Panget.

Maganda ang shots. Glossy siya, well-framed. Pero panget.

Isoli niyo pera ko, isoli niyo oras ko level na panget.

#lovemetomorrow ? Eh hindi ko nga siya like man lang today.

Ito yata yung pelikula na hindi ako masyadong nabothter na chaka ang audio sa SM Cinemas kasi at a certain point wala na akong pake sa dialogue dahil alam kong walang wawa.

Sayang yung visuals. Sayang yung charm ni Dawn Zululeta. Sayang ang abs ni Papa Piolo Pascual. Pohtang ina may Ana Abad-Santos ka sa cast, ginawa lang flowervase sa gilid, anuvey?!!!

Pero in fairness, dahil sa movie na ito na-cement na ang reputasyon ng Mary Grace bilang official tambayan ng mga tita’s of Manila level. Maski jowa kong adik sa Mary Grace finally tinaggap na ang katotohanang kabilang na siya dito bwahaaha.

Di maiididiskweto ang ganda ni Dawn. Sorry Collen Garcia, nilamon ka sa gandahan. Unyeta, may shots si Dawn na extreme close-up, fish-eye lens, gulo ang buhok, pero angganda pa rin ng pohtah. And she injected her character with charm that is a mix of maturity and naivete. Si Coleen Garcia naman, parang wala talagang wawa sa kwento, parang ipinakiusap lang na gawan ng role para maisama sa cast.

And Papa P is Papa P. Visual delight, lumulubog sa character, ibinibigay ang hinihingi ng director. Including yung abs niya.

Una kong problema sa movie ay yung casting ng cougar-love story na ito. Supposedly may mathematical formula para maging cougar de ba?

Woman’s age divided by 2, add 7 years = Boyley Age or lower.

Eh sa trailer pa lang kita nang hindi believable na boylet ni Dawn si Papa P. Dawn is just still too desirable and Papa P already too mature for the role. Kundi lang sobrang gwapo ni Papa P via outfit and haircut nakakacringe na ang effort na pabatain siya. Si Dawn naman para patandain, ipinakasal kay Freddie Webb na binigyan ng role na pasok sa range ng kanyang acting abilities: gwapo, mukhang mayaman, hindi nagsasalita at gumagalaw dahil na-stroke.

Visually kung si Dawn ang poste sa casting, siguro mas Gerald Anderson dapat para magmukhang cougar-relationship. Or kung si Papa P ang poste, kuma-Carmi Martin dapat ang peg ng cougar…. Or si Lilia Cuntapay. Charot.

Isa pang problema eh yung music. Dahil buhay club-dj ang millieu siguro naman dapat ginastusan ang music rights di ba? Eh sa lahat ng nuknukan ng haba at daming club scenes na sumalsal sa running time ng movie, puro incessant nondescript technobeat lang ang tumutugtog. Tapos may mga linyang, “Hey can i request a song?” saka “OMG that’s my favorite song!!!” Anong song?! Anong favorite?! Anong naiba?! Pareparehong chugchugchugchug lang ang tumutugtog ah!!! Tumigil nga kayo!

In fairness may gusto namang sabihin yung movie tungkol sa intergenerational love.

Kaso parang isa lang. Wala na bukod dun . Isa lang.

Andami-dami pwedeng itackle tungkol sa variations at intricacies ng cougar-boylet relationship para kumapal ang kwento pero sa isang bagay lang sila tumutok at tinapon ang oras sa sa walang wawang chugchugchug party scenes. Nasabi ko na bang mahabang oras ang ginugol sa walang wawang chugchugchug scenes?

Meron rin naman akong eksenang nagustuhan. Yung eksena sa workshop ni Dawn where walang paki ang mga sexy bagets girls to strip down to their undies para magsukat ng damit sa harap ng mga of the titas na damang-dama ang bawat himaymay ng sagging arm skin nila. Angganda ng execution nun na funny pero at the same time may sipa at bitterness. Hindi na ito nasundan.

Ito ang movie na linear tell-not-show ang pagkukwento. ang backstories ng characters, verbally ikikwento lang sa moment na gagamitin na, walang pagpa-plant earlier in the movie. Walang layers ang mga eksena at dialogue. Kung ano ang pinakikita at naririnig na dialogues, yun lang yun.

At ang mga ganap vineverbalize lang talaga nang ilang ulit. Asshole is Piolo sa paningin ni Dawn. Limang eksena pag-uusapan ang ang sitwasyon. Mahal ni Dawn si Piolo. Limang eksena pag-uusapan ang sitwasyon. Nagkakaproblema sila. Pagusapan 5 different times.

Andaldal wala namang laman.

Honestly the best thing about the movie is the ending…. in multiple layers .

Una, hindi ibinigay ang inaasahang happily ever after dahil may mga problema na di naaayos ng true love, you just have to move on. Oo hindi hindi nagkatuluyan si Dawn at Piolo. Ispoil ko na, kebs sa alert, dahil wala akong pake.

Second, si Richard Gomez dahil he is Richard Gomez and she is Dawn Zulueta. Anlakas ng pa rin ng kilig ng dalawa. Parang kidlat, Pak! Bam! Naachieve ang kiwal-kiwal ng feelings ko in 2 seconds ang hindi naachieve ng maraming romantic scenes between Dawn and Piolo lalo na kung hindi visible ang katawan ni Papa P.

Third. End na yung movie. Uwi na tayo, Da best.

Advertisements