First among the Cinemalaya entries na napanood ko, #mercuryismine rin lang ang unang pelikulang pinanood in a long while na may actual konek ang title sa kwento. *( i’m looking at you Star Cinema).*

It’s a movie of restraint. Comedy siya pero hindi naghuhumiyaw na “komedi akoh!”, hindi ka nginungudnod sa punchline niya. Pag nakuha mo ang joke eh di bongga, kung hindi, keri rin lang. Hindi ka masyadong bright, pero keri rin lang.

Simple lang ang kwento pero andaming layers sa ilalim. May isinusuong siyang social commentary tungkol sa pagkamangha natin sa mga puti, maputi, pinaputi. Meron siyang anggulo about Pampango pride. Meron siyang sinasabi tungkol sa gamit at kailangan, panggagamit at pangangailangan. Again all done with restraint and not calling attention to itself.

Malaking bagay na ang akting ni Pokwang dito ay may restraint rin at not calling attention to itself. Kita mo yung tiwala niya sa materyal na hindi niya kailangang magresort sa tried and tested na patawa to carry a scene. Isang taas lang ng kilay, isang malanding tingin, isang bagsag ng linya eh tama na. Nandito rin yung quiet desperation na nasilip ko na dati sa performance niya sa “All You Need is Pag-ibig”. Dito binigyan pa ng konting bali. May earthiness, humor, weakness, and want. Antaas noh? Basta. Napabilib ako.

Same goes with Bret Jackson. Actually akala ko magiging foil lang siya sa patawa ni Pokwang or would lean on the usual blond-na-bobo-sa-tagalog pacute ng mga afam na nag-aartista dito pero ayaw mag-aral ng Tagalog na itago natin sa pangalang Sam Milby.

I was pleasantly surprised that he managed to go toe to toe with Pokwang and deliver a full blooded character on screen. Malaking tulong na nagawa ng filmmaker na katanggap-tanggap na English halos lahat ng usapan nina Pokwang at Bret.

Malaking tulong rin na may certain chemistry sina Bret at Pokwang. Na-exploit ito ng filmaker to the film’s advantage pero, again, with restraint. Namaintain niya yung push/pull tension ng dalawa na di mo mawari kung magyaya, magnanay, o magjowa, para sa climax ng movie, nung naganap yung Ganap eh walang “Ewwwww!” moment.

Natanggap ko na all the things that transpired prior can only lead to this particular moment. Nasa title pa lang nga di ba? Mercury is Mine. Kahit anong ikot, kahit anong waksi, ito yung culmination na kailangan ng bida, na gusto makuha ng audience, na ultimately ibinigay ng filmmaker, na gusto kong mapanood niyo…. without restraint.

Advertisements