Question: Sa movie’ng Conjuring 2, bakit pinili ni demon na Valak na i-possess ang isang troubled British family? Dahil ang sagot nila sa problema ay alak at alam ng lahat na pag may alak may Valak.

Charot. Gay joke. Kung hindi niyo na-gets, then you’re not gay enough.
Charot ulit.

Anyways, bago ang review, gusto kong humingi ng paumanhin sa jowakels na puno ng pasa ang braso ngayon dahil nanood kami ng #conjuring2 last weekend.
Achulee partly kasalanan rin naman niya kung bakit may marka ng mga daliri ang braso niya. Siya naman yung mapilit na manood ng Conjuring 2 maski alam niyang hindi ako mahilig manood ng horror.

Alam niya ring hindi rin ako mahilig sumigaw at tumili habang nanonood ng nakakatakot. Very stoic ako. Under acting. Chinachannel si Jaclyn Jose. Hindi ako tumitili, iniipit-pilipit ko lang kung anuman ang hawak ko at the moment. And for the whole length ng movie, braso ni jowa ang hawak ko. Sorry naman.
Napanood namin yung unang Conjuring. Sobra akong nabother noon kay Annabelle so may expectation na ako sa magiging reaction ko sa part 2. Unfortunately, I was not as bothered by the imagery ng madreng very generous sa chin chan su dito sa part 2. Catholic school boy ako so hindi na bago sa akin ang mga kwento ng ghostly nuns tumatagos sa pader. Given na mas chararat ang itsu sa demonic madre ditey pero same difference.

Honestly, kung pagkachararat ng itsu ang paguuspan, effok na ang itsu ni Mother Monster na mas Marilyn Manson kesa Lady Gaga. Borkot yung eksena sa trailer na look sa mirror, look sa back papalapit nang papalapit si Mother Monster. Kaso lang parang hindi siya namaximize sa kwento. Wititit ko na-gets kung saan siya galing at ano ang tunay na pinanggagalingan ng hugot niya versus the character ni Patrick Wilson.

Ano ba talaga Mother ang beef mo Mother? Nag-DM ka ba kay Patrick pero na-seen-zoned ka lang? Bet mo siya pero prinend-zone ka lang? Inggit ka ba sa flawless skin ni Patrick na parang hindi na natural?

Speaking of…

I’m happy na nakafind na ng niche si Patrick sa box-office pero naba-bother na ako na parang kumikinis na lang siya, hindi tumatanda. Parang bume-Ben Affeck lang during his JLo phase, alam mo yun? At ang patilya niya dito huh, though chinachannel niya kuning si Elvis at kumanta pa ng “Can’t Help Falling In Love”, isang kembot na lang papuntang Wolverine na siya huh.

But balik tayo sa movie. Ibang genre siya. Isa itong RomRor. Kung may romantic comedies na RomCom, ito Romantic Horror. RomRor.

Honestly, sa core ng movie, love story siya ng mga Warrens. Yung mumu at mother monster eklat eh equivalent lang ng pampakilig sa RomCom. Kung may maharot na merlat na third party, quirky immediate family at miscommunication sa romcom, sa romror may creepy old guy na matagal nang patay, may quirky family na nakatira sa haunted house, at ang mother monster na bet shutayin ang leading man nang very slight. Same-same only different.

Kung sa gulat factor, hindi naman nagkulang ang movie, at exhibit A ang braso ng jowa ko dyan. Pero napakalinear ng kwento at motivation. Walang mind-fuck factor na bitbitin mo ang horror hanggang bahay dahil hindi mo naintindihan pero naramandaman mo. Yung end section ng movie, though exciting, felt like more like a thriller than horror. Thrilling pero hindi horrifying.

Pero kumain pa rin kami ng ice cream at nagpagpag sa McDo after the movie… just in case.

Advertisements