Eh paano ko pa ba babaklain ang pelikulang ito aber?! Waley! Waley na! Wala na akong career dito.

From the trailer pa lang, knowsline ko naman nang baklaan ang #echorsis at honestly, hindi mataas ang expectation ko sa humor nito. Kasi naman meron akong kaibigan na part nitong movie. Kwento siya nang kwento ng mga nakakatawang eksena raw during the shoot. Hindi successful ang friend ko dahil habang laftir siya nang laftir sa kwento niya, nakatingin lang kami ng “yun na yon?”.

After seeing the movie, na-prove naming hindi nga nakakatawa si friend dahil napanood ko yung eksenang kinikwento niya. Natawa kami ng bongga. I therefore conclude na si friend ang may problema. Sorry friend. Charot.

Medyo nakakaworry ang simula dahil it opened with John Lapus in full dragona mode followed by Odette Khan winawarla ang isang dudung cutie with poverty abs na ginagamit naman ang cuteness to gain favors from the “closeted” John. Tanong ko lang, sa eksenang inaakit ng otoko ang isang beki, kailangan talaga mag-gyrate out from nowhere at walang music? Di ba pwedeng magtaas lang ng shirt?
Subtlety is not Sweet’s nor Odette’s strongest suit. Thankfully the acting was dialled down in the succeeding scenes… for the most part. Sweet was most successful in scenes na hinahayaan niyang yung absurdity ng situation ang magpatawa and not resort to heavyhanded comedy schtick. I never knew how “baygernganern” could be so funny, but it was!

Laftir much rin yung mga eksenang kajoin niya ang mga barkadang beki although maging masyadong maingay especially sa mga seated conversation scenes. Isigaw ang linya ’teh? Pero promise riot sila dun sa emergency scene na may unexpected gag that i will not spoil for you.

Which brings me to Alex Medina and Kean CIpriano. Alex has the showier role pero na kay Kean naman yung mas may puso so it evens out.

Nakakabilib ang commitment ni Alex sa role niya bilang isang delicious tambay na bihasang mamakla. Although alam ni Alex that he is in a comedic film, hindi siya basta lang nagpakwela. Sa mga eksenang nanunuyo siya, wala siyang knowing wink-wink sa audience na nanloloko siya. At that moment he appeared sincere both sa onscreen beki at sa audience. Muntik ko na ngang dukutin ang ATM card ko at iabot sa sa kanya eh. Ganun siya kaeffective. Saka parang ansarap ni kilikili niya noh?

Where was i?
Ah, oo.

At sa mga eksenang possesed si Alex ng beki spirit, he gave in to the bekiness, nakikita mo sa mata niya when he transitions from normal to bekinized.
Bilang isang be-deviled exorsist priest with a secret, na kay Kean nakaatang yung burden of relaying yung prinisipyo ng movie regarding religion and the LGBT as a community and as an individual. I was actually gratified na mulat ang stand ng movie tungkol sa LGBT issues at hindi nagpatali sa safe at mainstream. Nakatulong naeye-candy si Kean at commited rin sa role niya so napull-off ng movie ang intention nito without being preachy.

The best praise for this movie i reserve sa director, Lem Lorca. Gumawa siya ng comedy horror film na hindi Shake Rattle and Roll XXXVIII ½. Thank you very much. Kita yung alaga ang director sa eksena na maski yung mga extrang pampuno ng eksena kita mong binigyan ng direksyon. Antaas ng sense of the absurd niya as illustrated ng nakaw-eksenang sequence ni Alex de Rossi bilang albolarya kumalaban sa demonyo complete with disco lights at confetti. Yung eksena namang sineseduce si Kean ng pitong abstastic demons in metlog short antaas ng peg! Funny pero each demon pala was representing one of the & deadly sins and Kean was reaching out to one with Lust. Whoa!!!

Ang note ko lang dito is may mga eksenang belaboring the obvious. Like yung showdown ni Sweet at Chokoleit, i felt it was already unecessary, tapos sinalsal pa. Bakla na , binakla pa. Saka nahinaan ako sa ending. I dont know how i would end it differently basta mahinaan ako. Pero all in all it is a movie to recommend others to see, lalo na yung mga gumagawa ng horror-comedy na akala nila may tumili lang at magtatakbo eh nakakatawa na.

This is how you do it, bitches.

Advertisements