Achulee hindi ko pa sure kung fiiiiiiiilllllmmmm nga ba ito o moooovieeeee, basta alam ko *mahaaaaabaaaa* siya. As in. Yung isang friend ko nga may pagdududa rin. Tanong niya, “*art film ba ito? bakit walang gratuitious male nudity? Hindi siya art film*.” Charot.

Full disclosure. #helenghiwaganghapis is my first #lavdiaz film. Yes, until last Black Saturday i was a Lav Virgin, katulad ng karamihan ng dumagsa sa screening sa Robinson. Oo it was a Virgin Lav Fest. Charot ulit.

Thankfully, the jowa was not a Lav Virgin so we came prepared to weather the projected 8 hours ng movie marathon. Our weapons of choice: unan, jacket with hoodie, thermos ng kape, thermos ng tubig, dalawang malaking Lay’s potato chips. Dapat magbabarbecue rin sana kami kaso hindi pinapasok ng guard yung grill. Charot again.

I must admit sa simula hindi ko malaman kong paano tanggapin yung naghuhumabang mga eksena na wala namang masyadong ganap. Hello ADHD generation. At yamang taong-TV ako where time is money, nakasanayan ko na yung rule to start the scene as close to the action as possible and and end it just as quickly. So habang nanonood, gumagawa ako ng sariling edit points… beat,beat,beat, o pwede nang i-cut, ayyyy ayaw…. sige, beat, beat, beat pa more… sige cut na rito…ayyy ayaw pa rin anuvey?!!!

Akala ko joke lang yung pag-Lav Diaz movie, pag may nakita kang kalabaw na tumatawid papasok ng screen, mas malamang hihintayin ng camera na makalabas ng screen ang kalabaw bago mag-cut. TOTOO PALA! May eksena na naglalakad sina Susan Africa, Alex De Rossi at Hazel Orencio paakyat ng burol. Sinumulan sa ibaba, roll lang forever hanggang sa mawala sila sa view. Wititit sila sinundan ng camera, waley cut to close up to show ng emote. Binantayan lang silang maglakad forever na ang view natin ay lupa at pundya ng saya nila disappearing to the horizon. Ano cinematic meaning? Na naglakad sila nang matagal at malayo? Ma! Hindi ko arok.

At wait lang pag may musical or poetic interlude. Itigil natin ang takbo ng kwento at gatas the moment talaga. Buuin natin ang kanta, buuin natin ang tula… maski ilang beses nang na perform na ito earlier. Naisip ko tuloy, secretly ito kaya yung natural break sa editing na binibigay ni Lav sa audience as in, “*O mga bakla, alam niyo na ito, bubuuin ko ang kanta, ibig sabihin pwede kayong magweewee o bumili ng chichacorn, pagbalik niyo, wala kayong masyadong namiss*.”

In fairness to me, after ilang moments na napa-zzzz ako nang slight, hindi rin naman masyadong matagal before i got into the rhythm ng pace ng movie. Hindi na masyadong nagpupuyos ang damdamin ko sa mga edit points. Tinanggap ko na lang. Hindi naman ako pinilit ni Lav manood de ba? Alam kong Lav Diaz movie siya, alam kong 8 hours, ako ang bumili ng ticket. So ano inirereklamo ko? Shut up na lang and eat more potato chips.

Anyways, clapey naman ako sa premise ng film kunsaan nage-exist sa isang universe sina Oryang, Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aginaldo kasama ang fictional characters ng El Fili na Simoun, Isagani at Basilio with tatlong tikbalang and Bernardo Carpio on the side. Ayyy antaba ng utak! Aylaykitt! Sige i-go mo yan!

Nagsimula ang kaganapan ng movie after mag-fail ang fictional na bombastic na ganap ni Simoun, pero right before very real na shutayin si Rizal sa Bagumbayan via firing squad… may nag-gigitira emote… umaakting na nagpractice ng tula si JLC sa dilim… bumili ng puto si Sid Lucero….

… teka ituloy ko pa ba ang detailed kwento ng mga ganap? 8 hours ito mother. How about our other duties? Charot.

