Paano mo chachakahin ang isang pelikulang based on a heart-warming inspirational true to life story of an older man defying societal norms and succeed beyond his percieve limitation?

I-try ko lang.

Well hindi naman chaka yung pelikula. Angganda ng location. Charming ang millieu. Refreshingly raw yung mga bit players. Ang-hot ni Allen Dizon. At una yun sa problema.

Nakita niyo ba yung itsu ng totoong tao na ginampanan niya? Walang namang panglalait pero saang planeta sila merong pagkakahawig man lang. Sa mga true-to-life TV drama anthology lang dapat nagaganap yung major discrepancy ng itsu ng orig na tao sa artistang gumaganap.

As played out sa movie, school drop-out si Allen na bukod sa harap-harapang binabastos ng anak niyang pinalalamon niya eh harapan rin pinagtatawanan at kinukutya ng mga naging kaklase niya dahil bobo siya.

Tignan niyo si Allen, may nakikita ba kayong bakas ng inferiority dahil bobo o kahinaan na pwede siyang bastus-bastusin nang ganun na lang? Bet ko siyang bastusin pero in a different at privately and hopefully he returns the favor. Charot.

Basta. Miscast siya sa itsu at general na dating pa lang. He tried his best pero glaring yung nawawalang regional accent niya. While all around him, his co-stars sounded local, Allen sounded unmitigatedly Tagalog.

And while the inspiration of the film may be real, the events set on film were obviously embelished of not outrightly fictional. Gawa-gawa school of writing. Storytelling-me-a-lie.

– Kaya ng palamuning anak ni Allen na singhalan siya at tawaging bobo to his face while drunk and smoking a cigarette and Allen just swallowed it?!!! Tanginerns, sa real life pinannguya na yan ng kamao

– Hindi raw kayang suhetuhin ni Allen ang anak niya dahil ipinagbabawal sa batas at baka ipakulong siya. Whut?!!! Nasaan siya, sa States? Sino writer nito?

– May slight landian scene si teacher at si Allen. Saang planeta ito naganap? C’mooooon. Parent-Teacher interaction limitation hellooooooo? Saka remember and itsu nung truliling character? I rest my case.

Sobrang nipis ng original kwento painted with broad strokes at kailangang dagdagan ng fictional sub-plots.Kung hindi lang sa may budget ito to actually shoot in Camiguin, pwedeng maging isang episode ito ng MMK o Magpakailaman, kulang na lang lumabas ni Mel Tianco, or mag-unretire si Charo Santos-Concio.

Sorry pero i’ve seen better works on TV. Sana nag-Pokemon Go na lang ako.

Advertisements