Ano ba meron ang Star Cinema at bad wigs for its lead actresses? Gusto ko lang malaman. Good feng shui ba ito sa kanila? Mandatory exposure ng wig sponsor? Anoh?!!!
Kung hindi naman wig at trulagen na buhok ni Jennylyn Mercado ang ipinakita sa #justthe3ofus , pwes sorry Jen dahil para kang pinakyu ni direk at ipinakita niya onscreen mas mahal niya si John Lloyd Cruz dahil pumayag siyang chaka ang hairlaloo mo.

 
As in.

 
In fairness, dahil hindi naman pabagets ang character ni JLC, believable siya dito bilang romantic lead, maski na sabi ng kaibigan kong masama ang ugali eh tama lang na piloto ang role ni JLC dahil malapit nang magbukas ng runway sa noo niya at may #pahiramngbangs.

 
Oo nga, masama ang ugali ng friend ko, sinabi ko naman di ba?

 
Anyways, hindi naman pangit ang movie, pero hindi rin ako nangawngaw na “hoooy panoorin niyo ito!” Sakto lang. Hindi ko naman masisi yung poknat na nag-FB sa gitna ng movie. Pero inaway ko pa rin unyeta siya bwahahah.

 
Feeling ko lang, given na buhay airline ang millieu ng pelikula, mas bagay na title dito ay Bagahe or Carry-on Luggage or Over Baggage dahil ang haba ng exposure ng bagahe ni JLC tungkol sa absentee na tatay niya huh. Pigang-piga sa hugot sa more than half the film, tapos hanggang dulo bitbit.

 
Meanwhile yung character ni Jen parang nag-attendance check lang ng mandatory sa Star Cinema RomCom: Asshole ng ex-boyfriend, check. Quirky but loving family, Check. Mahaderang barkada, check! Pero rason why Jen’s character reacts the way she does, waley!

 
Acting-wise wala akong hahanapin pa kina Jen at JLC. JLC is JLC. Plakado na niya ang roles na ito. At kung magkano man ang ibinayad kay Jen sa movie’ng ito, deserve niya bawat sentimo dahil pinagtrabahuhan niya ito. Ang naipakitang bongga ni Jen is kung bakit siya ang current RomCom queen. Ang charm. Ang walang pake na magmukhang tangek. And this time with added depth pa. Huwaw! Aylabyujen!

 
In fact, sa lahat ng eksenang ibinigay sa dalawa, nakikita mo yung effort nila to find layers sa characterization. Especially sa second half nung bumitaw na ang pelikula sa infatuation nito sa mabagaheng backstory ni JLC and focused dun sa blossoming romance nila ni Jen.

 
Antagal lang dumating leeeeeeeerd!

 
Akala ko nga walang chemistry sina JLC at Jen eh. But when finally they were allowed to play out as a romantic couple, boom! Meron! Meron! Meron. Akala ko lang wala. Effortless pala sa dalawa. May kilig. So yung grand gesture kuning napa-eroplano sa ending scene direk, hindi na kailangan promise.

 
Tackorama lang ang dating.

 
So sino ang may problema?

 
Bah malay ko, baka mamura pa ako.

 
Eto pa napansin ko. Effortless si JLC sa paglalasing scenes, ‘no? Kaso andaming eksena na naglalasing siya followed by scenes na nasa bahay na siya. So drunk driving galore tayo kuyey?

 
Anchaka ng buhok ni Jen.

 
So pag barkadang piloto kailangan puro gwapo, samahan lang ng Ketchup Eusebio to keep it real? Makapagpiloto na nga. Ketchup reminds me of a young Dolphy sa mga old movies niya pinapalabas dati sa channel 9, yung support pa lang siya kina Ric Rodrigo etc at ang ka-loveteam niya ay si Chichay.

 
Kilig yung eksenang “ I love you too…… baby”. The trailer doesnt give it justice, kailangan niyong mapanood sa context ng pelikula. anggaling nina Jen at JLC.

 
Anchaka lang ng buhok ni Jen.

 
Parang hindi umaakting si Fifth Solomon bilang suportive mahaderang barkada ni Jen. Either chinachannel niya ang sisteret niyang si Charyze o practisado na siya in real life.

 
Parang device lang naman yung paglitaw ni Baron Geisler bilang exBF para lang may ganap na conflict sa dulo.

 
Ok naman yung batang aktor na kapitbahay nila though later parang naging device na lang siya ng director to push things along.

 
In fact, may theory nga ako.

 
Hindi totoo yung bata. Isipin mo, yung unang labas niya seen from the outside, natatabingan niya mga things in the foreground so you barely see her. Tapos later bigla lang siyang sumusulpot sa bahay nina JLC. At may nakita bang ibang taong kasama si boget sa kabilang bahay? Waley. At eto pa, duplex yung bahay, kay JLC yung isang unit pero may “for rent” sign sa labas, ibig sabihin wala talagang nakatira sa kabila. I therefore conclude patay na yung bagets at hindi niya alam multo na lang siya! Awooo!

 
Theory lang naman.

 
Bottom line, JLC and Jen delivered the movie for me. Hindi ako na-in love sa movie pero na-in love ako sa dalawang leads dahil sa galing nila. Mag-aabang na lang ako ng better vehicle for them. Yung mas maganda ang buhok ni Jen.

Advertisements