Kapag ang indie film ba nagkaroon ng sequel isa na itong mainstream film?

 

Ayy ang heybi! Ayoko niyang tanong. Next Question please.

 

From being dark horse, malamala-frontrunner ngayon sa box-office ang beauty ng #angbabaesaseptictank2 come  #mmff2016. Only with a major silat ng Seklusyon or a bigger silat ng Die Beautiful would Eugene Domingo not be crowned the MMFF2016 box office queen.

 

But of course may expectations ako. I remember the original movie with fondness eh.Yung feeling na parang na-virgin ulit ako, touched for the very first time.  I remember the exhilaration of experiencing something new and quirky: ang indie film na chinachaka ang indie films starring a (then) upstart comedianne playing an herself as a self-engrossed superstar.

 

Bukod sa intelligent script, the most powerful weapon nung unang “Ang Babae…” was the element of surprise. Yung biglang bumabali yung akala mo seryosong eksena, like actors breaking the fourth wall. Saka yung  si Cherie Pie Picache biglang naging Mercedes Cabral. Or was it the other way around?  Yung intelligent kering-keri ni Chris Martinez i’m sure, yung surprise ang hihintayin ko.

 

Seeing the trailer ng  “Ang Babae… 2” is like seeing old friends na di mo akalain namiss mo pala and you want updates. Gusto mo they remain the same as you remember them pero at the same time dapat may ioffer silang bago. Hunghirap! Hungtaas naman ng standard ko eh P250 lang naman ang bayad ko plus extra P1 nga ba na di ko alam kung para saan.

 

 

If only sa pakilikili ni Kean Cipriano at pabalbon niya sa dibdib, igogora ko na ang movie na ito. Saka uy, si Cai Cortez may dialogue na dito at asan si Kahlil Ramos beyond sa pangalan niya sa credit. Pero bakit wala si JM de Guzman, o do i need to ask? Charot.

 

Igo-gora ko rin ang movie if only for Jericho Rosales doing the “wasak” pero gwapo pa rin.  I’m looking forward to Uge poking fun at herself again dahil from then til now parang mas malapit na ang  star status ni Uge sa Eugene Domingo character niya sa movie kesa sa Eugene Domingo of the first film.

 

Most of all i’m looking forward na tumawa at masurpresa ulit, sure ako diyan di ba Chris and Marlon? Chris and Marlon?! First name basis?! Feeling close?!

 

Hayaan niyo na.

Advertisements