#Tandem is a dark film. I mean really, madilim. Anubanaman, kukuha kayo nang bida kasinggwapo ni JM de Guzman tapos puro madilim ang kuha, sayang yung kagawpuhan. Maski day effect, madilim. Charot lang.

Baka naman kasi intentional dahil #tandem IS a dark film. As in Daaaark. Heybi. Mabigat. Kailangan namin ng jowang magtampisaw sa ginhawa ng bubble tea bago umuwi. Parang nagpagpag kami, ganun.

Anlakas kasing maka-ajit nung film. Driving home naaaning ako nang very light sa mga motorsiklong nag-oovertake sa amin left and right. Akala ko nung una nahihirapan akong maka-enter sa movie, pero by the end pulupot na pulot na pala ito sa akin. Effective siya.

Achulee medyo handa na ako to hate the story dahil how many ways can you tell an action/crime story na dapat kakampi ka sa bidang holdaper sa ending. So expecting na ako ng kwentong dalawang magkapatid, inapi ng lipunan, kinantot ng malas ang buhay kaya napilitan to lead a life of crime para kumita ng pambili ng pansit na iuuwi sa kanilang inay. Inay? Inaaaaaaaaay!!!!!!

Well sorry, mali ako. Happily mali ako. Ay hindi. Darkly mali ako.

So riding in tandem na holdapper nga sina JM at ang bradir nito played by Nico Antonio na parang hindi naman kahawig ni JM pero dahil nga madilim ang shots eh, pwede na. Nico Antonio, dahil sa pangalan niya may expectation akong may shower scene siyang hubad tapos dadausdos siya sa tiles. Sorry naman ulit.

The movie did away with the conventional paawa to frontload sympathy para sa mga bida. Kung ano mang sympathy na magigenerate from the audience, they had to earn it. And in fair, nadeliver ito ng kwento at nang acting. Even though yung pinagdaanan ng mag-bradir ay dahil sa series of bad choices and bad decisions nila, for the most part it felt organic sa mga characters at hindi yung ginawa lang ng writer para may ganap sa kwento.

Anggaling ulit ni JM dito. May pagka-asshole ang character niya rito and basically yung mga actions niyang hindi nag-iisip ang nagpawarde-warde sa buhay nila eventually pero somehow na pull off ni JM na maging understandable why he did the things he did.

Gusto ko rin yung nag-play na may-ari ng talyer. Saktong sakto lang at totoong-totoo, ineexpect kong makita siya sa susunod na talyer na mapupuntahan ko.

Nico was effective rin naman as the kuya who is losing his edge sa panghu-holdap dahil gusto nang lumagay sa tahimik at magkapamilya, hindi pa lang makapullout sa kanilang trade. Maganda rin yung chemistry nila ni JM na ramdam mong tandem talaga sila.

As Nico’s pregnant wife, nothing much was asked of Rochelle Pangilinan aside from maghain ng food, umemote sa harap ng lababo, or magtampo sa higaan….

…saka mamatay sa ending.

Ayyyyyy sorry naman! SPOILER!!! Pero kebs na dahil ito yata yung singular beef ko sa movie. Nung nagkaputukan na sa ending, imbes na magsiksik sa kinalalagyan dahil nakatago ka naman na, ang buntis na Rochelle, lumabas ng trak at tumakbo out into the open. eh di nabaril si gaga. Ewan ko kung ako lang ba, pero ako, pag nakarinig ng putok, remain lang ako where i am. Nakatago na ako eh. Saka buntis ako eh, makikipagpatintero pa ba ako sa may baril? Yun lang po.

Where was i? Ayyy yung pokpok na Nadine. Mas challenging yung role nung Elora Espano, isa pang pang-hubaderang pangalan, bilang pokpoking gf ni JM. Actually may kulang pa pero approaching na sa halos pwede nang maamoy ang pagkapokpok ni girl. Yung papuntang konting paligo na lang behind early Jacklyn Jose pokpok performance na, hindi lang nakarating. Mukha pa siyang mahal nang slight. Sakayung eksenang kumakanta siya. Masyadong magaling kumanta, pang-jazz lounge singer ang boses, hindi pang pokpok sa kanto.

Actually sina Nico at JM rin naman masyadong gwapo at maganda magdala ng damit for their roles. Masyadong conspicious yung tindig nila. Pag nakita ko silang nagmamanman sa paligid ng bahay baka magready pa ako ng tig-iisang daan pansabit. Kung hirap sila pero ganun kagwapo bakit hindi sila mag-callboy? Kung gusto nila ng tandem, macho dancer na gyrating in tandem, ganun. Saka yung motorsiklo nila, masyadong toys-for-the-big-boys ang dating, hindi pang mahirap ng holdaper. Mas bagay sa kolboy na meron nang nagbabahay.

But that’s just splitting hairs. Sabi ko nga, nahila ako at nabalumbon nang maigi ng movie’ng ito into their universe. At tulad ng umpisa na hindi nagbigay the gasgas na sob story para sa mga bida, hindi rin sila nagbigay ng inaasahan gasgas na ending. Nag-spoiler na ako kanina pero hindi pa yun… basta hindi yung ending na gusto mo ang makukuha mo or yung ending na inaasahan mo… ang ending na ibinigay eh yung ending na pinaka-totoo.

At yun ang talagang nakaka-ajit.

Advertisements