Hindi siya “magandang” pelikula. Maantot siya. Dugyotic. Marumi. Yung level ng dumi na parang kumakapit na after mong manood eh gusto mong magshower agad at dumausdos pababa sa tiles na pader habang umeemote na “madume akoh, andume koh…” Ganern.

Meron akong feeling na dapat magustuhan ko ang #pamilyaordinaryo dahil indie siya, edgy, may social relevance. Pero hindi pa ako sure kung sure ako. Bumilib ba ako sa movie? Pwede. Nagandahan ba ako? Somehow. Nagustuhan ko ba? Uhmm…

Una ko pa lang mapanood yung trailer, nasabi ko, “ano ‘to, bumiBrillante Mendoza nang slight?” Poverty porn galore. Good luck.

After watching it, totoo nga poverty porn nga pero hindi yun ang isyu ko. Ang problema ko was my inability to empathize with the lead characters. Maski na nanakawan na sila ng anak malukaluka sila sa paghahanap wala akong pity to spare. Sorry.

Hindi ako namove sa pag-ngawa ni girl after manakaw ang anak niya. Hinahanapan ko nga ng luha eh. Parang wala naman, puro ngutngoy lang. But i’m not blaming her for my disconnect. In fairness beyond that, impressed naman ako sa lead actors. Talk about inhabiting the characters! Plakadong-plakado nina Hasmine Killip at Ronwaldo Martin yung look ng magjowang hamog. Very kokol at miumiu ang look ng dalawa as in kokolboyin at miumiurahing pokpok sila pareho tignan, at palaon nang palaon sa pelikula, padugyot sila nang padugyot na parang hindi na make up. Commitment ituh.

Same goes sa mga solvent boys na kasama nila sa movie. Actually sila ang mas realistic ang pagganap. Yung may angas kalye pero kaya pa ring tumawa. Para ngang hindi na nagpa-audition ng supporting cast ang produ, eh kumuha na lang ng truliling solvent boys at pinangakuan ng isang buwang supply ng rugby. Charot.

Isa palang napansin ko eh sobrang dami ng “putang ina” sa movie. As in putang-ina, sa kakaputang ina ng mga putang inang mga bida eh nawala na ang putang inang sipa ng salitang putang ina. Ganun, putang ina.

Parang wala namang nagpepepper ng ganung karaming “putang ina” sa isang coversation in real life. Marami naman kasing variations of cussing.Parang binilinan lang sina Ron at Hasmine na pag nalimutan nila ang dialogue nila at walang masabi, mag-putang ina na lang sila.

Balik sa kwento. Nabother rin naman ako sa mga pangyayari. Napabuntong hininga ako nung ayaw silang tulungan ng security guard dahil sa itsura nila. Nangitngit ako dun sa ale na nanay raw nung kidnapper na iniscam pa sila. Nainis ako nung inaabuso si Hasmine nung pulis na dapat eh tumutulong sa kanila. Napahiya ako sa sarili ko sa ipinakitang panggamit ng media sa kwento nila at sa kanila mismo sa ngalan ng ratings at entertainment.

Pero hindi lang talaga ako makaempathize sa plight nila kunsaan nagsusurvive sila sa pagnanakaw from people na di naman gaanong nakakataas ang antas ng buhay kesa kanila pero kandakuba sa lehitimong trabaho.

Kebs na mereseng natutulog sila sa karton sa sahig, ginagawa nila in public yung mga bagay na dapat pribado, isang kahig isang tuka ang buhay, ang tingin naman nila sa iba ay hindi tao kundi ATM o mga punong pwedeng pitasan ng pera, o cellphone at ibang gamit na pwede nilang ibenta.

Wala lang sa kanila yung ganun dahil feeling nila society owed it to them dahil kinantot sila ng lipunan. Pero ganun lang bang kadali yun? For most of the movie, walang moment of introspection ang mga bida, basta may nangyari, may pangangailangan, react.

Yung one moment of analysis nina Ron at Hasmine habang sinusundan ang isang lead papunta sa baby. Paano nga ba kung matunton nila yung baby at makitang mas maayos ang buhay ng bata dun? The reply was short-sighted, telling, but very real. Wrong-headed but understandable and sad.

Minsan nasa utak na nila yung tamang gawin pero yung mali pa rin yung pinipili.

Sorry pinepersonal ko masyado eh movie lang ito. So i guess in that level, successful ang filmmaker dahil nakadraw out siya ng strong emotion from me as viewer. Tumatawid na yung imagery niya sa real life ko. Nadepress ako.

Kailangan ko ng ice cream. Dirty ice cream with munggo on top para pasok pa rin sa dugyot theme.

Advertisements