Naghahanap ng saksak itong si Kiray Celis ngayong Valentine season. Biro mo may lapchukan na siya with Derek Ramsey, pati si Kean Cipriano nakalapchukan niya rin! Aba sobra na! Ikaw na talaga ang pinagpala.

Gaya lang raw sa konsepto ng US movie’ng Shallow Hal itong #loveisblind, pero kebs dahil hindi ko naman napanood yung Shallow Hal. At in fairness sa akin huh, mas pinili kong unahin itong Love is Blind kesa sa Deadpool. Isulong ang Pelikulang Pilipino, charot.

Actually inuna ko ito kasi baka mag-first day last day, eh puno naman yung sine nung nanood ako so possible namang umabot ng 2nd week.

Anyways eto ang SPOILER ALERT WARNING!!!! bago ko isummarize ang kwento. Eto na nga, supernagwawater kasi itong si Kiray na working class, nang makita si Derek na rich kid na, mowdel pa. Sa help ni masahista-cum-arbularyo’ng si Kean, nagayuma nila si Derek para magmukhang Solenn Heusaff si Kiray sa paningin ni Derek. At mula sa premise na iyon rumambol na ang laftir.

Honestly medyo painful sa akin panoorin yung early parts ng paglalatag ng backstory ni Derek. Natagalan tuloy akong pumasok sa kwento dahil cardboard cut-out acting ng mga dawho sa paligid ni Derek na, aminin natin, ay hindi rin naman isang Boyet de Leon.

Medyo nakaka-off rin yung agricultural chenes na medyo pilita ang pasok sa kwento. Magsermon talaga tayo sa values of farming and agriculture in society sa gitna ng fictional kiligan? Tama na, wag nang mag-try umover-achieve. Magstick na lang tayo sa magical rom-com.

That aside, keribels naman yung movie. Marami rin naman laftir moments at natanggap ko naman yung premise ng kwento. Nakatulong rin yung over-the-top cameo’s nina Chynna Ortaleza at Maureen Larazabal to set up na cartoonish and comedic ang universe na ito. Dito pwedeng bruhita ang mga boss pero hindi mae-HR at pwedeng gumawa ng gayuma at nagwuwork ito.

Walang mang quotable quotes ang movie, masasabi ko pa ring point ang writing dahil parang may awareness ito sa magiging reaction ng tao to a certain scenes at prepared na siya sa sagot. Tulad na lang ng bakit nasa front desk si Kiray? Intern. Bakit may eksena lapchukan sa beach eh intern nga? Ipinagpaalam.Nung walang abog na maglabas ng 10k ang character ni Kiray sa gitna ng movie, napaisip kami ng jowa na “Bakeeet madatung ang intern haaaaaa?! “ In the same scene nasagot agad ang intrimitidong tanong namin. Multi-level marketing. sige, sold na kami. Maniniwala na kami sa universe na prinesent niyo.

Major strength ng movie na solid yung apat the leads together. Kita mo ang commitment nina Derek at Kiray sa harutan scenes nila together. First dun sa pool scene kunsaan nag-cameo ang punong lunch box ni papa Derek. May naramdaman akong kilig huh! Pero mas nakakaloka yung gulungan nila sa beach, ramdam mong elbong-elbo si Derek kay kariktang taglay ni Kiray na Solenn ang level! Maimagine mo iyon? Lasing si Derek sa Kagandahang Kiray! Bigyan na ng FAMAS si Derek! Now na! Charot.

Oo FAMAS, hindi URIAN. Charot ulit.

Committed rin si Solenn being a Kiray alter-ego. Seamless yung transition ng acting ng nilang dalawa ni Kiray sa mga eksenang nagsu-switch ng POV. Props sa attention ng production sa details. Yung costuming ni na Kiray and Kiray/Solenn, pak! Pati yung detalye ng loose hair strand sa noo nung dalawa sa mirroring scene. Halos maniwala kang iisang tao lang sila.

Ang beef ko lang eh yung nighties na gustong ipasuot ni Derek kay Solenn. Expect ko lace teddy ang iniabot, paglitaw ni Solenn, maigsing daster ang suot. Bakeeet?!

More than an actress na walang takot pumangit, feeling ko Solenn is a someone secure enough na kahit ano ipagawa mo sa kanya, hindi siya papangit. Lecheng babaeng ito.

And major props rin na nagawa sa movie na pag-ibahin yung Kiray/Solenn persona na cartoonish, sa GF/Solenn ang mas realistic naman ng tirada. It shows na with proper direction, nakakaarte nang maayos ang babaitang Solenn at hindi umasa sa hair flips at pagpapakita ng maputing kilikili to show emotion* (see na lang Lakbay2Love mga ineng*)

Even Kean na manggagayuma na na-fall for Kiray ay solid rin ang performance. Ang problema ko nga lang eh parang masyado namang hot si Kean para maging in despair over Kiray. Hello, ako hindi na chuchoosy pa kay Kean noh?! Kean na yan noh, sutsot lang gorabels na ako dyan.

Ayyy teka, ampokpok ko naman sa statement na iyun. Sige dalawang sutsot saka isang kalabit muna bago ako gumora.

In the end, hindi ako nanghinayang na unahin ang Love Is Blind sa Deadpool (kasi alam kong 3weeks naman tatagal ang Deadpool) Would i recommend others to watch it. Nameyn. Already did.

Advertisements