Teka lang, nagrerecover pa ako.

Umuwi kasi ako sa old neighborhood namin kahapon. Habang naglalakad sa iskinita naisip ko na parang very Lino Brocka-Dante Mendoza poverty porn na ang itsu ng ng lugar namin ah. Tapos nanood kami ng #marosa. Lerd.

Hoy yung mga nag- “congratulations Jaclyn” at “#pinoypride” sa FB status, asan na kayo? Manood kaya kayo, now na! Sa sine ha please!!!! Pag nalaman kong sa sa torrent download kayo nanood, pagtatatampalin ko kayo! Twice!

Hay, anyways….

Hindi naman achulee masyadong mabigat ang movie. Walang lakrimosang mga eksena designed lang para magpaiyak. Hindi siya yung movie na parang dinaganan ka ng sampung hollowblocks at hindi ka na makahinga. Para lang siyang dalawang daliri na nakadiin sa dibdib mo, kaso walang patid, for two hours or so, nakadiin yung pressure, ganun. Nakakahaggard.

Simple lang naman yung premise. Mahirap na pamilya. Adik si father, tulak ng droga si mother. Eh paksyet, na buy-bust sila ng mga skalawag na mga pulis. Napwersa ang mga anak na magfundraising para makalikom ng pondo para makalabas ang parents. Ganern. Walang unecessary complications yung kwento para gawing mas kawawa yung mga bida. Walang additional murder-mystery na pampagulo. Hindi biglang naholdap yung pambribe sa pulis para ipakitang kinantot lang talaga sila ng malas. Hindi inosenteng biktima ang pamilya nila.

Bongga si Direk Brilliante Mendoza, maski na ironic na brilliante ang name niya pero ang dark ng movies niya, minsan blurred pa yung shots. Umuulan during the shoot at maputik sa set? Bongga, gawing production design. Kebs sa rain, sa putik, sa drainage problem. Parang naamoy ko nga yung baho ng lugar eh.

Either that o may problema ang drainage ng CR sa Gateway.

Magalaw ang shots, madalas underlighted, minsan contraluz pa. And that is ok for this movie. Mendoza doesnt do glossy. Medyo natatakot ako if ever gumawa siya ngayon ng romcom.

Bongga yung shots ng mga eksena mula simula sa grocery hanggang sa bahay hanggang sa dun sa nahuli na sila at kinakaladkad pasakay ng police van. Dumudocumentary. Yung pagsunod ng camera kebs na puro likod ng artista ang shots parang hinila ako sa millieu. Parang pinapanood ako ng slice of life sa isang Mandaluyong slums.

Medyo na-disorient lang ako makita sina Baron Giesler at Mark Anthony Fernandez bilang dirty narc cops. Narc pa talaga. At any moment hinihintay kong lumitaw bigla si JM de Guzman.

Dahil magagaling na actor silang tatlo. Ganun. Yun talaga. Kaso lang si Mon Confiado ang nakarating.

Saan bang presinto yan at ang hungagwapo ng mga pulis? Yun nga lang mga goons pala pero madali namang linisin ang imahe nila ng isang bonggang shower scene. Charot lang.

Si Julio Diaz minamani lang role niya bilang user na tatay na medyo dim, yung nagpapadala lang sa agos. Parang may pinaghuhugutan siya sa tunay na buhay.
Si Kristoffer King parang itinuloy lang ang role mula dun sa anti-piracy infomercial bago mag-start yung pelikula. Actually he was the best thing in that infomercial huh. Nilamon niya si Derek Ramsey at saka yung hamonandong merlat na assistant ni Derek.

Si Mercedes Cabral naman, parang iisang linya lang sa movie, tapos inulit ulit pa. Problema ba asa editing ito o wala na alng siyang naisip na i-adlib?
Nakakanis yung eksena na kinokotongan nila sina Jaclyn pero pinalalabas pa nilang utang na loob sa kanila yun. Nakakinis kasi totoo-totoo. Pukingina.
Weakiest portion siguro ng movie yung umalis ang focus ng camera kina Jaclyn at the presinto at sinundan yung tatlong anak nila paghahanap ng pera. Pero it further illustrates na hindi talaga inosente ang pamilya nila.
Si kuya Felix Roco na long-hair sanay nang dumilihensiya ng datung sa pagbebenta ng gamit sa bahay, hindi pa naman siya nagbenta ng bato at atay. Si Jomari Angeles na junjun na blonde naman ibinenta ang junjun niya, pero hindi naman pala for the first time dahil nareveal na may regular na siyang suki sa pamamakla niya.

Siguro pinakawawa na lang sa tatlo yung character ni Andi Eigenmann na student lang. Maski acting na acting siya dun sa presinto scene, lumunok naman siya ng mura sa talakera niyang tiyahin played by Maria Isabel Lopez na minsan lang nadaanan ng camera pero nilamon ang buong eksena. Naunawaan ko na ang pagkaeksenadora niya sa red carpet ng Cannes, go lang muder.

Pero siyempre pa, there’s The Jaclyn Jose. Achulee naechosan ako sa isang interview niya after the awards night na kailangan niya raw pag-aralan pa yung no-acting acting for the movie. Hello, eh di ba siya nga ang reyna ng no-acting acting sa Pinas? After seeing Ma’ Rosa nasabi ko ah yun pala yun. Gone was her trademark and oft satirized monotone delivery. So yung feeling natin noon na no-acting acting, umaakting pa pala siya nun. Eto yung no-acting acting niya. And what about that famed final crying over the squidball scene? It was everything and more. Hindi siya nagpapaiyak, hindi siya nagpapaawa, hindi siya nagdadrama. Pagod na lang siya.

Advertisements