone camera and they are not afraid to use it.

****

Honestly, kundi ko lang kinakarir right now ang pagbablog, #lakbay2love is not the type of movie na papanoorin ko. Hindi ako nacurious sa premise, hindi ako na engage sa trailer maski may Dennis Trillo pa diyan, hindi rin naman ako lesbian so sorry Solenn Heusaff, at wala namang Jadaone o Villegas sa credits.

Pero dahil may pagpapanggap ako for now na isang cineaste (ginoggle ko pa yan to make sure no meaning), siya sige pasukin. Hindi ko naman masasabing nagtapon ako ng P200 pero masasabi kong kumpleto pa rin ang pagkatao ko kung hindi ko man siya napanood.

Eto yung kwento in one sentence. Super emo si Solenn dahil hiniwalayan siya ni Kit Thompson so she took up biking under Dennis pero biglang nagsicandtot si Kit so binalikan niya si Solenn kaso nagfall na si Solenn for Dennis na mago-OCW pala so they decided to be friends to each other. At maraming biking sa gitna. THE END.

Ganun.

Storywise there is not much, kung meron nga at all. Isa siyang Info-rrative. Information na sinahugan ng narrative to camouflage the real intention to push advocacies for biking, conservation, envinronmentalism etc. Maraming eksena na feeling ko postprod na lang naisip na magdagdag ng voice-over dialogue to push the narrative along kasi nga ang-nipis nipis ng kwento. Parang nagshoot sila nang nagshoot tapos binigay nila sa writer at sinabihang “o, gawan mo ng kwento ito.”

Performance-wise, magaling na aktor talaga si Dennis. Parang naniniwala talaga siya sa intent ng movie so pag bini-vervalize na nya yung advocacy spiels, nakakahikayat na rin. Saka parang nagbibisikleta talaga siya. Saka hungwapo niya. Saka naghubad siya, once.

Solenn needs better direction. Napanood ko siya nood sa Tiyanak and i though she did fine. Dito parang pinabayaan siya to her own devices. At ang device niya, pag emotional siya sa scene hahawiin niya ang luxurious hair niya na never naging limp maski na pawisan o galing sa ulan. To differentiate naman to a pag high emotional na siya, hahawiin niya ang luxurious hair at at ipapakita ang makinis niyang kilikili for several seconds. Hindi ko naman sinasabing emotionala ng kilikili niya ha.

Si Kit Thompson naman, naghubad sa isang eksena dito. Makakatulong sa performance niya kung sa mga ibang eksena niya either naghuhubad siya ng shirt o mapupunit ang suot niya o hubad na talaga from the onset. Just a suggestion.

Pero in fairness hindi ako nainis sa movie.Masarap sa mata sina Dennis at Solenn and tamang laidback lang sila sa acting na ramdam mo hindi humuhopia for an acting award. Chill lang.

Keribels rin ang soundtrack sa mga eksenang walang dialogue at wala nangyayari which there is plenty sa movie’ng ito. chill nga lang kasi.

Nakakarefresh. Tamang lamig lang ang loob ng sine pag anim lang kayo total na nanood. At maski makatulog kayo ng slight, paggising niyo wala naman kayong masyado na-miss storywise. Ano ba kasi? Chill nga lang di ba?

Pero in fair, maganda naman yung visuals ng travelogue part. Sulit ang ginastos sa location shoots at ipinangrenta sa dronecam para sa overhead shots ng forest canopy. Mukhang iningatan iningatan rin ang editing na may macro at micro shots na tinahi to make sure the beauty of the Philippines is shining through.

In fact medyo nahikayat rin ako to take up biking sa trail…. for 4 seconds. Naisip ko kasi hindi ko naman ma-aachive yung effortless na ganda ni Solenn after biking. Maglakad lang ako ng dalawang kanto mukhang haggard na ako. Saka yung magagandang trails, effort puntahan sopaano ko gagawin saka hmp, nakakapagod. Dun na lang ako sa kaya ko. Competitive sports rin kaya ang pagkain sa buffet ‘no?!

Advertisements