Antaray ng bakla, may pa-alternate trailer!!!

 

#DieBeautiful ang isa sa mga unang trailers na na-sight ko nung #MMFF2016 hopeful pa lang siya. Sabi ko, hungtaray, pang innernesyenel! Image-image, edgy remix soundtrack, ganda-gandahan, emoterang VO,pak, close ang coffin! The End.

 

Winnerva! Wala kang nalaman sa kwento, pero nakakaintriga.

 

Weeks later, eto, isang bagong trailer na mas pang-local mass audience with imprimatur ng Regal Films. Tamo may presence pa rin si Mother Lily sa MMFF eh. Emoterang madir.

 

Anyways, in fair sa gumawa ng trailer, kilala niya ang target market. Kung idyaera-kabogera ang orig na trailer for the international crowd, may sariling kembot itong bagong trailer na mas abot-kamay ng mga masses.

 

Fade to the background na ang fastcut ng images at add ng clip ng funny scene na complete with punchline, memorable quotes na pwedeng gamitin ng mga bakla in real life, at slapstick highlights including sabunutan pratfalls etc.

 

Dagdag ng puso-pusuan scenes para may kurot, samahan ng bata para sa awwww moments. Saksakan ng collage ng mga name stars nag nagcameo appearance : Joel Torre! Eugene Domingo! Gladys Reyes! Iza Calzado! Tapos Paolo Ballesteros, Best Actor, in big bold graphics!  Cut to memorable final image, the end!

 

Nung napanood ko yung unang trailer ng Die Beautiful pasok agad sa top three must-must. Wow the imagery kasi, saka idyaera nga. Pero nung lumabas yung ibang trailer like Seklusyon at Sunday Beauty Queen, medyo bumaba ang ranking niya kasi may visceral arrive yung dalawa, takot sa una at kurot sa puso sa ikalawa.

 

Hindi ko alam, nakulangan pala ako sa unang trailer. Parang feeling ko puro pabongga lang ni Paolo ang laman nito. Pero with the second trailer, ayyyy tumaas ulit ang ranking niya. Uy may acting pala si Paolo dito.

 

From the few scenes shown kita mo yung timing ni Paolo sa pagbagsak ng punchline at mga linya. Especially yung pagbitaw niya nung linyang… ” hindi nga lang ako babae…. pa.” Andami niyang nasabi beyond sa context nung eksena, naipahiwatig niya rin yung hopes and aspirations. Taray!

 

Must watch ang Die Beautiful for me. Ang hindi manood ililibing ng buhay… at mamamatay nang pangit… you heard me… PANGET!

Advertisements