#totothemovie, at its heart, is a fairytale: may bida with a wish, may challenges to overcome and it even comes with a fairy (!) godmother that grants the wish, if you pardon the unPC pun, sorry naman.

It is a well-crafted film whose success totally rested on Sid Lucero’s capable shoulders. It banked on his charm and his commitment to bring a very human – if oftentimes misguided – character to the screen….

… at kaya niyang magpuno ng manipis, at cheapanggang bikini briefs maski na pangit ang fit. Isigaw sa madla…Puno ang lunchbox ni Sid! Puno ang lunchbox ni Sid!!

At opening sequence pa lang yun huh. May pa-pwet pa later!

In all aspects Sid delivered. His Toto was Tom Cruise-obsessed as in naniniwala siyang tumu-Tom Cruise siya. And though kita naman natin Sid in no way resemble Tom, at a certain point parang naniniwala na akong may hawig sila given a certain light, angle, and level of intoxication. Charot.

Actually nakakairita ang character ni Toto. Presko siya, quite aware na may looks siya and not above using it (ang asset! ang asset!), stubborn kaso tanga. Ansarap niyang paltukin sa kanyang stupid life choices at saka dahil asshole siya.

But Sid and the writer made him relatable, his stupidities understandable, his selfishness forgivable. Naproject rin kasi nila yung childlike innocence still present in Toto. Saka yung pagmamahal niya sa nanay niya. Gad, that scene with Bibeth Orteza! Tanginerns!

I never really looked at Bibeth as an actress before pero yung eksena niya with Sid was so raw and real. Rarely do i see an actress so em otionally naked. Wagas and yet so restrained. Hindi siya big emotional gesture. Wala lang, sinuotan lang ni Sid si Bibeth ng ill-fitting wig. Wasak ako.

Speaking of restraint, it is oftentimes considered a virtue in moviemaking. But i wish there was little less of that here. Tumuntong na kasi yung movie sa realm ng theater of the absurd, sana inembrace na nila nang bongga at nagpaka-Grand Budapest Hotel level na sila.

Hello, meron silang character na crossing dressing na macho dancer na straight. How more absurd can you get? Spoiler, hindi napuno ni macho dancer ang ginintuan tight trunks niya the way Sid did to his YC bikini briefs.

Balikan ko talaga di ba? Anyways…

Among the support, aside from Bibeth, noteworthy rin si Thou Reyes bilang pinsan(?) may pagsintang pururot kay Toto and Liza Dino na cumucall-cenner ang tweng ‘yknow? Nawierdan lang ako kay Neil Ryan Sese, parang emotionally detached yung mga eksena niya from the rest of the film. Parang akala niya action/drama yung ginagawa niya at walang nakapagsabing comedy ituh, ganern.

All in all, naenjoy ko naman siya pero i could see it being a bigger film kung naglabas pa ng more pagkabaliw si Direk. Sige lang direk, i-push mo pa, anyways we are not in Kansas anymore de ba? Pak.

Advertisements