Hindi ako mahilig sa zombies. Hindi ako mahilig sa horror. Pero dahil #gongyoo is love, sige gora na sa nood ng #traintobusan. Hindi naman ako nagsisi.

It’s a movie na best seen kajoin ang buong barkada para pwede kang tumili nang walang habas. Nakakahiya kayang tumili sa takot at mangunyapit sa braso ng katabi mo lalo na kung mag-isa ka pala so hindi mo kilala ang may-ari ng braso kinapitan mo.

Pero minsan may advantage rin no, lalo na kung cutie si kuyang katabi. #paraparaan #alamna. Charot.

For all the technical superiority ng movie compared sa horror movies natin, pinoy na pinoy rin ang takbo ng #traintobusan. Simula pa lang sa collection of lead characters na tailor-made na to make us root for them to survive: ang asshole na pudang na may bitbit ang anak na tunay niyang mahal na alam mong magiging noble in the end. Ang already noble-hearted bruskong ander de saya na mayjowang buntis na alam mong malaki ang chansang mategi dahil sobrang bait nga. Ang dalawang maondang lola na malamang matigok rin para heartbreaking. At ang pair of bagets in throes of first love para may kilig naman ng konti. At syempre di mawawala ang hindupurot na villainous rich guy na hindi mamataymatay hangga’t hindi siya nakakasira ng buhay ng marami. Ganern.

Witchelles na inefffort iredub ang movie so you can hear the dialogues in original korean w english subtitle. But dont let that stop you from seeing it dahil sobrang simple lang ng kwento. Saka run-for-your-life ka na nga from the multitude of zombies, mag-iisipluk ka pa ba ng meanignful dialogue? Wititit na. Run na lang. Tili na lang.

Meron ring mga tanga moments sa pelikula hindi lang kasaing dami ng sa atin. Yung mga moments at decisions na tanga baga, na alam mong pinagawa lang ng writer o ng director para lang magkaroon ng tension. At syempre hindi mawawala ang eksenang “delikado dito, tara magmoment tayo”; yung mga eksena na sa gitna ng paghabol saiyo ng zombie eh magkikita kayo ng loves mo tapos imbes na sabay kayong tumakbo at magtago eh magtititigan muna kayo ng matagaaaaaal, eemote, at magmomoment out in the open kungsaan pwede kayong makita at abutan ng mga zombies. Ganern.

May nakapagsabi sa akin na nakakaiyak raw ang ending ng movie though hindi ko naramdaman. Although nakapasok naman ako sa kwento, feeling ko ang napasok ko eh “Train to Busan – The Theme Park Ride”. Ansaya, exciting, nakakadala… pero for that moment lang, afterwards pwedeng pumila ulit na parang wala lang.
EDIT: I forgot to mention, napansin ko lang na parang bukod sa fun ride, propaganda movie rin ang Train to Busan extolling the value of empathy and caring about the welfare of others. Mula sa heroic actions ni bortang kuya we willingly sacrificed himself to save the rest, hanggang sa not so subtle spluk ng bagets sa tatay niyang ang focus is for him and his child to survive. Social problem na kaya sa kanila ito?

Advertisements