For the past couple of weeks hanash ako nang hanash about the the MMFF choices being this and not that, dapat ganire at wititit ganyoon. Eh tapos nabasa ko yung blog entry ni direk joey Reyes. Tinamaan ako ‘teh. Awts.

Admittedly nag-rise ang hackles ko initially tungkol sa sinulat ni direk about not making salaksak our tastebuds to the masa. Aba teka, sabi ko, but the masses needs to be educated and#mmff2016 is it! Kung hindi tayo, sino?! kung hindi ngayon, kailan?! Katarungan para kay ka Freddie! Cheret.

I still though believe that the MMFF is a very good venue for change. Protectionism na kung protectionism pero these films need it pa eh. The two-week protected run of the 8 entries gives them time to be discovered by a “captured” market na finally, if for a limited time, are free from the clutches of Hollywood and big studio franchises. O di ba yung mga nag-made-ngawa na nadisciminate raw sila in favor of indie films, kinuha nang ganun lang yung slots ng mga sine weeks before MMFF. At gumawa ng sariling MMFF – Money Making Film Festival. They have the clout and the money. They just want millions more.

Ano na nga ba yung point ko? Ayy, ayun.

The intention to educate the masses may be good but maybe it could be achieved less abrasively, na stop putting down totally commercialized money-grubbing side (na ginawa ko pa rin bakit ba) and instead help na lang promote the virtues of the 8 qualified entries and sing their praises so the hoi-polloi would hear. Hoi pollio raw?!!!

Tinamaan ako dun so eto ngayon, putting my keyboard where my mouth is and putting out trailer reviews ng mga entries dahil wala pa naman akong napanood sa kanila di ba. Pero baka makatulong lang nang very light.

And that’s serves as a very hanash-filled intro na mas mahaba pa sa unang trailer na irereview ko. Ang docu na #sundaybeautyqueen.

Maganda siya. Trailer pa lang naiyak na ako. Thank you. Babu.

Charoooooot!!! hindi pa yan yung review. Though naiyak nga ako nung una kong pinanood. Pinanood ko ulit kanina lang. Naiyak ulit ako, leche.

Una ito sa listahan ng must watch ko dahil bukod sa nakakaantig ng feelings eh, baka ma-first day last day ito dhail docu. Sana huwag naman pero mabuti na ang prepared. Sabi nga nila daig ng maagap ang hindi maagap. Or something to that effect. Charot.

So ang kwento, docu nga siya ng mga buhay ng chimini-ae sa Hongkong focusing sa mga kaganapan nila during the weekend. Though parang mababaw at fun lang ang subject up front —yung ngang beacon ng mga chimini-ae pag day off nila — nandun rin yung challenges na hinaharap nila through out the working week. Walang luhang ganap, nakangiti nga sila eh, but it is those smiles na mas nakakaiyak.

Sabi ng isang initerbyung maondang HK local o baka public official saying na if ever raw biglang maglaho bigla ang mga pinoy chimini-ae baka gumuho ang sibilisayon as we know it. Ohhhhhhh, of world import ang pinoy!

Yun nga lang, bakit ang Pinas ang primary human export eh chimini-ae. Ang Brazil na 3rd world rin naman, ang ineexport, models. Ansakit ‘teh, parang may judgement sa looks. Kaya siguro super tutok tayo sa mga international beaucons, may gusto tayo i-prove. MAGANDA KAMEH! MAGANDA RIN KAMEH!!! Charot.

The trailer closes with a series of working Pinays in their Sunday pageant best, and you know what? Ang ganda nga nila. HUNGGANDA NILA!

At walang charot yan.

Leche naluha na naman ako.

Advertisements