Aiiiieeeee!!!! Yung santo lumalakad!!!! Aiiiieeee!!

Gabi nung una kong napanood ang trailer ng #seklusyon, at bwakanabits, yung naglalakad na santo talaga ang last clip ng trailer so syempre yun ang naiwang image sa akin. Unyeta, bukas ang ilaw sa bahay magdamag.

At look at da poster, kamay na may stigma ng unsidedown na cross. Whadaffert pero nakakatakot di ba?

Trailer pa lang na-set up na ang millieu, age of innocence, mysterious practices, secrecy, fight between good and evil. Ang texture ng shots. Ang scoring.

Hungwapo ni Neil Ryan Sese dito. Parang pinaghalong Indiana Jones na Van Helsing with pari sa The Exorcist on the side. Gwapo rin yung mga semenarista, parang may location shoot ng local version ng Bel-Ami.

At nakakabother ang mga fast cut imagery. Gumagalaw na santo. Madreng parang may balak. Bagets na nakabihis santo na parang nakalunok ng black ballpen na nagtatae. Paa ng bagets na walang katawan. Dalawang kakambal ni Gollum, Bruhang tumitili. Bagets lumuluha ng dugo. Santo na naglalakad, oo di lang gumagalaw, namamasyal na siya. Aieeeeeee!!!

Sa listahan ko, second itong Seklusyon sa must-watch ko pero malamang hindi ang second film na papanoorin ko kasi parang masarap siyang panoorin kasama ang buong barkada ko. Imagine niyo na lang isang halerang veklang tumitili sa takot.

Saka horror ito noh, kikita ito, aabot ito ng second week. Though pwede ko ring panoorin ito kajoin ang jowa lang muna, para may “ Beh i’m so scared, i need a hug” moment sa loob ng sine. Try niyo rin. Effective, promise. Cheret.

Advertisements