4 hours long ang #angbabaenghumayo ni Lav Diaz. I know, shortfilm lang itu sa bokabularyo ni Lav. Charot.

Nawala sa loob ko na Lav Diaz film ang papanoorin namin that night so nagsapatos ako. Mas prepared ang bowakels ko. Nagshorts at chinelas siya. Saka nagdinner ng good-for-4-best-for-2 sa Max’s. 4 hours nga naman ito.

Achulee nahihirapan akong i-gauge kung nagandahan ako sa pelikulang ito o hindi. International best picture nga di ba? Parang anggaling-galing ko naman para ma-less than impressed sa isang internationally acclaimed film. Saka nag-invest na ako ng datung and 4 hours para tapusin ang movie, tapos sasabihin kong panget? Para naman akong tanga nun dahil sana humayo ako at nagwalkout out na lang. Eh hindi. Tiniyaga ko talaga.

In fairness, hindi naman major effort tiyagain ang movie. Nakaka-engross naman siya even with its lengthy running time. Emotionally-prepared nga kaming manood ng 10 minute long scenes ng mga artistang naglalakad palayo, bakang tumatawid on screen, at characters na nakatanghod lang sa kawalan. But no! May mga jump cut na mga eksena! May scenes na gumagalaw ang camera! Nalula kami sa bilis ng pacing!

Charot. Hindi naman. Lav Diaz ito hindi Danny Zialzita.

Based raw ito sa isang Russian short story. Ah short story. Kaya naman pala 4 hours long lang. At Russian, kaya pala wala akong naramdamang tuwa sa kwento, parang isang mahaba, kulimlim at malungkot na Russian winter. Given na may gay character sa movie, walang gaiety akong naramdamam. Ang sombre ng pelikula. Ewan ko kung laging malungkot ang mga beki sa Russia pero ang beki sa Pinas nakakahanap ng itatawa even in the direst of situations.

The story revolves around Horacia played by Charo Santos, a teacher imprisoned for 30 years for a crime she didnt commit who now seeks revenge on the person who did her wrong. Oooooooo.

In the progression ng movie, niligid si Horacia ang sarili niya ng pilay na katulong, demon-fixated na baliw, bakla may death wish at kubang may revenge motive. Kung hindi niyo nakuhang marginalized si Horacia, ang apat na characters na ito ang inyong stabilo high lighter.

Nabobother ako sa moments ng pagbitaw ng kwento sa reality ng universe nito. Lumabas si Horacia sa kulungan na walang pera at nanghihingi pa ng pera sa anak niya tapos isang pirouette lang may-ari na siya ng carideria. Si kuba hindi nagduda kung bakit lagi siyang sinasamahan ni Horacia in-disguise. Si Horacia, naglitanya ng di maarok na kwentong pang-tibak sa harap ng mga batang-kalyeng kumakalam ang sikmura, at walang nagwalk-out. Hello.

To track down her prey, she disguises herself as a religious belo-wearing manang by day, and and lesbian-vagabond at night. Yun lang, wala rin namang iniba ang acting Charo sa tatlong personahe niya, nag change name at change costume lang siya. Ganun lang. Worse, ung VO narration hindi katunog ng any of her persona. Mas tunog Charo Santos hosting Maalaala Mo Kaya presents Lav Diaz.

Hindi ko naman sinasabing chaka ang acting ni Ma’am Charo ha. Sufficiently good siya to evoke emotions sa maraming long-shots ng character niya. Akala ko nga eh salamat lang sa longshots ang acting ni Charo until i saw samples ng actual bad acting in the same movie (i’m looking at you anak ni Charo and you attorney ni JLC at police investigator). May bad acting palang hindi kayang itago ng long shot. Si police investigator nga nakatalikod lang sa sceen bad acting pa eh.

Which leads me to clapey-clapey sina Jean Judith Javier, whose performance bilang isang taong grasa made talon from the screen like nobody’s busines, at John Lloyd Cruz who lost himself sa role niya bilang isang self-destructive transgender with bad wigs. Yan ang acting.

Given the long running time, nadisappoint akong tell not show pa rin ang takbo ng kwento. Imbes na ipakita ang ang mga kaganapan, nakaupo ang characters at ikinuwento lang ang mga nangyari. Bakit, kapos pa rin sa oras? I liked Lav’s 8-hour “Hele…” dahil nakapaghimay siya ng husto and went out of the cinema tired but sated. Dito medyo tired lang, I guess 4 hours IS not enough for a full Lav Diaz feature after all.

Advertisements