Marion Aunor, ikaw na ang bagong soundtrack ng future jerjeran ko! Yun talaga ang unang reaction di ba? In fair naman kasi effect yung music sa eventual chukchakan scene ni Arci Munoz at Gerald Anderson dito sa #alwaysbemymaybe.

Nasabi ko na dati na sa ngayon isa si Dan Villegas sa mga pangalang kayang pagpabili sa akin ng movie ticket. Hindi pa naman ako nagsisisi.
Gujab Dan, keepitap!

Pero for this particular movie, attraction rin sa akin ang namesung ni Arci yamang nag-intersect ang buhay namin for a while, years ago so interesado ako sa kinahinatnan niya bukod sa pornoserye niya sa TV. Charot. Natuwa naman ako na bida level na siya sa big screen at hindi niya sinayang ang pagkakataon.

Sobrang simple lang ng premise ng kwento, parehong na-Miss Colombia sa lovelife ng characters nina Arci at Gerald. Pinagtagpo sila ng tadhana, pero dahil once bitten twice shy, maski utog na utog na sila to each other, frinendzone nila ang isa’t isa. To cut the story short, nagwagi ang utog, nagchukchakan sila to the tune of the aforementioned Marion Aunor jerjer song at dun nagkadaleche-leche ang arrangement nila.

Ang pinakabet kong part of the movie ay yung mahabang anticipation. Hindi ako nainip na usad pagong ang relationship ng dalawa kasi proseso siya. Gets na gets ni Dan yung mga eksenang walang nangyayari pero andaming nangyayari, alam mo yun? Yung girian lang nang girian yung dalawa na nageescalate lang unti-unti hanggang umabot sa inevitable chukchakan. Nailatag nang bongga na sa kama talaga ultimately hahantong ang dalawa.

Regarding performances, bukod sa dalawang bida, sina Kakai Bautista at Ricci Chan lang yung may wawa ang exposure at sa kanilang dalawa mas wagi si Kakai dahil nasa kanya ang bonggacious lines.

Expected naman na gwapo si Gerald Anderson pero ano ba yung tattoo niya? sobrang laki, isang bloke, parang meron siyang nakataklob na balat ng pakwan sa balikat. Bukod dun, medyo nakulangan rin ako sa acting niya. Sa isang eksena ko lang siya nakitaan ng layers, yung valentine date scene na nag-“i love you” si Arci tapos biglang binawi. Sa ibang mga eksena one note lang ang emotion niya. Malungkot lang yung malungkot niya. Masaya lang yung masaya niya. Walang nuance. Supposed to be ay player siya na naresbakan pero sa movie walang kabakas-bakas nung pagka-player niya sa akting, puro salita lang. Saka hindi niya na-achieve yung “pohtahng ina nakakainlab kang syet ka” na nagawa ni Echo sa #walangforever.

Pag nagpopromo ang mga artista, lagi nilang sinasabing “ibang chenelyn kembyular po ang mapapanood niyo”. Huwel, in this case, ibang Arci Munoz naman talaga ang napanood ko from the one i remember from before. Ibang-iba in more ways than one. In more ways than one daw oh! Sabi nga ng eraserheads, “iba na ang iyong ngiti, iba na ang iyong tingin, nagbago nang lahat charotcharot”. Syempre ang ganda-ganda, angkinis-kinis, amputi-puti ni Arci dito na bukod sa parang may sariling diva light kunsaan siya pumunta ay na parang isang ng epidermis ang tinira sa exfoliation process. Charot ulit.

Sabi ng iba variations of the same woman lang daw ang mga babae ni Dan. Parang hindi naman. Except for being vocal at emotional, magkakaiba naman ang heroines niya. Iba yung character noon niJennylyn sa character ni Arci dito na na-achieve niya ng bongga. Gel na pwedeng tunay bro ng mga lalaki kundi lang nakakasilaw yung dede niyang maputi. At yung Saka mga youtube channel make-up tutorial cum hugot vignettes where kailangan niyang umaakting nang mag-isa. Ay day excuse me! Winnerva Chavez.

Walang duda naenjoy ko ang movie, ang problema ko is yung pa-ending after ng chukchakan portion parang naging bleh bigla ang takbo ng kwento. Sa simula kasi parang sinanay ang audience na binabali ng movie ang mga cliches. Hindi magkaaway na nagsisinghalan ang mga bida, walang sob story na subplot ang pamilya nila, maski ang mga friendship at mga barkada walang direct hand sa takbo ng relasyon ng dalawa.

Pero bakit ganun yung resolution, parang nakaplangkete. Obvious. Ibinigay yung eksaktong inaasahan. Walang bali. Hindi ko maexplain yung feeling na cop-out yung ending na maski yung mga writers naubusan ng kakaibang pitik para isara yung kwento. At baka isipin niyo nagmamarunong ako, huwag niyo akong tanungin kung paano ko siya tatapusin dahil wititit ko rin alam kung paano iresolve.

Hoy Antoinette halika nga rito tulungan mo jowa mo.

Advertisements