Achullee ang inisip ko rin kung mag-spoiler alert sa mga kaganapan pero parang dapat alam niyo naman na ang general na ganap di ba? Dapat nabasa niyo sa history book ang mga ganap at binasa niyo na rin ang El Fili deba? Deba? DEBAH??? Parang magspoiler alert ako sa ending ng Jesus of Nazareth. Hello! Pinako siya at nadeds! The end.

Anyway, huwag na rin, nakakapagod magrecount eh.

Eto na lang ang masasabi ko.

May pulso si Lav sa limits ng pasensiya ng audience niya. Ipu-push niya ang tagal ng babad ng eksena, pero right before the moment na gi-give up na ako to make borlog, magpapalit siya ng eksena. For the most part. Meron ring eksenang, kuya i-cut mo na, wala ka nang mapipiga.

Nakakahawa yung walang katapusang ubo ngi Joel Saracho na at moments ay calling attention to itself na. Halfway thru nauubo na rin ako. Siya siguro ang nakahawa kay Susan at ito ang Mito ng Ubo ni Susan Africa.

Mas lumulutang ang kagawpuhan ni Papa Piolo Pascual more na more sa black and white. Si John Lloyd Cruz, not so much.

Deserve ng movie ang subtitle, in fairness sa pagka-multi-lingual. Bukod sa florid na Tagalog, may eksena rin na dialogue ay in Spanish, English, Chinese, at Hiligaynon. Pak.
Clapey ako kay Papa P sa mahabang inglesang eksena niya with Bart Guingona. Nasa philosophy level na ang diskusyon nila pero hindi bumibitiw si Papa P. Waley bakel, though nagpapalit-palit siya ng accent from neutral Pinoy English, to English na may twang to Kastilaloy English. Pero kebs na.

Between this film and Heneral Luna, basag na basag na ang image ni Emilio Aguinaldo sa madla no? Siguro Tumatumbling-pirouette ang butobuto niya ngayon. BTW bakit kaya sa buong movie, characters were made to call the historic figures by their full name, surname and all? Medyo awkward yung kaharap mo si Oryang pero Gregoria de Jesus pa rin ang tawag mo. Same with other historical characters. Feeling ko deliberate at may dahilan, hindi ko lang matukoy.

Natawa ako dun sa eksena na humihingi ng tawad si Alex as Ceasaria Belarmino kay Oryang, and calling herself “pinakamagandang dilag ng Silang”…E di ikaw na. A bit later hahambalusin na ni Oryang ng bato ang bungo ni Ceasaria. Sa isip ko sabi ni Oryang, “Bitch ako ang lakambini ng katipunan and you dare to call yourself pinakamagandang dilag?!!! Not today bitch, not today!!!”. Wala lang pampalighten lang ng mood.

Isang hindi ko matake is yung easily na pagpapatawad ni Oryang kay Ceasaria on behalf of other people sa ginawa nitong pagta-traydor sa rebolusyon na ikinamatay ng marami. Yung napatawad niya for herself, ok fine, ikaw yan eh. Pero yung kunin mo yung right ng ibang nawalan ng mahal sa buhay na maging benggador eh ABA TEKA!!!! In the same vein na vine-vilify si Aguinaldo, parang winawhite-wash naman ang image ni Ceasaria. Wait a minute bitch! Ok api ka sa buhay pero choice mong ipagkanulo ang kababayan mo. If feeling guilty ka, deserve mo yun bitch.

Galet? Hindi naman, napag-uusapan lang.

Nilamon ni Papa P si JLC considering full acting mode si JLC habang nakahiga lang si Papa P sa duyan at sisinghap-singhap.

Namention ko na bang mas lutang na lutang ang kagwapuhan ni Papa P in black and white? Huwell, it bears repeating.

I’m not hating on JLC huh pero the universe sez NO! And that barong with cuffs JLC, pang-ninong sa binyagan the 1990’s hindi 1890’s. Nakaka-off.From his first moment acting na acting na siya. Correction, TV acting na TV acting. Parang meron siyang gustong iprove. Hello, baka hindi mo narecieve ang memo, this is not an actor’s movie, this is a Lav Diaz show, siya ang bida all the way. Pansinin niyo, maski sa highly emotional moments, waley close up shot to see the luha and ngalngal. Full shot lang talaga minsan nakatalikod pa, bahala na ang artistang ibato sa malayong camera ang emosyon nila.

