Aeiiiiiiiii!!!! Aeeeeiiiiii!!!! *ubo-ubo-ubo

That’s the sound of me kinikilig hanggang ubuhin. sorry naman.

Sige na Antoinette Jadaone, ikaw na ang reyna ng kilig. Keeeeeleg.

Keeeeeleeeeeeg. Yung kilig na nanunuot sa pagkatao na ang kilig na pwede lang tumalo eh yung kilig after ng weewee na pinigil mo sa bus from Ortigas to SM North Edsa.

Naiintriga na tuloy ako tungkol kay Dan Villegas huh, bakit namumutawi ang kilig kay Antoinette. Charot lang hahaha.

Simula pa lang wala naman na akong expectation sa #theachybreakyhearts beyond a Star Cinema romcom cashing in sa pinagkakitaan nang Jodi Sta Maria- Richard Yap tandem at sa natalisod na Jodi-Ian Veneracion noong nakaraang MMFF.
Wat ip pagsamahin at pagsabungin natin ang dalawang tandem? Sino ang mas malakas ang hatak? Cashing-Cashing!!!!

Go Team Ian!

Ayy! Nabukels ang preference!!!

Hungwapo naman ni Ian kasi noh? And the movie wisely played up sa strengths niya at hindi binigyan ng eksenang pang JLC. Simple lang ang instruction, paibigin mo kameh, boom! At achieve na achieve ito ni Papa Ian. Ready na nga akong iabot sa screen yung payroll ATM card ko eh. Ganern.

The movie had me at *sinubo ni Ian ang daliri ni Jodi *Aeiiiiii!!!!!!!*
Oo na, nagamit na nga raw sa My Bestfriend’s Wedding yung subo-daliri scene, pero hindi bibig ni Ian yun noh! At walang basagan ng trip!!!

Honestly may halong kilig at kadiri akong naramdaman sa eksenang yun. Si Ian lang kasi yun gumawa nun kay Jodi kaya na pull off. Kung level nina John Regala or Paquito Diaz, hindi kilig yun, harassment yun at sisigaw na ako ng “Rape!”
*(Anluma ng peg ng kontrabida di ba? Achulee nag-eefort pa akong magisip ng names pero parang wala talagang na yatang iconic male kontrabida nowadays. )*

At isa pang eksena yung nagborlog sina Ian at Jodi sa motel. Tapos nagharap sila. Dumilat si Ian. Nangusap ang mga mata.

*Aieeeee!*

Pakiramdam ko ako yung hahalikan ni Ian!!!! It was a major palit-pantyshield moment! Charot!

Hindi ko alam kung mas may chemistry talaga si Jodi with Ian kaysa kay Richard or it’s just my biases speaking pero Team Ian talaga ako. Bukod sa hungwapo nga, i guess it is easier to root for a new, if slight damaged, love kesa sa ex (Richard) who was an asshole before. HIndi ko sinasabing magaling na aktor na si Ian pero comparatively naramdaman ko ang stiffness ni Richard, and not in that ummm nice way.

The only moment na medyo naalog ang support ko for Ian was yung mga eksenang may kasama silang bata ni Jodi… kasi naghubad si Richard. Bwahaaha.

Nagwork rin yung dalawang eksena na nagversus sina Ian at Richard nang naharapan. Match sila… until nilamon sila ni Shamaine Buencamino with just one line.

Which bring me to Shamaine na, with minimal effort, showed anong klaseng nanay, babae at tao siya! Bravo! Hindi ko alam kung sinulat ba yun, o bitbit lang ni Shamaine pero yung damit, gulo ng buhok, pagkaluma ng damit at oiliness seemed to contain a story all in themselves.

Pero hindi matatawaran na ang puso, utak, at lamanloob ng movie was Jodi. I kilig-ed with her, i got heart-broken with her, i mended life with her.
Pohtahng ina yung eksena na kumukitchy choreo dance siya habang umiiyak huh. Isang slow-clap dyan para sa iyo Jodi.

Yun lang, the signature treatment ni Antoinette are still there and they are getting tired. As usual meron continuity VO na given the emotions na naipakita ni Jodi was unecessary na. Ang regulation sing-along na parang rehash lang ng ginawa ni Ian at Jodi, sa kotse rin.

Saka yung heavy-handed treatment ng mga product intrusions.

Saka yung kasalan scene ng kapatid ni Jodi na supposedly eh middle class family pero mas bongga at mamahalin ang production design kesa tinipid na golden wedding anniversary set up ng parents ni Richard na supposedly eh mega-richina.
Saka yung poster na parang chinachannel ni Jodi si Joey Albert habang ipinatong lang ang pictures nina Ian at Richard. Hindi talaga magtagpo ang sked nilang tatlo para magpictorial nang sama-sama?

Actually forgivable naman ang mga ito at madaling i-gloss over if not nagfalter yung movie towards the end. Hindi kasi ako convinced nor satisfied sa ending and how it got there.

Given that may sariling fanbase ang dalawang loveteams ni Jodi, medyo naramdaman ko na ang resolution a mile away, hinitay ko lang kung paano nila ilalatag.
Naging mahanash ang movie about this and that na parang defensive and was trying to convince the movie goer na tama ang choice ni Jodi. Kaso i got the feeling na even the filmmaker is not too convinced na tama nga ang ibinigay niyang direction sa character ni Jodi. I think he filmmaker doth protest too much.

At yung post CBB scene ha! Parang hindi natuwa ang mga bossing sa original ending so gumawa dalidali ng bagong ending. Either that o naghanap lang sila ng paraan para magpasok ng mandatory chakang wig sa pelikula.

Advertisements