I must admit najirapan ako sa isang ito kaya lumipas na ang isang linggo hindi ko pa rin maisulat ang review ng #howtobeyours . Maayos naman kasi ang pagkakagawa. Maganda ang shots. Timplado ang akting. Maayos ang pagkakalahad ng kwento.

Pero hindi ako na-move. Hindi ako na-in-love.

Napaisip tuloy ako. Teka, ako ba ang may problema?

Ok naman kasi sina Bea Alonzo at Gerald Anderson pero mas interesado pa kasi ako sa mga reactions kuyang balbas sarado na barkada ng Bea. Ginoogle ko pa talaga ang name. Brian Sy. Wala siyang speaking lines eh pero nakakapag-convey siya ng raw emotions.

Saka nakukyutan ako sa kanya sa pelikulang may Gerald Anderson. Ganun. Eh bakit bah?! Wag nga kayong ano. Basta.

This is not to say na sablay sina Bea at Gerard. Maayos ang acting ng dalawa. Contolled nga ang emotions. Sakto sa eksena.

Baka yung nga ang problema, walang akong naexperience na raw emotional moment from the two. Minsan lang ako napasignhap ni Gerald, during the chukchakan scene nila sa chandelier store. Bea naman napagisip ako kung paano magpa-tendrills ng bangs at magpa-off the shoulder na hindi mukhang losyang na labandera. Hindi ko machieve.

Visually stunning and simula ng movie set during the Chinese New Year. Parang color coded pa ang pagtatagpo ni nina Bea at Gerald. Gerald was wearing a blue shirt while bathe in blue light. si Bea naman was red cheongsam amidst red light. Angganda ni Bea pero…pero….RED CHEONGSAM TALAGAH?!!! Mag cheongsam talaga during chinese new year celebration where walang ibang naka chinoiserie costume?!! Over-produced much?!

At ang scoring huh! Sa tugtog talaga ng “Rock Baby Rock” magkaroon ng let-you-hair-down-sa-dance-floor moment?!!! Talaga lang? Magtipid talaga tayo sa music rights?! Walang pinagkalayo dun sa house party scene sa sa movie nina Dawn at Piolo kunsaan sikat ng DJ si Piolo at nagwawala sila sa dancefloor sa saliw ng “Will You Still Love Me Tomorrow”. Sige ipagpilitan natin.

Isang pang pilit eh the pagsisingit ng “po” sa pakilig dialogues nina Bea at Gerald. I know that the title was a play sa “how to be you po?” pachenes na trending ngayon pero hindi nila napull off yung irony ng phrase. Naging too saccharine tuloy.

Sana nagpa-coach sila kay Ate Guy. Po!

Pero ayokong chakahin ang movie dahil maayos siya huh. Napaguusapan lang.
Pagusapan na rin natin yung mga bagahe sa buhay nina Bea at Gerald sa kwento. Si Gerald iniwan ng pudang na kumuha ng newer model na jowa. Si Bea naman feeling underachiever sa pamilya ng mga doctor. Kaso, ang mga bagahe nila either kinukwento lang verbally o nakikita lang sa mga eksenang designed to illustrate the point. Outside those scene wala na rin ni anino nung mga bagahe nila.

Speaking of bagahe, kung babae ako at kapatid ko si Ana Roces, parang magkakabagahe rin ako. Ampotah parang natulog lang since the 1990’s. Kamag-anak ba siya ni Dorian Grey at merong painting sa bodega na tumatanda instead of her? Lech.

Pero back sa kwento. Gusto ko yung hindi agad binigay yung inaasahan natin sa isang RomCom. Bet ko yung malinis na falling-in-love montage sa grocery na very walk-through-the-season scene sa “Notting Hill”. Walang mandatory maharot na third party na pag-aawayan. Walang pa-tangang decisions ang bida para lang magka-tension ang movie.

Gusto ko rin na hindi siya kwentong love prevails above everything else. Sa totoong buhay may mga bagay na dapat iprioritize before love-love na yan. And though Bea and Gerald ended up together pa rin in the end of the movie, it is already different love story from the one they had before. Ibang tao na sila, ibang kwento na ito.

Advertisements