Isa pang nahirapan akong lunukin ay yung sa hinaba-haba ng biyahe nina Papa P/Simoun na may tama ng bala, hindi siya nahanapan ni JLC/Isagani ng hilot o albularyo. Hello, nakapag-party-party pa nga kayo with the Rizalistas eh hindi mo naipagamot si Papa P ko?

Oo alamko sa ending sinabi naman ni JLC na lost siya sa albularyo at manggagamot kasi na natutuwa raw siya na nakikita si Papa P na nahihirapan. Yun ang problema, kailangan pang i-verbalize yung motivation ng failed action, hindi nagawang iconvey visually sa acting sa hinaba-haba-haba-habaaaa ng pelikula. Uhmmm show, don’t tell?

I think the main problem is JLC was too old for the role. Hindi na siya ingenue. While the role was asking for uncertainty and the unfocused anger of the youth, ang nakukuha namin was weakness of character dahil di na nga maikakaila na wititit na bagets ang lolo JLC niyo. Sorry about it.

Go #teamtikbalang, Sina Angel Aquino, Cherie Gil at ang makabagong Tony Mabesa, Bernardo Bernardo!!! Sila yung talagang gumising sa akin at humila sa akin into the movie and basically sustained me to the end. Nakakaloka. Antaba ng utak ni Lav. And it totally worked. Anlakas ng section na iyon papunta sa end ng first ⅓ ng film, napaisip ako, how can Lav sustain this level of creativity for the succeeding 5 hours? The answer is, he can’t. The last ⅔ was totally uneven.

In fact nagka-feeling ako na dalawang magkaibang pelikula ang pinanonood ko. Yung Oryang and the tikbalang storyline parang anglinis ng pagkakasulat, mula sa philosophy hanggang the florid lines na nagbibigay boses sa pilosopiya ni Lav. Yung Simoun storyline parang uneven ang writing. Maraming dialogues parang inisip nila sa ingles tapos trinanaslate verbatim into tagalog. Unwieldy ang dating.

Marami sa extended scenes medyo naunawaan ko at naramdaman ko, pero meron ring mga prolonged scenes na parang masturbatory and unecessary and could have used some editing. Tulad nung eksena sa kungsaan nag-eemote si LJC sa cliff while looking faraway .Antagal! Oo alam na namin conflicted ka, mixed emotions with young corn ka kay Simoun. Tama na!

What happens next? A closer shot of JLC sa same cliff, giving the same stuff. More more mixed emotion with young corn. Anuvers?!!!

Pero meron rin namang loooong moments na worth the babad, like yung alternate na pagbigkas ni Papa P at JLC ng Mi Ultimo Adios in the original Spanish and the Tagalog translation…. IN FULL! SULIT ANG MINUTES!

Saka yung silent breakdown ni Sid Lucero after ng tatlong mahabang eksena kunsaan wala siyang ginawa kundi maghukay (*paano siya may makikita eh magdamag na siyang naghuhukay ambabaw pa rin lang ng butas sa lupa hmpf*). Sa final hukay scene niya, fall to the ground siya, tapos long moments na dulo lang ng daliri ang gumagalaw paminsan-minsan, tapos finally he uttered one word…. one frikking word…AT WASAK!!! PAK!

Haiz. Alam ko marami pang dumaan sa isip ko habang pinanood ang pelikula, yung nag-iibang lighting sa gitna ng nag-uusap, barag-barag na timeline ng kwento, etc. Pero in the ending minutes, parang ayoko na lang lumaban. Literally feeling ko masusuka na ako kung hindi pa nagroll ang closing credits from sheer exhaustion.

So maganda ba ang Hele? Experience siya.

Maganda ba ang Hele? Hindi ako napangitan saka may money shot naman si Papa P na bukas polo sa malapit sa ending.

Maganda ba ang Hele? Hindi ko sure kung maganda, pero sure akong hindi pangit. Pero… haiz, sige na Lav panalo ka na. binarag mo ako ako nang bongga, mentally, physically. You wore me down. Parang naramdaman ko yung sinabi raw ni Meryl Streep na “*he rearranged the molecules in my body*”. Hindi pa ako nakakarecover ang mga molecules ko.

Batman vs Superman, next week ka na ha, ipapahinga ko muna ito.

Advertisements